Book Two: The Selection
“Dream mo ba talaga magturo, Sir Cheese?”
Napatingin agad ako kay Jazmin kasi nag-uusisa na naman. Usual tambayan na niya yata ang library after class. Nauna naman ako rito, nasa ibang table siya kanina. Lumipat lang ako ng mesa nang makita ko siyang nandito rin at nagbabasa ng hiniram na libro.
“Bakit mo natanong?” sabi ko.
“Itong book.” Ipinakita niya ang cover ng binabasa niya. The Selection ni Kierra Cass. “Naisip ko lang, what if may ganito talaga in real life. Yung parang hindi ka puwedeng mangarap para sa sarili mo kasi you were born for something else na hindi mo gusto.”
“Hmm.” Tumango-tango naman ako habang iniisip ang point niya. “Ano ulit ang question?”
Natawa siya nang mahina at binuklat ulit ang page ng binabasa niya. “Dream mo ba talagang magturo.”
Nagusot ang magkabilang dulo ng labi ko saka umiling. “Actually, dream kong mag-explore sa napakaraming lugar.”
Mula sa pagkakayuko, sumulyap siya sa ’kin. “Travel?”
“Kinda.” Tumango naman ako. “Nakakapag-travel naman ako every quarter. May means naman ako to travel.”
“Tapos work mo ’to rito. Matagal na ba?”
Natawa naman ako nang mahina at marahang umiling. “Actually, nitong summer lang ako nag-start magturo.”
“Oooh.” Namilog ang labi niya saka tumango-tango, naagaw ko na naman yata ang atensiyon. “Kaya pala hindi ka familiar as prof. Kailan ka nag-apply? Nitong summer lang din?”
Pilit na pilit ang ngiti ko nang tumingin sa kung saan. “Hindi ako nag-apply.”
“E?” Napaurong naman siya at sinukat ako ng tingin. “Paano ka nakuha? Referral, gano’n?”
“Sa archives ako, initially.” Itinuro ko ang building sa kaliwa na tanaw sa second floor kung nasaan ang library. “I was working sa data collection. May bachelor’s degree ako sa library and information science. May master’s degree ako sa humanities and social science. Hindi ko first choice maging professor since exposed ako sa restorations and other nerdy whatnots.”
I could see the sparkle in her eyes, mukhang bilib na bilib sa pinagsasabi ko kahit pa in reality, tagasalansan lang ako ng mga maalikabok na folder at libro sa shelf.
“Pero ang bata mo pa. Genius ka siguro,” sabi niya, nakangiti nang kaunti.
“I don’t think it has something to do with the IQ. Masaya lang talagang maging curious,” sagot ko.
“Kinuha ka nila roon,” sabi niya, tinuturo ang building na katuturo ko lang din.
Alanganin akong ngumiti. “Yeah, parang. Nasa maternity leave kasi yung nag-iisang prof nila ng humanities dito and wala pang applicant na humanities ang major. Mas marami ang medical-related and hospitality and culinary applicants since ’yon ang maraming estudyante rito sa school.”
“Sa bagay.” Tumango-tango na naman siya. “Mahirap ding mangarap kapag mahirap ang papangarapin.”
“But dreams are relative,” dagdag ko. “’Yang book na binabasa mo, before ko ’yang mabasa, may nakakuwentuhan ako about diyan. Her name’s Alvic.”
Ate Alvic is a criminal data analyst and she’s working at a background checking company. The nature of the work wasn’t a surprise kasi family business din siya ng lola ko kay Momsky. Medyo maliit siya, parang hanggang balikat ko lang. Cute, mukhang huggable. Ombre ang buhok na wavy, and the nature of her work wasn’t that visible sa looks, but she has piercing eyes. And she looked so sweet and friendly.
What surprised me was the book choice.
Most of the time, I judge the book by its cover—literally. Kasi separate ang creator ng book cover and their rights, separate din ang rights ng author. So I have to look at the book parts by parts and credit where credit is due.
The cover is nice, bluish, and “girly” kaya hindi na rin ako nagtaka na ’yon ang naisipan niyang basahin. Bago sa akin ang book, new stock din yata kasi maayos pa ang book cover.
She asked me one time when I was working as a student assistant dito sa library, “Ano ang masasabi mo sa mga nagku-quiet quitting sa work or nabu-burn out?”
Hindi naman sa nagrereklamo ako bilang student assistant, pero tiring ang work in a sense na parang paulit-ulit ang gagawin mo araw-araw. Papasok sa library, magsasalansan ng books, mag-e-encode, uuwi. Kinabukasan, ganoon ulit.
Lifeless.
