lately sobrang inis ko sa sarili ko kasi alam kong hindi ko na napagtutuunan ng pansin yung mga hobbies ko in life —
ilang filmfests na yung hindi ko nasunggaban.
ang dami ko pang nakatambak na librong gusto kong magkaroon ng panahong basahin.
pero looking back, i'm extremely grateful for friends who in spite of their busy schedules are always keen to hone and create with their craft —
nakabasa ako dahil nagsulat ang isa kong kaibigan tungkol sa pag-ibig that transcends worldly transitions.
nakapanood ako dahil nagdirek ng pelikula ang isa ko pang kaibigan para sa isa pa nilang kaibigan at kung paano nila dinedeal ang pighating kaakibat ng kanyang pagkawala.
makes me wonder, at malamang sa malamang, mukhang ako lang talaga ang humahadlang sa sarili kong kaligayahan. i need to make time for these things.
lately sobrang inis ko sa sarili ko kasi feel ko ubos na ubos na ako. isang makinang nauubusan na ng gas. pero laking pasasalamat ko sa mga kaibigang patuloy na gumagawa. because of them i get to fill my cup with more than enough para makatawid sa kung anong kailangan kong itawid.
cultural work, in its many forms, is humanity's protest in a system that boasts alienation that comes with its efficiency. mabuhay ang manggagawang kultural.















