Tama sila. Hindi siya takot mawala ka. Ikaw lang naman ang takot eh di ba? Mula’t mula, hindi ka na natuto na dapat kang maging matapang sa paglisan ng mga tao sa buhay mo. Ilang kamatayan na ang nagpamukha sa ‘yo na ang lahat sa huli ay lumilisan. Sinabi mo na natanggap mo na iyon. Ngunit bakit ganoon? Tila sa muli at unti-unti mong pagkahulog sa kanya, nagsisimulang mamayani ang takot na baka isang araw, balewala ka lang pala.














