12 SIGNS NA SIYA ANG IYONG βTHE ONE THAT GOT AWAYβ
#TOTGA. Pantamad term forΒ βThe One That Got Away.βΒ Pasok na pasok na term naman para sa napakaclassic naΒ βPinagtapo pero hindi itinadhanaβ. Yung may nabuo naman kayongΒ pastΒ pero wala na kayo sa present ng isaβt-isa kaya medyo nangangarap ka pa rin ng very light na sanaΒ kayo pa ring dalawa in the near future.Β ( At yung βnearβ na sinasabi mo, walang nakakaalam kung gaano ka-βnear.β)Β Yung mula sa kaibuturan ng mga maskels at ventricles ng puso mo, alam mong siya talaga ang βTHE ONEβ para saβyo pero hindi na ikaw ang The One para sa kanya.
So, anu-ano nga ba ang mga signs na siya talaga ang TOTGA ng buhay mo?
1.Β Wala naman talagang nagloko, hindi lang talaga nagwork-out. Tipong you never fall-out of love. It just ended. ( Shet. Ang dramatic.)
2. Palagi mong naririnig sa mga kaibigan mo yung mga linyang, βBakit mo kasi pinakawalan? Ang swerte-swerte mo na dun eh.βΒ βSayang kayong dalawa.βΒ βAkala ko kayo na talaga.β Pero ang totoo, pinabibigat lang nila yung nararamdaman mo. =P
3. Self-proclaimed nakamove-on ka na ( DAW ) pero ayaw mo pa ring maglet-go. Wala na yung βpainβ pero andun ka pa rin sa part na pinanghahawakan mo pa rin ang natitirang bagay na makakapagpaalala sa kanya.
4. Sa dinami-dami ng naging ex mo, ( kasi medyo uhhh. ayoko kitang i-judge ), sa kanya mo naranasan yung klase ng pagmamahal na gusto mong maranasan na hindi kayang ibigay ng iba.
5. Kapag nakikita mo siya sa piling ng iba, naririnig mo somewhere yung voice-over ni Basha na, βAko na langβ¦ ako na lang ulit.β Then you just found yourself na piga-piga yung dibdib mo habang dumudulas ka sa dingding in slo-mo.
6. Yung ang lakas mo maka-immaculate heart dahil walang natitirang espasyo diyan sa puso mo para sa kahit konting galit.
7. From the time na naging single ka ulit, siya na yung naging standard mo para sa next relationship mo. Tipong pangmatindihan talaga. Kaya hanggang ngayon single ka pa rin.
8. Alam mong napakaswerte ng taong mamahalin niya kase ganun din yung naramdaman mo noong kayo pa. #SiyaNgaPalaAngSinayangMo levels.
9. Kasama pa rin siya sa mga plano mo hanggang ngayon dahil minsan dumating din kayo sa puntong pinlano niyo rin ang future niyong dalawa ng magkasama.
10. Masaya ka na naman sa buhay mo pero alam mo sa sarili mong mas masaya ka kung kayo pa rin hanggang ngayon.
11. Gustong-gusto mong mag time-space warp para i-renovate ang nakaraan baka sakaling mababago mo ang kung ano ngayon.Β
12. You always imagine na kung may parallel universe man na nag-eexist, alam mong doon, masaya kayo pareho.
β-
Pero kung siya talaga yung The One, bakit ka iiwan? Bakit mo iiwan?Β
Kung talagang para saβyo, kahit gaano kaimposible, babalik at babalik yan at tatanggapin mo pa rin ng paulit-ulit. Hindi siya mapapagod, hindi ka rin mapapagod. Ikaw ang pipiliin niya araw-araw, siya yung pipiliin mo araw-araw. Yung hindi mo na kailangang makipagsabwatan sa tadhana para muli siyang bumalik sa buhay mo. Kung talagang para saβyo, hindi mo na hahayang magkastiff-neck ka kakalingon sa nakaraan para hatakin siya papunta sa kasalukuyan. ( Makatapak ka pa ng ebak dahil hindi ka marunong tumingin sa dinadaanan.)Β
May mga tao talagang dumarating sa buhay mo para lang panandaliang iparamdam saβyo kung paano magmahal at mahalin pabalik. Pero hindi yun nangangahulugan na siya na yung taong nakalaan para saβyo. ( Pina-experience ka lang ni Lord. Masyado ka naman daw nacarried-away. )
Ang tamang taong para saβyo ay wala sa nakaraan. Maalin lang yan sa nasa harap mo na o nagbubook palang ng Uber papunta saβyo. At sa pagkakataong ito, hindi na siya yung The One That Got Away mo. Siya na yung The One That God Allowed. Naks!











