Nalipat na kami ng Distrito pero di ko parin nasimulan mag blog 🥴
Ligpit muna me kbye 😁
RMH

bliss lane

No title available
h
Show & Tell
cherry valley forever
Mike Driver
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ

❣ Chile in a Photography ❣
TMBGareOK. The Official They Might Be Giants tumblr

titsay

Love Begins
No title available

if i look back, i am lost
sheepfilms
taylor price
Cosimo Galluzzi

@theartofmadeline
★
No title available

seen from Indonesia
seen from Russia
seen from T1

seen from United States

seen from Vietnam

seen from Colombia
seen from Germany
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
@annxpectedly-yours
Nalipat na kami ng Distrito pero di ko parin nasimulan mag blog 🥴
Ligpit muna me kbye 😁
How MOTHERHOOD humbled me. Kailan kaya ulit papayat momsh! 🥹🥹🥹
Wala lang, di lang makatulog. Inaatake nanaman ng anxiety 🥹 Sumikip nanaman yung iba kong damit (braso na part). Di ko na alam gagawin, one cup of rice lang per day tas kadalasan sa gabi green salad lang pero lalo lang ako lumalaki. Minsan ayaw ko nalang kumain kaso nanghihina naman ako dahil sobrang dami ng energy ng toddler ko. Gusto ko na rin itigil yung contraceptive pills ko kasi since gumamit ako non nung nag 6mos noon si toddler bigla akong lumobo kahit same same lang consume ko ng food. Kaso takot pa ko mabuntis uli momsh. Di pa kaya ng trauma ko at natatakot pa ko sa postpartum na naranasan ko.
Hay, HELP 💔
Nakakamiss magrant ng walang huhusga sayo.
Memoirs. :)
New chapter.. last chapter. :)
Month of May, 2015. (Hindi ko na matandaan anong date)
As far as I know, naging part na siya ng ilang post ko dito, sa diary section. Pero hindi ko inaasahan na ang supporting actor ng buhay ko ay magiging lead actor ko pala. Drama noh? Parang movie lang lakas makaplot twist. Hehe tanders and #K, yan yung natatandaan kong codename ko sakaniya before.
May, 2015. Dumating siya sa lugar namin. Kapalitan siya ni #B sa lokal namin as E. Worker sa church. During that time, nasa stage ako ng pagmmove-on kay #B, kahit wala namang kami ni #B kasi nga one sided love. And that month, I start my devotional prayer for my feelings, kay #B. Nakakapagod din kasi maghintay sa wala, sa di ka naman papangakuang balikan, sa bagay na ikaw lang naman ang umaasa. Sa natatandaan ko, I prayed na sana kung hindi man si #B ang niloob ni God sakin sana mawala na yung feelings ko sakaniya. That’s the only thing na pinagppray ko.
But then, andyan si #K. In the duration from may to october, may mga naririnig akong tsismis na may nagkakacrush daw sakin, siya daw. Pero hindi ako naniniwala, tsismis lang naman yun lagi ang sinasabi ko unless magsabi siya sakin ng feelings, maniniwala na ko.
October, 2015. Premiere night ng isang movie sa church namin. Ubusan ticket pero nagkachance ako na makapunta. Bakit at paano? Dahil sakaniya. Yung isa sa mga kaibigan ko, nagmessage sakin na may ticket na daw ako, may nagpapabigay sakin. At first, hindi siya yung naisip ko kasi asado padin ako #B pero sabi ni friend hindi daw si #B. Ayaw daw magpasabi kung sino. Nagkaroon ako ng instinct na siya yon kasi ayoko nga mag assume.
After ng premiere night. Binabagabag ako nung ticket. Di ko kasi alam kung kanino galing at kanino ako magtthank you. Naglakas ng loob ako na imessage siya sa fb since friends naman kami don. And confirmed, sakaniya nga galing yung ticket ko. Ayaw niya daw ipasabi baka daw maissue siya, I understand his point and I didn’t assume with his kindness for me. But then, I thank him for his kindness. :) Take note: Wala padin akong feelings sakaniya, na kay #B pa din.
Many months past, the rumors we’re still bothering me. Every tupad ko ng sunday nandun siya, nag oobserve sa worship service (children). Hindi ko binibigyan ng malisya yung pag simpleng good morning niya every time na daan siya sa pwesto namin.
