Book Three: The Giving Tree
“Sir Cheese, sure ka na ba rito?”
Surprising, hindi lang kami ni Jazmin ang nandito ngayon sa iisang table sa library. She was with Bamboo, isa rin sa mga estudyante ko sa Humanities and Art Appreciation. She’s nice, she has a toothy smile and sweet voice. Medyo makulit din gaya ni Jazmin, but tolerable. Exposed naman ako sa makukulit.
Ipinakita nila sa akin ang librong pinagagawan ko sa kanila ng analysis. It was a children’s book. Yung makapal book cover at iilang pahina lang din ang laman na makapal din ang papel.
It was weird, maybe? Kasi nasa college na sila. They were sophomores, and Jazmin was taking my subject kahit naghalo na ang year niya as third and fourth year.
“The Giving Tree,” pagbasa ni Bamboo sa title, “by Shel Silverstein.” Tiningnan pa niya ang back cover na may picture ng punong may nakasandal na bata. “Hindi ko pa ’to nababasa, Sir Cheese. Maganda ba ’to?” Natawa siya nang mahina. “Sorry na agad, sir, hindi ako reader ng mga pam-baby na books.”
“It’s okay. Magkaka-insight kayo diyan.”
Binuklat niya ang ilang page hanggang dulo nang hindi ’yon binabasa. “Maikli lang, shems! Sige, basahin namin ni Jazmin.”
Sumamâ tuloy ang tingin ni Jazmin kay Bamboo. “Nandamay ka pa.
“Bhe, assignment natin ’to. Talagang madadamay ka.”
Si Jazmin muna ang nagbasa. Si Bamboo tuloy ang inurirat ako kasi alam na nagbabasa lang din ako ng non-academic book.
“Sir, di ba, anak ka ni Sabrina Dardenne?” curious na curious na tanong ni Bamboo.
Matipid akong ngumiti saka tumango. No wonder, nakilala niya ang mommy ko. Panay labas ba naman sa commercials, paanong hindi makikilala.
Ipinatong niya ang magkabilang braso sa mesa saka tumunghay sa akin. “Bakit ka naging teacher, sir?” usisa niya.
“Kasi wala akong choice,” natatawa kong sagot kahit pabulong na. Itinuro ko na lang ang building sa kaliwa namin. “Pinalipat ako rito kasi nanganak yung dapat na prof n’yo.”
“Hahaha! Kaya pala!”
“Ssshh! Quiet!” sigaw ng librarian sa dulo.
“Ay, sorry, sorry po.” Napatakip tuloy siya ng bibig saka yumuko pa para tanungin ulit ako. “Pero nakikita namin kayo sa kabilang building, sir. Ano pong work n’yo aside sa pagiging prof?”
“Sa archives ako, nagko-collect ng data ng school. Admin task din minsan.”
“Ooohh . . .” Namilog ang bibig niya at napatango-tango pa. “Ang pogi mo, sir. May kapatid ka ba? Beke nemen . . .”
Ako na ang napatakip ng bibig gamit ang kinuyom na kamao. “Yeah, meron. Ka-age n’yo lang din. Kaso girl siya.”
“Ay, sayang naman.” Napanguso pa si Bamboo at akala ko, hindi na magtatanong, pero matapos silipin ang binabasa ni Jazmin, nagtanong na naman.
“Di ba, sikat parents mo, sir? Paano sila maging parents sa ’yo? Hindi ka ba nate-tempt maging model din sa magazine o kaya billboard?”
“Haha!” Tipid ang naging halakhak ko at napailing sa tanong. “Ang mommy ko, mahigpit. Ang daddy ko, hindi. Most of the time, sa daddy side ako. Wala naman silang expectations sa ’kin maliban sa huwag akong magda-drugs.”
“Grabe naman sa huwag magda-drugs, sir. Pero may point naman.”
“Yeah, malaki ang point.”
“Walang pressure, sir? Kasi parang dito lang yata kayo sa uni. Tagong-tago pa. Tinatago nila kayo sa public?”
“Huy, hindi, a.” Napailing agad ako. “Wala namang pressure. Hindi ko rin kasi masyadong ine-expose na anak nila akong dalawa unless kailangan.”
“Pero ang ganda ng lahi n’yo, sir, ha. Ang expressive ng mata n’yo. Ganyan ba talaga kayo tumingin sa tao?”
“Paanong tumingin?”
“Yung parang in love na in love kayo sa kausap n’yo.”
“Pfft!” Si Jazmin na nananahimik, biglang napatakip ng bibig saka siniko si Bamboo. “’Te, tahimik na, ’te.”
“Nagtatanong lang naman, grabe.”
Pagsulyap sa akin ni Jazmin, saglit ko siyang kinindatan. Napasimangot siya pero napangiti rin pagkatapos.
“Tapos na ’ko, ikaw na magbasa.” Sinundan ko ng tingin ang kamay ni Jazmin, at naabutan ko pang pasimpleng hinatak paalis ng libro yung bookmark kong nakaipit doon saka niya itinago sa notebook niya.
“Mabilis lang ’to, ha?” paniniguro ni Bamboo.
“Oo, mabilis lang ’yan.”
Ang lalim ng buntonghininga ni Bamboo saka binasa ang libro habang nakaabang na sa gilid ang notebook niya para sulatan.
“Once there was a tree . . . and she loved a little boy,” pagbasa niya sa unang passage. Tumahimik din siya pagkatapos habang naglilipat ng page.
Nangangalumbaba lang ako habang pinanonood si Jazmin na magsulat sa notebook niya. For sure, kailangan kong basahin ang lahat ng inputs nila about the book.
