Reblog if you’re bored and you want some anons.
Claire Keane
🪼
tumblr dot com
we're not kids anymore.

JVL

JBB: An Artblog!

if i look back, i am lost

⁂
TVSTRANGERTHINGS
No title available
DEAR READER

No title available
No title available

pixel skylines
he wasn't even looking at me and he found me

Kaledo Art
AnasAbdin

ellievsbear
RMH
Xuebing Du

seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United States
seen from Mexico
seen from Australia

seen from United States

seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States

seen from Portugal
seen from United States

seen from Singapore

seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United Kingdom

seen from Jordan
@anaknimayor
Reblog if you’re bored and you want some anons.
Hi?
So ayun, nagbalak ako ulit na buksan yung tumblr ko kasi ang boring kapag work from home dahil maghihintay ka lang kung anong gagawin.
Anyway, balak ko ulit magsulat ng kung ano ano lang. Ayun. Hahaha bye!
So nagdota ako ngayon dahil rest day ko, as usual, laging talo. Pero kahit na ganun masaya pa rin kasi nakakalaro ko mga tropa ko. Bukas papasok nanaman sa trabaho. Speaking of trabaho, finally may trabaho na ulit ako. pang 4th day ko palang ngayon, masaya naman kumpara sa nauna kong trabaho at dahil sanay na ko sa bakbakan sa trabaho napaka basic nalang niya sakin ngayon. Sa mga kasama sa work super saya ko kasi ka-close ko na agad sila. Masaya makakilala ng mga bagong tao pero mas na-enjoy ko ang pagiging mag-isa. In a good way na pag-iisa ha. Ewan, feeling ko lahat ng tao kaya kang iwan kahit kailan nila gusto kapit pa sinasabi nila ngayon na mahal na mahal ka, bukas, iiwan ka na sa ere. Well, hindi naman na bago sakin ‘yun. Ang masakit lang don, nakakaputangina kasi kung kailan binigyan mo ng chance yung taong lagi kang kinukulit sabay iiwan ka sa ere ng walang paalam. Di ko nga alam kung saan humuhugot yun ng kapal ng mukha. Kaya ngayon sinanay ko na yung sarili ko na mag-isa. Nakakasawa na rin mag entertain ng mga bagong tao. Hayaan ko na lang sila na ako ang hanapin nila. Sa ngayon, busy ako sa pag-abot ng aking mga pangarap. Sa pag-asenso.
So naisipan ko lang ulit mag check ng tumblr. May mga active pa ba dito? Hehe
Hi.
Tay!
Nak!
i miss you..
Miss you more. Panget mo.
naks brequillo! kelan ka pa bumalik? hahaha
Nung nagpasabog ng kagwapuhan ang Diyos.
Ligo muna ko ah. Tawag ka na lang maya kung kelan mo gusto. HAHAHA
Sus ‘di ka naman naliligo e.
Hello kuya! :)
Kuya mo ‘to.
Kelan pa kayo ng break ni ate mildred?
Kanina lang beh.
Siguro may mga bagay na hindi talaga nakalaan para sa’yo. Kaya kahit anong pilit na gustuhin ang isang bagay ay hindi natin ito makuha. Kaya wala tayong ibang magagawa kundi tanggapin na lang. Tanggapin na ang taong gusto mo ay hindi nakalaan para sa’yo at maghintay sa kung sino man ang nararapat talaga para sa’yo. Wala e, ‘di natin hawak ang tadhana. Ganun talaga. Sadnu?
Jollibee
Naalala ko noong ako’y bata pa, madalas kaming kumain ni Mama sa Jollibee. Tuwing sweldo niya, tuwing mataas ang grade na nakukuha ko sa eskwela, tuwing nagkakaroon ako ng medalya, tuwing birthday ko, at sa tuwing namamatay ang inaalagaan kong ibon...
