Ang sarap pala sa pakiramdam na may taong nakakakita ng worth mo na matagal mo ng nakalimutan. 'Yung tipong hindi mo hinihingi sa kanya, pero binibigay nya. 'Yung sasabihan kang, "Mahigit tatlong taon ko 'tong hinintay". Iba pala talaga kapag may taong pinapahalagahan ka sa paraang di mo inaasahan. Salamat. Sana dumating 'yung panahon na masuklian ko lahat ng mga bagay na kusang loob mong ginagawa para sa akin. Pasensya ka na kung sa panahon na 'to ang kaya ko palang gawin e ang tumanggap. Magiipon muna ako, para sa araw na handa na muli ako, may maibibigay na ako sayo. Salamat kasi nauunawaan mo ako, kahit na gumulo ang buhay mo noong makilala mo ako. Sabi mo, pangarap mo lang ako, pero malay natin, tignan natin, baka maging realidad mo rin ako. Tignan natin.








