Ang PAGLALAKABAY sa BUSAN
Ang pelikulang nasungkit ang mga mata ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kakaibang genre na piunagsamang horror, suspense, at drama. Hindi maikakaila na bago ito sa paningin ng mga manonood kaya’t ito ay nagustuhan ng mga bawat manonood.
Ang kwento nito ay isang ama na nais niyang bigyan ng munting regalo ang kaniyang anak dahil kaarawan nito. Nguni’t habang ang tren na papuntang Busan ay nasakyan ng isang babae na infected ng isang virus na nagagawang maging isang zombie. Habang nagbyabyahe ang tren papuntang busan ay nakagat ng babaeng infected ang isang babae rin at hanggang sa ito ay kumalat na sa bawat pasahero ng tren na ang tawag ay KTX (Korean High-speed rail).
Kung papansinin ito ay talagang nakakapukaw ng atensyon ng mga manonood. Hindi lang dahil sa kakaibang genre ng palabas, kundi rin sa mga artistang nagbigay buhay sa bawat karakter na kanilang ginampanan. Kung titignan talagang ito’y pinaghandaan at binusising ayusin para lamang maganda ang kinalabasan ng pelikula. Na dahil dito ay maganda ang kinalabasan ng pelikula na nagustuhan ng bawat Pilipino at gayon din sa ibang karatig na bansa.
Napakagaling din ng batang artista sa pelikula na si Kim Soo-Ahn. At ang pinaka-sikat na artista na si Gong Yoo na nagbida noon sa sikat na telenovelang “Coffee Prince”. Magaling din ang mga artista na gumanap sa nasabing pelikula na ginampanan nila ang bawat karakter na sakanila’y iniatang. Kaya kung ikaw ay mababaw ang luha, hindi mo mapapansin na ikaw pala ay may luha sa iyong pisngi.
Maihahalintulad ang pelikulang ito sa pinaka-sikat na palabas sa Amerika at sa ibang mga bansa ang “Walking dead” dahil ang mga zombies ay narito. May kakaibang istilo rin ang dikertor ng pelikula na kung saan ginawa niyang palaisipan ang puno’t dulo ng epidemia ng zombie.
Maraming aral ding iniwan ang pelikulang ito. Tumatak sa bawat tao na katulad ko rin ay ang pagtutulungan, pagiging mapagmalasakit sa kapwa, pagmamahal sa isa’t isa ng isang pamilya at syempre ang masamang epekto ng pagiging ganid sa pera.
Sana’y panoorin ito ng bawat direktor at prodyuser para mas malinang ang kaisipan sa paggawa ng isang pelikula na makakapukaw ng atensyon ng mga manonood at kasama na rin ang mga aral na makakalinang ng pagiging isang mabuting mamamayan.
Dahil dito ay binibigyan ko ng iskor na 9 hanggang 10, dahil sa naipamalas niyang kagalingan sa mga bawat karakter at cinematography.