December, 2015. Year-end gathering sa lokal. Nagkaroon kami ng 1st picture together. Pano? Asaran. Yung isa sa mga kasama niya tinawag ako, “Ann papicture daw si #K.” Since wala lang naman sakin so I answered, “Sure po.” And that’s it. Then after ng gathering pagkauwi ko nagmessage siya sakin.
“Salamat po sa picture. :)”
“Yung number po ba binigay niyo po sa mga available na receptionist sa mga aktibidad is yung active number niyo po?”
Medyo nakaramdam ako ng 5% sa rumors na kumakalat. Pero dahil ayoko padin, di ko nga siya type. Masyadong malayo agwat niya sakin, yun talaga yung main reason bat ayaw ko. 8 years gap.
Since the day na naconfirm niya na number ko nga yun. He always texted me ng, “Good morning” and “Good night” consistent yon. Minsan nirereplyan ko, minsan hindi. Depende sa mood.
January, 2016. I received a box 5 ferrero and mason jar from him. Tinext niya ko na may new year’s gift daw siya sakin. At first, ayoko tanggapin kasi nakakahiya at tinanong ko bakit niya ko reregaluhan. Sabi niya, “Baka kasi bigla akong malipat ng destino para naman may remembrance po ako sayo. Tanggapin mo na po.” Tinanggap ko pero sinabi ko na “Tatanggapin ko po pero sana wala pong malisya to ha. Salamat po :)” After nun, naging regular na magkatext kami. Kumustahan, anong ginagawa, etc. Yung text na as friends ang usapan.
March, 2016. Nag open siya sakin ng about sakaniya. Sa buhay niya, pamilya niya at sa buhay pag-ibig niya. May nagustuhan na daw siya before na hilingin pero hopeless na daw siya that time. Di na daw kasi siya tinetext. Wala na silang communication. Pero naghihintay padin siya kasi di pa naman daw siya pinapatigil ni girl. Ganun daw kasi siya. Hangga’t di siya pinapatigil, waiting padin siya. So ako, bilang nag open naman siya nag open din ako sakniya about #B. He knows everything about #B. Na nagmmove on ako, na one sided kami noon at hindi niya naman ako pinangakuan pero minahal ko siya kahit ganon. So nagtuloy tuloy naman yung ganung estado namin.
May, 2016. Eto na, tantararan. Moment of truth.
Eto yung buwan na umamin siya sakin, through text lang naman. At napatunayan na ang tsismis ay totoo naman pala at siya ang nagpatunay.
Pagdating niya daw sa lokal, na notice niya na daw ako. Naaalala niya daw na gabi yon, galing kami ng shooting sa tapat ng kapilya. Naka tshirt at jersey short daw ako non at halatang pagod. May tripod pa nga daw akong bitbit. Pinakilala daw siya samin nun at nung ako na daw, sinabi ko lang “Ay hello po.” Di ko daw siya tinignan. Na amaze daw siya kasi ang pakilala sa akin “DOP” ng short film e babae daw ako tsak yung datingan ko daw. Nacurious daw siya kung sino ako, ano tungkulin ko etc. Pinagtanong niya daw sa mga sakop niya, “Sino yung DOP ng short film sa lokal?” Yan lang kasi alam niya about sakin. Marami daw siya napagtanungan, kung hindi daw si Kuya M* ay ako daw binabanggit. Since dalawa naman talaga kaming DOP. Tinanong niya daw kung anong purok ko at tungkulin ko para masure niya daw na ako talaga yun. Then may isa daw nakapagsabi na, “Si ate ann po, opo siya nga po DOP dun, kalihim po yun sa *** siya, taga purok 1. Kaya daw umattend siya for the first time sa WS to confirm kung ako nga, di naman siya nabigo ako nga daw talaga. Inamin niya na crush at first sight daw siya. LT then, may isa siyang naging friend na sinuggest daw ako sa kaniya at nacurious daw siya bat daw ako ang nireto sakaniya. Ang sabi daw sakaniya, masigla daw ako sa church, matalino at talented kasi mass comm daw. Jusme yung laughtrip ko nung sinabi yan. Eh pagdating naman daw sa lovelife, ayun bago ko pa pala naopen sa kaniya yung kay #B, alam na niya. Sinabi daw sakaniya na di pa nga daw ako nakakamove-on kay #B. Di rin daw nila alam kung may feelings