Sabi ko na lang, “May karapatan naman po ang lahat ng taong ma-burn out or mag-quit kung hindi na nila maramdaman ang growth sa work nila. Siguro kailangan din ng passion sa ginagawa. Kasi kapag hindi ka passionate sa ginagawa mo, hindi mo talaga siya magugustuhang gawin. Mentally, ide-drain ka talaga niya kasi you’re forcing yourself to do something na, in the first place, hindi mo naman ginusto.”
“What if ginusto mo naman siya before? Passionate ka roon sa job before, pero na-burn out ka na lang katagalan. Kaya pa ba siyang ma-ignite ulit?”
Hindi ko ’yon agad nasagot. I was twenty, barely earning for myself, umaasa pa rin sa allowance ng parents, but I worked sa library for a discounted tuition fee kasi malapit na rin ang graduation ko.
Privileged kid, yes. But I didn’t want to stay doon sa privilege na, feeling ko, hindi fair.
“Hindi ko po alam ang isasagot about work, Ate,” pag-amin ko. “Pero let’s say, ganito na lang po. Passionate po kayo noong una, then that means, at first, you like what you’re gonna do. Hindi siya forced labor o kaya imposed rule na dapat doon ka magwo-work kasi nasa batas. Ako po, gusto ko itong ginagawa ko rito sa library kasi ang mga head namin dito, mababait sila. Doon sa kabilang building, maraming masusungit na admin at nakakatamad mag-assist doon kasi parang lagi silang nagagalit kahit wala ka pang ginagawa.”
Mahina siyang natawa saka napatango. “Yeah, pamilyar ang eksena.”
“Nasa workplace din po yata nakadepende ang passion. Kapag po supportive sa inyo ang environment, hindi naman po nakakawalang-gana mag-work kasi alam mong may superior na su-support sa inyo.”
“May point,” napapangiting sabi niya. “Pero ikaw. After mong mag-student assistant, mag-e-aim ka ba sa higher position kahit alam mong toxic ang magiging superior mo?”
Pilit na pilit akong ngumiti saka umiling. “Neck-and-neck situation po kasi ’yon. Noong nasa student council po ako tapos tinataas nila ang position ko, hindi ko naman alam na required palang maging makapal ang mukha at makipagtagisan lagi sa mga rooting din sa higher position. Pero ako naman po ’yon. Kung okay lang po sa inyo at palaban kayo, support!” Natatawa akong nagtaas ng kamao para sa kanya.
Nakikita ko kay Ate Alvic na rooting pa siya ng something more sa status niya that time, and I saw nothing wrong about that. It was part of growing na hindi ka puwedeng maging stagnant sa kung ano ka lang ngayon. You have to change the course of your life and you have to decide for yourself.
“Graduating ka na ba? Ano’ng course mo?” tanong niya sa ’kin, tumango naman ako.
“Yes po, graduating ng information science. Pero sa next, next year pa po ang graduation ko kasi irregular student po ako.”
“Oh, I see.” Tumango-tango naman siya sa isinagot ko. “Dream course?”
Mabilis akong tumango. “Yes po.”
“Suwerte mo naman. Bihira kong marinig ’yang course mo.”
Naiilang akong ngumiti saka napahimas ng batok. “Wala po kasi masyadong pera pagka-graduate, sabi nila.”
“Hindi naman siguro. Buti na-pursue mo.”
“Yes po. Supportive po kasi parents ko.”
“Suwerte mo sa parents mo.”
“Sobra po. Plano ko rin pong mag-master’s degree habang waiting ng graduation ko.”
“Wow. Ang sipag mong mag-aral.” Kitang-kita kong napabilib siya sa sagot ko. Hindi naman sa masipag, gusto ko lang talagang gumawa ng dissertation para may ilalaman din ako rito sa library someday na gawa ko.
“Kayo po, graduate na kayo?”
Alanganin siyang tumango. Parang oo na parang hindi.
“Dream course n’yo rin po?”
Mabilis siyang umiling, walang sinabing kahit na ano.
At that moment, napaisip ako. Sobra-sobra siguro ang privilege na meron ako para piliin ang course na talagang gusto ko. Kasi ang daming estudyante na nag-aaral lang for the sake of diploma at masabing naka-graduate. Pero iilan lang ang gusto ang pinag-aaralan nila.
“Pero ikaw,” dugtong ni Ate Alvic, “kung sakaling graduate ka ng hindi mo gustong course, ipu-pursue mo pa ba ang dream course mo kung wala ka nang time to do other stuff for self-satisfaction?”
Tinitigan ko siyang mabuti kung ano ang ibig niyang sabihin.
“Self-satisfaction po na ano specifically?”
“Hmm . . .” Tumingin siya sa itaas, parang nag-iisip. “Let’s say ako, may work na kasi ako. May family na ako. Kung mag-aaral ulit ako sa dream course ko, practical pa ba?”
