A Dream that seems to be Real
Hi! Little dairy. So yun nga nanaginip ako. Isang weird na panaginip. So ito yung scene.
Umuwi itong isang friend namin (which itong friend is may past kami ganern) at parang pupunta ata kami somewhere (an event or occassion parang ganun) tapos dumaan din yung isang friend namin na girl (Friend D) na nakamotor at papunta din siya kung saan kami pupunta. So while, we are on our way, syempre todo chika ako sa kanya kasi we’re good friends na naman, chika about life, plans, work and the like.
Tapos biglang nagbago ang scene like parang nakarating na nga kami sa destination namin. Sa isang room, nandun si Friend D, Friend N and isang taga-lower year sa amin nung highschool kami. Parang late na yun nang gabi, so antok na lahat tapos meron tipsy na ganun, Tapos slowly, isa-isa na knockdown (tulog) sa amin, tapos itong si friend ko, tinanong ko siya if kamusta medlife (kasi sa scene pinursue talaga niya ang pagiging Doctor which is yun yung Prophecy namin nung highschool js namin.Tapos yun nga baka ophthalmology nga raw. Tapos bigla na lang siya natulog ganun yung position namin (Friend D, lower year na friend, siya, ako, tapos yung isang friend ko na nasa sofa si Friend N). Parang nananaginip si lower year, tapos biglang niyakap ni friend si lower year, sabi huwag matakot, ganyan, so baka nga may something sa kanila).Tapos nakita din yun ni Friend N at ito si friend N gustong-gusto si Friend. Kinomfort ko na lang din sabi ko okay lang yan. At after nun, nagising na nga ako.
Ang weird lang talaga! Panaginip lang man yun pero bakit may halong feelings. Kirot and discomfort. Dala ba ito ng pagod? Puyat? Yung feeling na sana ako pa rin ang gusto, ako pa rin ang pipiliin. Yung feeling na ganun. Iba sa pakiramdam kahit alam ko naman na panaginip lang. Pero iniisip ko, posible nga mangyari din sa totoong buhay, yung nangyari sa panaginip ko. May kanya-kanya na tayong buhay na ginagalawan ngayon.
#Dream