ba sakin si #B pero alam nila na mahal ko si #B at totoo daw yun. Di daw pala ko pwede sakniya kasi may #B pa ko. Yun daw ang sabi sakaniya. Nalungkot daw siya nung sinabi yun sakaniya. Kasi sawi daw pala ako sa bem. Sa kagaya nila. So that time naisip niya na baka friends pwede daw kami. Kaya lang daw syempre crush niya ko di maiwasan na asarin siya at nahahalata ng iba kasi nangingiti daw siya kahit dumaan lang ako sa harapan nila. Kaya natsismis nga na may gusto siya sakin nga lang alam niya din na ayaw ko maniwala. Wala pa daw kasi siyang lakas ng loob at tsaka may #B pa daw ako kaya di niya masabi. Eh later on naman naging friends naman kami. At di niya daw inexpect na pag nakatext niya ko lalo siyang mahuhulog sakin. Naalala daw niya nung sumama siya sa grupo namin nung summerblast nung kumakanta na yung silent silent sanctuary, umiiyak daw ako nun kasi naalala ko si #B sa kantang “Sayo”, tinititigan niya lang daw ako habang nakatingin ako sa stage. Iniisip daw niya kung gaano kaswerte yung mga lalaking minahal ko kaya lalo daw siyang nahuhulog sakin. Pag napapatingin daw ako sakniya nahihiya siya tumitingin sa ibang direksyon.
So ayun yung story niya sa feelings niya sakin. Alam naman niya yung limitations. Hindi naman daw siya naghahangad na magkagusto ako sakniya, ang mahalaga daw sa kaniya ma express niya yung feelings niya sakin. Syempre for me unfair yun sakaniya. Naniniwala kasi ako na love is a give and take process. Nag sorry ako at first, sabi ko pasensya na kasi hindi ko maibabalik kasi hindi pa talaga ako handa. Ayoko naman makasakit ng damdamin ng ibang tao. Pero sabi niya willing to wait daw siya. Wala akong magawa, siya ang nagdecide. Willing daw siya kahit masakit.
Still, May, 2016. Last week of May ata yon? Nag oojt na ko nun, halfday lang daw ang pasok kasi may aktibidad. Ganun din pala siya sa opisina half day din. Tinext niya ko nun na pauwi na daw siya. Eh ako palabas na din ng office. Sabay na daw kami umuwi, di ko siya nireplyan kasi di ko alam sasabay ba ko o hindi hanggang sa paglalakad ko nasa likod na pala siya.
“Di ka na nagreply.”
“Naubusan po kasi ako ng load.”
“Tara po sabay na tayo uwi.”
Pagtingin namin sa kabilang lane na dun kami sasakay pauwi, ang haba ng traffic. Dun kasing part yung may aktibidad. Sabi niya sa trinoma nalang daw kami sumakay para diretso yung biyahe. Pagdating namin ng trinoma, ang haba din ng pila. :( Hindi ko alam ko sinadya ba talaga ng pagkakataon na ganun. Inaya niya ko maglunch since lunch time na non. Nalibot na namin buong trinoma wala pa din kaming napiling kainan. Lumipat kami ng SM north, nalibot na namin ulit pero undecided padin kami. Nagdecide siya na sa Kenny Rogers nalang kami maglunch. First time ko kumain dun. HAHAHAHAHA Hindi naman kasi ako RK para kumain sa mga ganun. Jollibee, mcdo, kfc ganun lang mga alam ko at afford ko. So ayun back to the story, nagkwentuhan lang naman kami nun. After kumain, bumalik kami sa pilahan ng UV lalong humaba yung pila. Di ko alam kung planado ba to or what pero inaya niya manuod muna ng movie pampalipas oras. Wala na ko allowance kaya sabi ko wag nalang di ko afford. Pero sabi niya siya na ang bahala. Nanuod kami ng “Just the 3 of us”. Yung theme song “getting to know each other” na estado namin that time. First time ko manuod ng movie na lalaki kasama ko at dalawa lang kami. So dating na ba kami non? Dating na nga ata. Then umuwi na kami after ng movie.
Napatunayan ko sa sarili ko na sincere nga siya sakin tsaka nararamdaman ko nagugustuhan ko na din siya kaya lang nanaig padin yung takot ko masaktan. :(
June, 2016. We had a serious conversation with our feelings. Umamin ako that time. Malapit na ko ma-fall pero natatakot ako. Baka kasi wala nanamang sasalo sakin. Pero I felt his sincerity through his words.
