Pamilya, Ang Laging Una.
Noong isang araw ay pinapanood kami ng aming guro ng dalawang dokumentaryo upang mas maunawaan ang tinuro niya naman sa amin na Unemployment.
Ang Unemployment ay ang aktibong paghahanap ng trabaho ng isang tao ngunit hindi parin siya nakahanap. Pinakita sa dalawang dokumentaryo ang iba’t ibang mga trabaho at iba’t ibang buhay ng mga Pilipinong unemployed.
“Kayod sa Kalsada” at “Kapit sa Patalim” ang dalawang dokumentaryong pinapanood sa amin. Ang pinakauna na pinapanood ay ang “Kayod sa Kalsada”. Naglalaman ito ng kuwento ni Mang Charles Asis na isang biker at nagdedeliver din ng iba’t ibang delivery na tinatawag namang Pasabuy. Dito sa Pasabuy na ito ay kaniyang ginagamit ang kanyang bisikleta upang magdeliver ng iba’t ibang bagay. Siya ay nakatira sa Laguna ngunit nakakabot siya ng Metro Manila upang magdeliver. Higit pa rito ay isa na siyang senior citizen na hirap narin sa buhay. Batay sa dokumentaryo ay mayroon din siyang iniindang sakit na stage 3 prostate cancer. Ngunit kahit na ganito ang kaniyang kalagayan ay ninanais niya paring makapagtrabaho dahil wala rin naman siyang maipapakain sa kaniyang sarili at sa kanyang pamilya kung siya ay titigil. Kahit na ganoon ang kanyang kalagayan at napipilitan siyang magtrabaho dahil iyon lamang ang bubuhay sa kanila.
Isa pa rito ang kuwento naman ni Lolo Frank na isang magtataho at 64 na taong gulang na. Kahit na matanda na at may sakit narin, nagtatrabaho parin siya para sa kaniyang asawa at mga apo upang may maipakain sa kanila. Sa paglalako ng taho ay kumikita siya ngunit hindi gaano. Ang kaniyang kita sa pangaraw-araw ay kapos parin sapagkat marami rin silang binabayaran at ang pera na kinita ay para sa pangkain din nila. Kahit na naghihikahos na at nahihirapan sa buhay ay napipilitan parin siya na magtrabaho dahil iyon lang ang bubuhay sa kaniya at kaniyang pamilya.
Pinapahiwatig sa atin sa pamamagitan ng dokumentaryong ito na napakalaki ng epekto sa atin ng Unemployment at kawalan ng maayos na trabaho. Sapagkat kahit sila ay may trabaho, hindi naman lagi ay may kita sila. Kahit may trabaho sila ay hindi naman ito permanente at kapos din sila sa pangaraw-araw. Maraming epekto ang Unemployment sa mga indibidwal, lipunan at lalo na sa ating bansa. Dahil kapag maraming tao ang unemployed ay mataas ang antas na maaaring bumagsak ng tuluyan ang ating ekonomiya.
Sa “Kapit sa Patalim” naman ay tungkol sa mga Pilipinang domestic helper na mangingibang bansa. Pinakita roon ang kanilang pageensayo at pagturo ng lenguwahe. Naniniwala akong napakahirap maging isang OFW sapagkat ika’y malayo sa pamilya mo at sa sariling bansa mo. Isa pa rito ay hindi mo lubos na kilala ang iyong mga makakasalamuha sa ibang bansa. Nasasabi ko ito dahil ang aking ama ay isang OFW din. Pumupunta sila ng ibang bansa para lamang makatulong sa kanikanilang pamilya dahil hindi sapat ang kinikita nila sa sariling bansa kaya napipilitan nalang silang lumisan kahit na malalayo sila sa kanilang pamilya. Ang iba naman ay pumasok bilang isang domestic helper ay dahil ito ang kanilang pangarap. Ang makatulong sa ibang tao. Mahirap ang maging isang domestic helper sapagkat nagaalaga ka ng hindi mo kadugo. Ngunit naniniwala akong kaya ng mga pilipino ito sapagkat likas na sa atin ang tumulong sa iba kahit na hindi natin kadugo. Ngunit, may madilim na bahagi rin ang pagiging domestic helper / OFW. Marami-rami na ang mga napabalita na minamaltrato ang mga domestic helper ng sarili nilang mga amo. Ang iba ay napagsasamantalahan at ang iba naman, sa kasamaang palad ay, sumasakabilang-buhay na. Kahit na nasa isip ito ng mga bagong domestic helper/ OFW ay tuloy parin sila sa pagtatrabaho sa ibang bansa makatulong lang sa kanikanilang pamilya.















