Random Sundate at Post Ceremony Cafe with Mi Amore ❤️🔥

JBB: An Artblog!
One Nice Bug Per Day

Janaina Medeiros
h

No title available

Discoholic 🪩
cherry valley forever

blake kathryn
I'd rather be in outer space 🛸
No title available
Misplaced Lens Cap

pixel skylines
dirt enthusiast
Not today Justin
Game of Thrones Daily
hello vonnie
d e v o n
he wasn't even looking at me and he found me
styofa doing anything
TVSTRANGERTHINGS

seen from Germany
seen from United States
seen from Peru

seen from Singapore
seen from United States
seen from Malaysia
seen from Costa Rica
seen from Paraguay
seen from Germany
seen from Germany

seen from T1
seen from Saudi Arabia
seen from Türkiye
seen from United States

seen from Germany
seen from Brazil

seen from United States
seen from Brazil

seen from Thailand

seen from Germany
@alwynmancio
Random Sundate at Post Ceremony Cafe with Mi Amore ❤️🔥
Hello, it’s been while. I usually go here whenever I feel like the cyber world is too noisy.
In here, it’s peaceful.
wow, ghost town.
gone were the days that we stay up all night just to wait for a new post or interact with sensible people. Nowadays, we are on the bird site, but this here, feels really peaceful.
Karl,
Inisip ko nang inisip kung saan ba talaga ako dapat magsulat para ibuhos ang nararamdaman ko para sa’yo at dito ako dinala ng balisa kong isipan. Sa isang maliit na lugar na napag-iwanan na ng panahon. Dito kung saan una kitang nakilala.
Malabo na sa akin kung paano tayo nagsimula bilang magkaibigan, pero naalala ko noon nagsimula tayo sa simpleng conference calls hanggang sa tayong dalawa na lang ang nagtatawagan.May mga araw na hindi tayo mag-uusap pero babalik ka na may dalang mga bagong kwento para ibahagi sa akin, aaminin ko na, madalas kong inaabangan ‘yun. May isang gabi na tumawag ka, hanggang umaga na tayo natapos noon, umiiyak ka. Binuhos mo sa akin lahat ng nararamdaman mo, siguro nung gabi na ‘yun, mas nakilala kita, nakita ko kung paano ka mangarap at kung gaano kalakas ang loob mo para magsimula ulit at abutin lahat ‘yun.
Dumating ang bakasyon, mas nadalas na tayo mag-usap, ang gulo natin. Minsan kailangan pang may pumagitna sa atin para magkaintindihan tayo, parehas tayong takot at hindi sigurado kung aabante tayo at maglalakad bilang higit pa sa pagiging magkaibigan.
Naalala ko, June 7, 2011, ang dami kong iniyak kasi sabi mo sa akin hindi ka sigurado sa kung ano ang gusto mo para sa atin. Pero isa lang ang tiyak ka, na isa ako sa mga taong gusto mong takbuhan kapag may mga kwento ka, masaya man o malungkot. Paikot-ikot tayo, paulit-ulit. Minsan bibilangan natin ang mga sarili natin ng linggo o buwan na hindi tayo mag-uusap para mas mapagtuunan natin ng pansin ang pag-aaral natin. Parehas tayong nasa bagong mundo kaya sa tingin ko hindi rin posible na magtagal ito. Hindi ko alam kung naka-ilang pelikula na tayo noon at hindi pa rin tayo sigurado. Hanggang sa isang gabi, bigla ka na lang nagparamdam, napaka-corny mo nung nagtext ka sa akin ng “Hi. Alam mo ba na compatible ang Taurus at Cancer”. Sabi ng mga kaibigan ko, huwag na daw kitang pansinin pero ewan ko ba, ang kulit ko din pinatulan kita. Noong panahon na ‘yan, ang tagal nating hindi nagkasama at nagkausap, pero doon ko na naman nakita ‘yung tapang at paninindigan mo. Pagkagaling natin sa Paskuhan, sinabi ko talaga sa sarili ko na handa na kaming dalawa. Hindi ko na pinatagal kasi alam ko namang sa’yo at sa’yo rin ako babagsak. Noong naging tayo, mas naging konkreto ako pagdating sa mga gusto ko sa buhay, mas naging sigurado ako sa kung paano ko gustong isulat ang sarili kong kwento. Tinulungan natin ang isa’t-isa na makilala kung