LETLENILEAD

ellievsbear
almost home
Jules of Nature
dirt enthusiast
$LAYYYTER
Three Goblin Art
"I'm Dorothy Gale from Kansas"

Discoholic đȘ©
Misplaced Lens Cap
Mike Driver
No title available
trying on a metaphor
ojovivo
KIROKAZE
Sade Olutola

if i look back, i am lost

oozey mess

Janaina Medeiros
Game of Thrones Daily
Monterey Bay Aquarium

seen from United States
seen from Iraq
seen from Bangladesh
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from TĂŒrkiye
seen from United States

seen from Georgia

seen from United States
seen from Japan
@always-be-creative
LETLENILEAD
ESKINITA
BY: Erica Julianne Pabico | A short story
Alas cinco na ng hapon, palabas ako galing opisina naghihintay ng masasakyan. Usok at alikabok ang sumasalubong, hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ako sa may labas ng aming opisina. Nakikita ko ang mga kotse, bus at mga truck pabalik balik sa kalsada. Heto pa rin ako naghihintay ng masasakyan; traffic nga talaga sa Pilipinas. Habang naghihintay ng masasakyan ay naisip ko tumambay sa calenderia ni aling Susan doon rin naman ako palaging kumakain ng pananghalian. Malapit lang naman kasi iyon sa opisina namin âwalking distanceâ lang naman at wala pa limang minuto ay nakarating na ako.
âAling Susan ano po ba ang hapunan natin diyan?âTanong ko kay aling Susan.
âMeron akong nilutong adobo at kare-kare.âsagot niya.
âGanon po ba? Pabili nga po isang kare-kare at kanin, isa rin po soft drinks. Salamat poâ
Inihanda agad ni aling Susan ang kare-kare inorder ko. âHeto na ang kare-kare, talagang paborito mo ito! Kasabay ng mainit na kanin.â Nakangiting sabi ni Aling Susan.
âSalamat po aling Susan talagang paborito ko po ang luto ninyo.â Sagot ko habang nakatawa.
Habang kumakain ay napansin ko may nakatingin na mama sa akin, kakaiba kung paano siya tumitig. Na para bang may masamang balak, pero hinayaan ko na lang ito dahil baka may iniisip lang naman siya na problema at bigla na lang natulala.
Mhmmm⊠Masarap talaga magluto ng kare-kare si Aling Susan, natural na mani ang kaniyang ginamit kaya naman puro ang pagkakagawa. Agad ko tinapos ang aking kinakain. âAling Susan, salamat po the best po talaga kayo magluto ng kare-kare.â Pag paalam ko sa kaniya.
â Ikaw talaga palabiro ka talaga, Oâsiya sige walang anuman, ingat iha.â Sagot niyang nakangiti.
âOpo, salamat po ulit.â
Grabe busog na busog ako, siguro ay hindi ako magsasawa sa kare-kare ni Aling Susan kahit lagi ko pa itong ulam. Ring⊠Ring⊠teka mukhang may tumatawag ata. Agad ko kinuha ang aking cellphone sa bag. Ohhh si mama tumatawagâŠ
âHello po ma? Naririnig niyo po ba ako?â
âOh anak kamusta ka naman diyan sa Maynila? Kumain ka na ba? Naku! Huwag ka magpapalipas ng gutom. Nag-aalala kami ng Papa mo sayo.â
â Opo ma, nakakain na po ako dito lang po malapit sa opisina, wala po kasi akong masakyan, kaya nag hapunan muna po ako. Heto nga po ako eh naghihintay pa rin ng msasakayan.â
âOâ sige anak mag-iingat ka palagi. I love youâ
âOpo ma kayo rin po ni Papa miss ko na po kayo.â