“Handa akong saluhin ka. Handa akong maghintay hanggang sa maging handa kana. Gusto talaga kita, I guess mahal na nga kita.”
Simula nun, estado namin. “Courting.” And si #B, bigla nalang siyang nawala sa puso ko. Maybe, it’s so magical na ganun nalang nawala yung feelings ko kay #B. maybe, it’s an answered prayers. Pero paanong nagkagusto ako sakaniya? At first ayaw na ayaw ko sakaniya diba. Maybe it is God’s will and God’s plan for me. I felt God’s love through him that everything happens has a reason.
August, 2016. Maayos naman ang lahat. :) In that month, pinagpaalam niya ko sa Papa ko na kung pwede ligawan, pumayag naman si papa. And what’s special with that month? He chose to celebrate his birthday with me. Nag dinner date lang kami then pagkauwi hinatid niya ko sa bahay then at the same time pinagpaalam niya ko kay Mama kung pwede daw ba ko ligawan, pumayag din si Mama. :)
December, 2016. For the past few months wala naman kami naging problem. MU na kami after niya ko maipagpaalam sa parents ko. I celebrate my birthday with him, lunch date naman. Then nung gabi, celebration sa bahay with family and friends. Nandun din siya. Di siya mahilig magbigay or magregalo ng materyal. Niregaluhan niya ko ng cake nung birthday ko. :)
Sabi ko nung birthday ko pag napakilala niya na ko sa parents niya personally, sasagutin ko na siya. Though, alam naman na ng parents at kapatid niya syempre iba padin yung personal kang kilala.
December 19, 2016. The worst fight ever.
Few weeks ago. I had a chance to get his fb password accidentally. Pero that day, nacurious ako anong meron sa facebook niya so binuksan ko di ako nagsabi sakaniya. I checked his fb messages. Lahat ng pinagselosan ko tinignan ko kung may convo ba sila, yung iba wala yung iba meron pero wala naman masama sa conversation nila. But I found a conversation with named, Paula. Hindi ko siya kilala. Pero hindi ko alam kung bakit nacurious ako sa kaniya so bnack read ko hanggang sa may nabasa akong..
“Daddy, nasa office na ko. San kana?
“Otw na ko mommy.”
Bigla nalang tumulo yung luha ko ng di ko namamalayan. Last conversation nila yun, October 5, 2016. Mga panahong nanliligaw na siya sakin. Binackread ko pa hanggang sa malaman ko kung kailan sila nagsimula. June 4, 2016. Mga panahong nagsimula na siya manligaw sakin.
Sobrang sakit ng mga nababasa at nalaman ko. Di ko alam kung minahal niya ba ko for the past few months. Yung pakiramdam na mas updated pa siya sakniya kesa sakin. Yung katext ko siya ng midight pero kachat niya rin pala si Paula. :( Wala na, lahat ng pagmamahal ko sakniya napalitan na ng poot at galit dahil sa panloloko niya sakin sa loob ng apat na buwan, na may mommy at daddy na pala umeksena pa ko. Na pinaniwala niyang ako lang pero hindi naman pala. That day, wala na siya sa lugar namin. Family week niya kasi, umuwi siya sa Bulacan sa place ng magulang niya. Tinext ko siya..
“Sorry po kung binuksan ko po yung facebook mo at nagbasa ako ng messages mo. Hindi po ako nainform na may mommy kana pala at daddy ka pala niya. Sorry kung naabala ko yung relasyon na meron kayo. Itigil na po natin kung anong meron tayo. God bless po sa inyo ni Ka Paula.”
Habang tinatype ko yan hindi na ko makahinga sa sobrang sakit, ganto nalang ba lagi? Lagi nalang ba kong lolokohin? Pinanganak ba ko para lokohin? Durog na durog na ko. Akala ko iba siya sa ex ko, pero bakit pare pareho lang pala sila, na lolokohin ka lang. :(
Pagkasend ko sakaniya ng text na yan ayaw ko ng hawakan yung phone ko. Tinatawagan niya ko paulit- ulit. Mga 30th time ng tawag sinagot ko. Hindi ako nagsasalita. Pinapakinggan ko lang siya, umiiyak din sa kabilang linya. Humihingi ng sorry at nagpapaliwanag. After ng 12mins na end call na. Ni isang salita wala na siyang narinig sakin. Gusto ko ng matulog para mawala yung sakit pero hindi pala yun ang solusyon. Hanggang sa di ako nakatulog the whole night that day. Nagising ako na sobrang maga yung mga mata ko and napansin ng mama ko. Sobrang sakit pala makita yung Mama mo na umiiyak din during the time na nag open ako sakaniya about dun.