sino pa tayo talaga. Doon ko natutunan na lahat pala talaga pinaghihirapan, kahit ang relasyon. Sa’yo ko naramdaman na ganito pala ‘yung tahimik pero totoong pagmamahal. Na kahit anong mangyari, ikaw at ako laban sa kung ano mang pagsubok ang magkasama. At sa bawat hirap, nandoon tayo sa tabi ng isa’t-isa na magsasabing, “Konting tiis lang, ‘bu. Matatapos din ‘yan”. Ang sarap-sarap sa pakiramdam na makasama ka. Sa tuwing uuwi tayo ay may mga yakap at halik na sasalubong. Nandiyan ka sa mga malalaki at maliliit na pangyayari sa buhay ko. Nandyan ka para saluhin ako sa tuwing nadadapa ako. At nandyan ka sa tuwing may mga masasayang nangyayari sa buhay ko. Hindi man nagtagal pero napakasaya kong naranasan ko ‘yun sa’yo. Tinapos natin ang kung anong meron tayo dahil sa prinsipyo natin na kung talagang para tayo sa isa’t-isa, darating ang panahon na isang araw ay babalik tayo para magsimula ulit. Tinapos natin sa kagustuhan nating mas maging matayog ang ating lipad at para maipagmalaki natin ang ating mga sarili. At pinatunayan mo ‘yun sa akin, dalawang taon matapos ang August 8, 2016. Nito lang, bumalik ka, tinanggap kita at ang kagustuhan mong magbahagi muli ng oras sa buhay ko. Wala tayong pinag-usapan na higit sa pagiging magkaibigan pero alam ko sa sarili ko na nandiyan pa din ‘yung pagmamahal at pag-aalala mo sa akin. HIndi mo man sinasabi pero lagi ko ‘yung nararamdaman. Pwede na nga nating pagkakitaan ‘yang love team natin sa sobrang daming nagmamahal at naniniwala sa ating dalawa. Kaya lang, bakit ganun? Ilang araw ka pa lang nakakabalik sa buhay ko, iniwan mo na kaagad ako. Tangina. Ano ka ba naman? Ang lalim ng buntong hininga ko at ilang litrong luha na ang ibinuhos ko pero hindi ko pa din alam kung kailan at paano ko tatanggapin. Baka hindi na nga. Buong buhay kong dadalhin na may isang Karl Hans Apolinario na nagmahal sa akin nang buo at wagas. Ang dami ko pang tanong, ang dami pa sana nating kwentong pag-uusapan at madami pa sana tayong isusulat sa kwento nating dalawa. Malay ko kung tayo pala sa huli? O kaya naman magiging ninong tayo ng mga anak natin kung hindi man? Parang bigla na lang nagsabi si Direk ng “Cut, pack-up na! We got what we need.” Wala naman sa script na nabasa ko ‘yun.
Basta, sa ngayon, dito muna ako susulat kapag bigla-bigla kang nadadaan sa isip ko. Kung nababasa mo man ‘to, palagi mong tatandaan na mahal kita at lubos akong nagpapasalamat sa pagdating mo sa buhay ko. Ikaw ang nag-iisang Probinsiyano sa buhay ko, walang-wala ‘yan si Cardo Dalisay sa’yo.
Magpahinga ka na. At higit sa lahat ay bantayan mo kami ha? Pangako, maipagmamalaki mo kami diyan sa taas.
Juggling Thoughts
It has been two years since the last time I went in this tiny space of the vast virtual world Internet. And boy, a lot has really changed. But nothing feeds me like writing. I have always found peace in exhausting all whatever that bugs me. Lately, I became more conscious of expression because I got really afraid that I might be saying a lot of things.
And then I remembered, this place has no limitations. It could go beyond a 240-character long tweet where I can be as free as my mind can go.
I hope to write more again. Consider this a log-in message.
malaya na ako, malapit na ako mabuo ulit
I read your one and only letter to me that I event forced you to write, yep, you never wanted to write for me, quite ironic ‘no? And everything is blurred now, everything in the letter felt like a story, not a reality.
bakit ba feeling ko sobrang dali sa’yo na friends na lang ganun haaaaaaaaaaaaaaaa
savage
Hong Kong
harbour
Lantau Island
stream of consciousness
Call of Duty
Seoul Searching
good morning, Muakjae