“Tapos na ’ko, sir,” biglang sabi ni Bamboo at mabilis na isinara ang libro. Pagtingin ko sa reaksiyon niya, nakasimangot na siya. “Nakakabuwisit talaga mga lalaki! Mga manggagamit!”
Napaurong naman ako paatras habang gulat na gulat! Hala siya!
“Galit na galit, ’te?” natatawang sabi ni Jazmin.
Mataray na itinuro ni Bamboo ang libro. “Sige, ano’ng tawag mo sa ginawa ng boy kay Tree? Di ba, ginamit lang siya?”
Napatakip ako ng bibig habang nagpipigil ng tawa.
“Affected na affected, ha.” Hinatak na ni Jazmin ang libro at inipit ulit doon ang Cheesedog Was Here bookmark ko.
“Sir, grabe naman ’tong mga pinababasa mo sa ’min,” reklamo ni Bamboo. “Children’s book ba ’to? Bakit ang lalim ng hugot?”
“Natuwa ka ba sa story?” tanong ko kahit natatawa pa rin.
“Sir, hindi ’to nakakatuwa. Ang rupok ni Tree! Yung ilang beses ka nang hinuthutan tapos iniwan ka na lang after mong magbigay, kada balik, parang walang nangyari, bigay pa rin!”
“Ibig sabihin n’on, pure and unconditional love ang meron si Tree kay Boy.”
“Hindi, sir, walang pure love-pure love dito. Magrereklamo ako sa analysis ko, bahala ka diyan.”
Natawa na lang ako kay Bamboo. Na-curious tuloy ako sa laman ng analysis ni Jazmin kasi hindi naman siya umimik sa pinabasa ko.
“Ikaw, Jazmin, natuwa ka ba sa story?” tanong ko at nangalumbaba na naman para hintayin ang sagot niya.
“Hmm, sakto lang, sir. Parang same sa parable of the prodigal son. Yung kahit nilayasan na siya ng anak niya at halos maging failure na ’yon sa buhay; pagbalik sa kanya, tinanggap pa rin niya nang buong puso.”
Naituro agad ni Bamboo si Jazmin. “Ay, agree ako diyan, bhe.” Tumango-tango pa siya. “Siguro kung parent’s perspective ’to, kahit nakakabuwisit, tatanggapin ko na.”
Actually, I want them to understand how unconditional love works, and how selfishness of an individual affects the whole perspective. And why happiness and contentment matters to an individual.
May point sa buhay ang tao na sobra-sobra silang magbigay sa mga mahal nila, na halos wala nang matira sa kanila para lang maging masaya ang mga taong ’yon. Ang kaso, meron at meron pa ring mga tao na kahit alam na nilang inuubos mo na ang sarili mo para sa kanila, hindi nila kayang tumanaw ng utang na loob. May mga taong hindi marunong makontento.
There’s something beautiful about love na masarap i-reciprocate, and we tend to get angry for someone na alam nating inaabuso na pero binabalewala lang kasi nga mahal nila.
We get mad because we see love on one side and injustice on the other. We get angry because we expect it to be returned, but the person who loved more received nothing in return.
Bamboo’s anger has a point. Kasi nakatingin siya sa side na may injustice na nagaganap. But Tree’s love is somewhat conditional at one point: gusto lang niyang maging masaya si Boy kaya willing to give siya ng kahit ano para lang sa happiness na ’yon.
But Bamboo’s perspective came from a romantic viewpoint. Ang anger niya, galing sa couple’s perspective.
Ang viewpoint na binanggit ni Jazmin ay tungkol sa love related sa family. Mag-iiba ang perspective ng titingin sa book kapag binasa ’yon sa ganoong way.
Some parents will give up everything for their children. It’s unselfish love over selfishness. That no matter how wrecked their children are, kahit gaano pa ka-worse ang decision na gawin ng mga anak nila, kapag umuwi ang mga ’yon sa kanila galing sa malayo matapos silang iwan, tatanggapin at tatanggapin pa rin nila kasi anak nila ’yon. Kahit bali-baligtarin man ang mundo, kadugo nila ’yon, at laging bukas ang pinto nila sa mga anak nila kahit gaano pa kasakit sa ulo ng mga ’yon.
“Ikaw, Sir Cheese, ano say mo rito?’ tanong ni Bamboo nang matapos siya sa pagsusulat. “Hindi ka ba nainis?”
“Hmm.” Nagkibit-balikat ako. “It’s a clear way of showing na kapag ang tao, naging self-centered, nakaka-damage sila sa ibang tao na naturally a giver. Kung lagi mong iisipin ang sarili mo at hindi mo iko-consider ang mga taong nagmamahal sa ’yo, baka hindi mo na mapansin na ikaw ang umuubos sa kanila habang minamahal ka nila.”
“Grabe sa hugot, sir. Ang tanong ko lang, kung nainis ka ba, haha!”
“Hindi naman siya nakakainis. Depende siguro kung paano mo siya titingnan. May klase pa ba kayo?” Tiningnan ko silang dalawa.
“Ako, sir, meron,” sabi agad ni Bamboo. “After lunch, may NatSci pa ’ko.”
“Ikaw?” tanong ko kay Jazmin.
“Mamaya pang 3, sir,” matipid na sabi niya. “Dito muna ako sa library.”
Napatango-tango naman ako. “Okay. Dito na lang din muna ako sa library.” • Bamboo's character by @EithneAoife
• Next update: January 17, 2023, 7 PM