Mabilis naman akong tumango. “Limitless naman po ang pag-aaral. May nakaka-graduate po kahit 70 years old na. Siguro po, mas lamang ang pagpili n’yo ngayon sa priority kaysa sa dream course. Kasi ang tao naman, kung priority niyang marating ang dream niya, ’yon ang ipa-prioritize niya. But since may second-thinking moments kayo, mas nangingibabaw ang happiness and self-satisfaction n’yo sa ngayon kaysa sa dream course n’yo. It will consume time po kasi. Mag-aaral kayo, mahahati ang time n’yo. Of course, kayo po ang magde-decide kung sino o ano ang deserving paglaanan n’yo ng oras sa ngayon.”
Matipid ang naging ngiti niya sa akin habang tumatango. “Yeah.”
“Importante rin naman po kasi ang oras. Kapag lumipas na ’yon, hindi mo na ’yon maibabalik. Kayo pa rin po ang pipili kung ano ang uunahin n’yo sa ngayon; kung mag-aaral kayo o yung ibang bagay.”
Ang lalim ng paghinga niya at patango-tango lang na isinara ang binabasa niyang lubro. “Kapag lumipas na, hindi na maibabalik . . .” pag-ulit niya sa sinabi ko. “What if possible na makabalik ka. Babalik ka ba sa nakaraan para itama ang isang major wrong decision na naging malaki ang impact sa buhay mo right now?”
Tinitigan ko pa siyang mabuti kung ano ang ibig sabihin ng tanong.
Twenty pa lang ako. Hindi ko alam kung may narating na ba ako sa buhay na life-changing para sumagot sa tanong na ’yon.
“Sorry po pero hindi po ako babalik,” sabi ko agad saka nahihiyang umiling.
“Why?”
“Kasi po naniniwala ako sa relation ng isang buhay sa buhay ng iba. If babalik ako sa nakaraan tapos may babaguhin ako, ibig sabihin, marami rin akong buhay na mababago at mababago rin ang future. Everything happens for a reason. Binigyan din kayo ng choice beforehand. Hindi n’yo na po mababago ’yon kasi nangyari na.”
Ganoon lang din siguro karami ang regret sa buhay ng tao na lagi silang nagki-cling sa past, and they all wanted to change it.
I have my own fair share of regrets, but the more I cling to them, the more I couldn’t move forward to have a better future.
Hindi kasi puwedeng mag-rely lang lagi sa past kasi mino-mold lang n’on ang magiging future mo na lalo kang mai-stuck sa lugar na dapat matagal mo nang nilisan.
Choice ng tao kung gusto niyang mag-grow. And the first way to grow is to step out sa dark place kung saan sila na-stuck. It wasn’t easy kasi iba-iba nga naman ang pace ng buhay. But then again, pace means moving from one place to another kahit gaano pa kabagal. It wasn’t about staying at one place, and magically, magmu-move ka na sa kabila.
“Ako, dream kong makapagtayo ng café,” sabi ni Jazmin. “Wala pa ’kong budget, pero someday, sana.”
“Kaya ’yan. Need mo lang din ng solid support,” sabi ko.
May kinuha na naman siyang bookmark sa libro. “Cheesedog was Here,” pagbasa niya at ibinalik na ulit ’yon sa page. “Grabe, sipag magbasa, sir. May favorite quote ka rito? Nakakabisado mo ba ’to lahat?”
“By birth you have been blessed, and it is time to acknowledge that blessing,” sabi ko.
Biglang lumapad ang ngisi niya. “Hala, angas!” Itinuro niya ang isang page sa libro na may highlight. “Dito naman, ‘It's the fear of looking stupid that keeps you from being awesome.’” Inilipat niya ang tingin sa akin. “Wait, okay lang bang sulatan ang mga libro dito?”
Natatawa akong tumango. “Hindi sa nang-e-encourage, but it was a good way to tell everyone na galing ka sa book, and you read everything from the paper to its soul.”
“Pero ikaw, bookmark lang. Hindi mo sinusulatan.”
“Kasi kapag ako ang nagsulat diyan, sana nagsulat na lang din ako ng separate book review sa dami ng sasabihin ko.”
“Hahaha! May point ka diyan, sir.”
Isinara na niya ang libro at nginitian ako. “Kumakain ka ng kwek-kwek, sir?”
Nakangiti akong tumango. “Yeah.”
“Libre mo ’ko, sir.”
“Hahaha! Jazmin, Jazmin, Jazmin.” Napailing na lang din ako. “Sige, tara sa labas. Kain tayo.”
• co-created by @akosiaey
• Next update: January 15, 2023, 7 PM













