Say NO to Forever
Hindi naman totoo, hindi naman ako naniniwala, mga kataga na lagi ko sinasabi lalo na kapag hindi naman natutumbasan ang mga bagay na gingawa mo para sa kanya, o sa kanila. Walang Forever! Oo, ikaw lang nagiisip na maroon nito at ikaw lang ang naniniwala sa mga salita na wala naman basehan. Bitter? Hindi ko alam kung bakit inuubos ko ang panahon ko sa paghahanap ng punyetang Forever na yan. Ang daming problema sa mundo pero ako Forever lang pinoproblema ko :) Keme!
Tapos na ang Hapon na shift, sobrang toxic parang relasyon mo na ghinost ka, parang matamis na pagibig na sa umpisa lang magaling sa umpisa lang masarap. Ayoko isipin na tapos na, na hanggang dito nalang, na wala na yung mga moment na dati, sweet ka, special ako, Mahal mo ako at ako lang ay sapat na at Mahalaga ako sayo. Ang labo hindi ko alam kung ano sinasabi ko, hahahaha! Ang boring kasi ng buhay, parang ikaw lang, sa umpisa mukha interesanteng tao pero habang tumatagal hindi ka alak, na sumasarap. Keme! Ang dami ko pangarap, plano para sayo, sa atin pero biglang nawalan ng saysay. Hindi siguro tugma o pareho ang mga bagay na hilig o gusto natin o dahil magkaiba lang talaga ang Yelo sa tubig, ang asin sa asukal? Ano daw?
Nakakapagod, seryoso. Hindi ko alam kung paano i ALT Delete ang nasimulang relasyon. Kung paano tapusin ang sinimulang laro na ni minsan hindi ako nanalo. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang laban na hindi naman ako nakaranas ng pagkawagi. Naks!? hahahaha! weirdo ng pakiramdam, na Feeling ko Mahal ka pero mas Mahal mo pala? Labo, ang hirap pero alam mo ang mas mahirap? yung nakaupo ka sa harap ng laptop mo at nagddrama ka ng hindi naman dapat at hindi naman worth it. hahahaha! Diba? Ako lang ba? ang walang magawa kaya nagsasalita sa website na wala ka naman kausap at walang may pake? Welp! nakakagaan lang sa pakiramdam, yung nagsusulat nagtatype ka ng kung anek-anek, nakakabawas ng pagkabagot at lungkot wallah!? (Swear) sabi nga ng mga Arabo. Gusto ko na umuwi? hahahah! bigla ko lang naisip, mas okay na yung wala kang plano, yung wala kang pinaniniwalaan yung wala ka iniisip na bagay na makakasira sa araw mo, desisyon at makakasira ng sarili, Gets mo? labo noh? kahit ako nalabuan din eh. Ayoko na magisip hindi naman healthy to eh. Self awareness or assessment ba?
Basta, titigilan ko na lahat to, kalokohan lang ang magmahal at kalokohan lang ang maniwala na mayroon taong magmamahal sayo well in fact wala naman talaga seryoso, at patay na ang tao na Mahal o minahal mo. Hindi na sila babalik at nagiisa lang siya o sila. “Hindi na ako aasa pang muli” sabi nga sa kanta.