Pagkababa ko ng telepono ay pumara ka agad ako ng jeep, sa wakas ay nakasakay na rin ako. Pagkababa ko ng jeep ay naglakad ako pauwi kung saan ako nakatira madilim na ang daan sa iskenitang nilalakaran ko ala siete na ng gabi, tila baây walang poste ang may ilaw simula sa kanto. Kinuha ko ang maliit na flashlight na lagi kong dala, ginamit ko ito sa paglalakad; medyo natatakot ako dahil sobrang dilim ng paligid siguro ay nag brown-out kaya naman walang mga ilaw. Nilakasan ko ang aking loob at patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggaât sa may kumalabit sa akin sa likod, agad akong lumingon isang mamang nakatakip ang mukha sa itim na tela ang sumunod sa akin may dala siyang kutsilyo at tinutok ito sa aking bewang, tinakpan niya ang aking bibig gamit ang kaniyang kamay. Humahagulgol na ako at tumaas ang aking balahibo sabay nito ang panginginig na nararamdaman ko habang naglalakad.
âTUMIGIL KA SA PAG-IYAK! DERETSO LANG ANG LAKAD, DALHIN MO AKO KUNG SAN KA NAKATIRA.â Natakot ako ng sobra kaya naman sinunod ko nalang ito, pagkadating sa harap ng aking apartment ay binuksan ko ang pintuan, nanginginig ang aking mga kamay habang binubuksan ko ang door knob, nakatutok pa rin ang kutsilyo sa akin. Pagkabukas ng pinto kinaladkad ako ng mama at biglang nilagyan ng âblindfoldâ ang aking mga mata. Sabay tinakpan ang aking bibig upang hindi ako makasigaw o makahingi ng tulong.
Naririnig ko may kinakausap siya sa telepono, sa palagay ko ay may iba pa siyang kasamahan na papapuntahin sa lugar kung saan ako nakatira at nakagapos. Walang magawa. Nakatali ng mahigpit at walang nakikita kundi kadiliman. Makalipas ang isang oras ay may narinig ako mga boses ng kalalakihan, malakas ang kanilang halakhak at alam ko may masama silang binabalak sa akin.
Hinablot ako ng mama, hinawakan niya ang aking braso ang isa naman ay hinihimas ang aking binti. Humagulgool ako ng sobra lakas at sabay sabing âTAMA NA PO, TAMA NA PO.â Ngunit pinagpatuloy at pinagpatuloy nila ito, wala akong nagawa nung gabing iyon kahit anong gawin ko , kahit anong laban ko ay balewala.
Nakagapos ako ng mahigpit, tuhod ko puno ng pasa at damit kong punit.
Walang Makita kundi kadiliman na nakapaligid,
Aking mata ay puno ng luha sa mala impyernong aking nararanasan.
Pagpapakasakit na higit pa sa kamatayan ang aking naramdaman.
Parang gusto ko na lang matapos at kalimutan ang mga masasamang ala-ala.
Ngunit mahirap, dahil akoây takot pa.
Takot na takot.
Bawat haplos at pilantik na aking naranasan, pakiramdam ko ito ang sumira sa aking buong pagkatao.
Akoây simpleng tao na mataas ang pangarap; maiahon ang aking pamilya sa kahirapan at matulungan ang aking mga kapatid na makapag tapos sa pag-aaral.
Ngunit pano na ngayon? Ilista na lang sa tubig ang mga pangarap na iyon.
Habang buhay ko ito dala-dala at wala ng mababago pa.
Ang takot at kapighatian na naranasan, ay hinding- hindi malilimutan.
Ito ay magiging isang peklat na kalian man ay hindi na matatanggal pa.
Pagkagising ko ng umaga ay naramdaman ko ang sakit ng aking katawan hirap ako sa pagtayo sa kamang hinihigaan ko. Nakatanggal na ang gapos na nakatali sa akin. BINABOY NILA AKO, ANG BUONG PAGKATAO KO! MGA HAYOP SILA.
Buong araw ako nakatulala sa ding ding at umiiyak, humahagulgol sa iyak.
Ramdam ko ang aking pagkadurog.
Pinaglaruan ako at ginawang hayop.
Magpapatuloy pa rin ako