Naaalala ko pa noon, ika-pitong kaarawan ko. Doon rin ginanap ang birthday ko. Sobrang saya ko nung mga panahon na ‘yun. Maraming handa, maraming bisita at mga lobo. Ngunit ayun din pala ang huling araw na makikita ko ang Mama ko....
Hindi ko alam kung anong nangyari at bigla nalang nawala si Mama sa paningin ko noong araw na ‘yun. Pagka-uwi ko ay tinatanong ko si Papa, Lola ko, mga Tita ko pero di nila sinasagot ang tanong ko kung nasaan na si Mama..
Lumipas ang ilang taon pero hindi pa rin umuuwi si Mama saamin. At kahit na dalawang dekada na ang nakakalipas ay hindi ko pa rin alam ang dahilan kung nasaan si Mama at anong nangyari sa kanya.
Ngayon ay bente syete anyos na ako. Naka-graduate na, may trabaho na at may asawa’t anak na ‘din pero hanggang ngayon ay lagi pa rin akong kumakain sa Jollibee dahil dito ko lang nagugunita ang masasayang alaala namin ni Mama.
May nakita akong bata habang kumakain sa Jolibee. Sobrang cute niya at napaka-bibbo. Naalala ko tuloy nung bata pa ako kasi pagpasok na pagpasok palang niya sa Jollibee ay kitang kita na sa kanyang mga ngiti ang labis na kasiyahan. Ganun rin kasi ako ka-excited tuwing papasok ako sa Jollibee. Omorder sila ng Tatay niya at umupo sa hindi kalayuan sa kinauupuan ko. Maya maya ay napansin ko na biglang nalungkot ‘yung bata at tinanong sa Tatay niya kung nasaan ang Mama niya. Maya maya ay biglang may lumapit na mascot ng Jollibee sa kinauupuan nila at binigyan ‘yung bata ng isang bucket ng chickenjoy at may kasama pang cake. Marahil ay birthday nung bata. Maya maya ay tinanggal nung mascot ‘yung ulo niya. Nagulat ako kasi babae pala ‘yung nasa loob ng mascot saka parang medyo matanda na. ‘Di ko nakita ‘yung itsura kasi nakatalikod siya saakin.
“HAPPY BIRTHDAY ANAK!” Sambit nung Mama niya dun sa bata na kanina ko pang pinagmamasdan.
Medyo naluha ako ng bahagya kasi naalala ko ‘yung pagkabata ko. Medyo naiinggit lang ako sa bata kasi kasama niya ‘yung Mama niya.
Tumayo na ko sa kinauupuan ko para umalis pero laking gulat ko nang makita ko ‘yung Ale na nakamascot.....
Si Mama.... Bumilis ang pintig ng puso ko at kusang bumalong ang luha sa aking mga mata. Dali dali akong tumakbo sa cr para doon ipagpatuloy ang aking pag-iyak. Hindi ko alam ang gagawin ko. Lumabas muli ako para tignan kung si Mama nga ang nakita ko. Tama nga ako, si Mama ang nakita ko. Si Mama ang Nanay ng batang kanina ko pang pinagmamasdan. Habang pinagmamasdan ko silang magpapamilya ay hindi ko pa rin maiwasang lumuha. Tinignan komg muli ang bata at kitang kita ko sa mga mata niya ang labis na kagalakan. Bago ako umalis ay umorder muna ako ng peach mango pie at pinakausapan ‘yung crew na ipabigay sa babaeng itinuro ‘ko. (Kay Mama) Favorite niya kasi ‘yun e.
Bago ako lumabas ng pinto ay tinanaw ko muna si Mama. Nakita kong inabot ng crew sa Mama ko ‘yung peach mango pie na may kasamang note na, “Ma, I miss you”. Agad niyang tinanong kung sino ‘yung nagpapabigay at dali dali akong itinuro ng crew mula sa pintuan ng Jollibee.
Nagkatitigan kami ni Mama at agad na bumalong ang luha sa aming mga mata. Binalak niya akong lapitan pero kinapitan siya nung bata at tinanong kung saan siya pupunta. Tumingin ulit sa’kin si Mama pero umiling ako sa kanya at agad na lumabas ng pinto. Tumakbo akong lumuluha at tinanggap sa sarili na sadyang may mga taong mas pinipili ang sarili nilang kaligayahan kesa sa kaligayahan ng taong mahal nila.
The End.
INIWAN SA ERE.
So ayun na nga po. Update ‘ko lang ‘yung buhay pag-ibig ‘ko dito ulit.
December 27 2016. Mag-kausap pa kami sa phone nun. Maayos kami. Then kinabukasan magka-text kami, sabi niya, miss niya daw ako. Pero nung kagabihan tinawagan ‘ko siya pero di niya sinasagot. Mga bandang 10pm tinawagan ‘ko ulit pero cannot be reach na phone niya. At ‘dun na ako nagsimulang maparanoid. Hanggang 12mn tinatawagan ‘ko siya pero cannot be reach talaga, minsan nagriring pero pinapatay niya. Naka-ilang text na rin ako sa kanya pero wala pa ring pag-reply. Hanggang 4am ko siya kino-contact pero wala akong napala. Hanggang sa napagod na ‘ko mag-reach out. Kaya sabi ko sa kanya, last na tawag ‘ko na sa’yo ‘to, kapag hindi mo sinagot, wala na tayo. At ayun na nga... simula nun ay wala na kaming paramdam sa isa’t isa.
Sobrang lungkot ‘ko nung mga panahon na ‘yun pero mas pinairal ‘ko ‘yung pride ‘ko para maging ok ulit ako. Lumipas ang mga araw pero wala pa rin akong natatanggap na text o tawag mula sa kanya. Hindi ‘ko alam ang nangyari, bigla na lang siyang nawala ng walang paalam. Pilit ‘ko mang tanggapin ang lahat at maging masaya na lamang pero hindi talaga. Hindi ‘ko kayang magpanggap na okey ako. Na parang wala lang nangyari. Kasi una palang, minahal ‘ko na siya e. Seryoso ako sa kanya. Akala ‘ko, magtatagal kami. Pero wala e... ganun talaga.
Nung nakaraang linggo ‘ko lang nailabas ng saloobin ‘ko kasi wala talaga ako mapag-sabihan. Nag-inom ako, as in walwal. ‘Yung tipo na gumagapang na ako pauwi. Umiiyak habang nasa jeep at kinakausap ang mga katabi.
“Ikaw ‘yung ex ko diba? Bakit mo ‘ko iniwan?”
‘Yang mga katagang daw ‘yan ang paulit-ulit na sinasabi ‘ko sa mga katabi ko sa jeep.
Ang sakit pala maiwan sa ere lalo na’t hindi mo pa alam ang dahilan. Mas masakit pa ata ito kesa sa iniwan ka dahil sa niloko ka or pinagpalit ka.
Nakakabaliw.
Nakakagago.
Nakakatanga.
Ngayon, alam ‘ko na kung ano ang pinakamasakit na paalam. At ‘yun ay ang paalam na hindi man lang naipaalam...
Send me “💘” if you wanna date me this Valentine’s Day.
libre niyo hahaha joke
baka meron
lol as if.
Bakit ganun? May mga taong sa una lang magaling. Pero kapag tumagal nagbabago na. Yung tipo na ikaw ang mahal niya sa una pero iba na paglaon ng panahon...
Update sa lovelife.
At eto na nga po.. Kahapon di ko sinasagot tawag niya. Nag-txt siya na break na daw kami. Tapos kaninang tanghali tumawag ulit siya. Di ko nasagot kaya nag-txt ako na kakatapos ko palang kumain. Tuwag ulit siya. Nag-usap kami. Bago namin ibaba ang telepono ang sabi niya.. “I LOVE YOU”. Sabi ko naman, “I LOVE YOU TOO.” Eng heret leng nemen debe. So it means, kami pa rin. Hahaha. Ganun lang yun napakatopakin pero mahal na mahal ako. Haha at ako din, di ko siya kayang tiisin. So tuloy ang celebration sa 1st monthsary namin sa 22. Hahahaha!