At hahanapin ko ang hustisyang nararapat sa akin.
Hahanapin ko ang mga DEMONYONG gumawa sa akin nito.
At hindi ko sila uurungan, sa kabila ng aking pagpapakasakit,
Gagamitin ko ito bilang lakas at magpapatuloy pa rin.
Makalipas ang isang taonâŠ
Nahuli na rin ang tatlong mama gumahasa sa akin, nakuha ko na ang hustisyang nararapat para sa akin. Ginamit ko ang aking karanasan bilang lakas at kuwento na dapat maibahagi sa lahat. Ito ay magsisilbing aral at batid para sa lahat ng kababaihan at naging biktima. Nais ko ipaalam na huwag natin limitahan ang ating mga boses tayo ay magsalita at ipaglaban ang nararapat na hustisya para sa atin.
ALPAS
By: Erica Julianne G. Pabico
Malumbay na mga mata
kawalan ng pag-asa at pagkabalisa
Sino nga ba ang mga taong ito?
Sila lang naman ang mga taong minsa'y ating nakaligtaan
Mga taong hindi na nabibigyan ng pansin at importansya.
Mga dinadaan daanan sa gilid ng kalsada.
Mga taong nagbabanat ng buto matugunan lang ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.
Kamusta na nga ba sila sa panahon ngayon? Pano nga ba sila binubuhay ng sistema sa panahon ng kagipitan at kawalan?
Ang mga taong minsa'y tinuturing na trapo ng lipunan, bayan, ating nakaligtaan Pinipilit bumangon Makaalpas Makapaghanap buhay sa panahon ng pandemya Taong bayan, kaya pa ba?
Huwag naman sana natin husgahan, bagamat ating tulungan Huwag maging agresibo Sya nawaây huwag din namang positibo sa COVID na ito Ngunit maging positibo sa buhay na salat na salat sa negatibong perspektibo
Ang pandemya na ito ang punoât dulo kung bakit kailangan magsumikap at magsakripisyo.
Naka kadena si Amor sa systema ng pandemya Kakayanin pa ba? Hanggang kalian pa ba ito? Isa sa mga katanungan na itinatanong sa sarili Kung kayo ay mapagmatiyag; mapagtatanto niyo
Ang kadakilaan ng mga taong ito sa panahon ng pandemya Sila na rin yung madalas nakagagawa ng aksiyon, na sa mga di inaasahang pangyayari ay napupunta na pala sa maling landas; na nailalabag na pala nila ang isa sa mga batas, katulad ng "bawal lumabas", Dahil sa kumakalat na bayrus na walang pinipili mapa bata man o matanda.
Kailan kaya masasabi na Malaya na muli? Kailan kaya darating ang araw na puwede na tanggalin ang kadenang nakagapos sa matagal na panahon? Kasarinlan ang hitik na hitik na ninanais ng buong katauhan.
Ang mga taong tinatrato sa gilid ng lansangan, tratuhin man sila na parang linta; Ang kanilang pundasyon bilang tao ay hindi basta bastang magigiba, sapagkat sila ang inspirasyon sa mga habaging taong unti unting nagigising sa pagkapiring.
Papatunayan nila na ang bayanihan ay mas mangingibabaw sa panahon ng pandemya. Papatunayan nila, nating mga Pilipino na pandemya lang ito iba parin ang pagpapakatao.
FOOD
One of my favorite snack, obviously it's my cravings since last week. Something crispy and has a delicious dip; thank God now my cravings is satisfied!
NATURE
Inhale. Exhale. A nice place to think of happy thoughts and distress, having this nice view I can say that I'm grateful. Such a peaceful and calm day to unwind.
FAMILY
A nice Sunday family lunch, one of our favorites a Seafood Restaurant near our place. Eating together makes the family bond stronger.