“Nagpapanata ka naman baka hindi lang talaga siya ang niloob sayo kaya nangyayari to.” –Mama
Niyakap ako ng mahigpit ni mama. Dun ko naramdaman yung pagmamahal na hinding hindi matutumbasan. Chineck ko yung phone ko andami niyang text and missed call but I chose to ignore. Tapos na, tinapos ko na.
Nagpaalam ako kay mama na may pupuntahan ako, isang kaibigan na alam kong mapagkakatiwalaan ko. Nagstay ako sakanila the whole day, sakaniya ako nag open ng poot at galit sa puso kasi baka di ko kayanin. Nag decide ako na saknila magstay at bukas nalang ako uuwi. Pero nakareceive ako ng text sa tita ko.
“Ann nasan ka? Umuwi kana nandito sa bahay niyo si #K.”
“Di po ako uuwi pakisabi salamat nalang, wala na po kaming dapat pag usapan.”
“Hindi siya uuwi hanggat di ka daw niya nakakausap pls umuwi kana nak.”
Naguilty ako. Past 8pm na yun nung pauwi ako galing kila monik. Nakarating ako ng bahay past 10 na naabutan ko siya nakaidlip na sa sala. Napansin ko na namamaga din yung mata niya. Ginising ko siya. Hindi siya makapagsalita di niya ko matignan. Niyakap lang niya ko and puro sorry. Naramdaman ko yung pagtulo ng luha niya habng sorry siya ng sorry sakin. Pinaliwanag niya naman lahat pero di parin maalis sa puso at isip ko na, NILOKO niya padin ako. :( Humihingi siya ng huling pagkakataon pero ang sinabi ko sakniya, “Pag-iisipan ko.” Wala naman silang iloveyouhan, talagang naging tawagan lang nila ay mommy at daddy at yung girl naman ang nagpasimula nun nakisakay lang siya, but still it’s cheating at aminado naman siya. And the time na nagstart sila is the day that I’m confused again with #B, birthday kasi ni #B nun. Pero mali padin siya kasi nagtuloy tuloy yung convo nilang as mommy and daddy. But anyway, wala na silang convo after ng October kasi narealize niya na mali yun. But it’s too late nakita at nabasa ko na ng hindi pa niya nasasabi sakin. Wala naman daw siyang gusto dun, flirting lang.
December 23, 2016. Ipinagpaalam niya ko kay mama at papa kung pwede niya ba kong isama sa 2 day stay nila sa Antipolo. Pumayag naman si mama, sinabi niya kasi na babawi daw siya sakin. Honestly that time, wala na kong gana sakaniya. :( Parang ayoko na pero wala akong choice. Pinakilala niya ko sa mama, papa at kapatid niya. Ok naman. The whole time na magkasama kami di ako ngumingiti, lagi lang akong tahimik. Pag andyan yung parents niya tsaka lang ako nagffake smile. Pursigido naman siya bumawi. But then naisip ko, naipakilala niya ko sa parents niya siguro pagsubok lang talaga yung nangyari samin.
December 28, 2016. Officially kami na.
April 18, 2017. My graduation day. Sinabi niya na sakin to before na after graduation niya ko hihilingin so that we will be official. So after that day hiniling niya na ko.
But for now, we’re not the same as before. Lagi na kaming away bati. Kasi hindi ko padin naibabalik yung dating trust ko sakaniya. Ako kasi once na nasira na yung tiwala ko mahirap na sa akin ang ibalik yon. Minsan ang cold ko na sakaniya, di ko na pinaniniwalaan sinasabi niya, kasi natatakot na ko na masaktan ulit at maloko ulit. :( Pero matiyaga padin siya, magtitiis nalang daw siya sa lahat ng masasamang paghihinala ko sakaniya, mahal niya daw ako kaya di niya daw ako iiwan tsaka in the first place kasalanan naman daw niya bat kami nagkaganito. Today, I always pray na sana bumalik na yung trust ko sakaniya. But it’s very hard for me. Hay, sana.. :(
❤❤❤
Naaalala mo ba nung una tayong nagkita Sa bahay sambahan, ika'y pinakilala Nagkakilanlan, nagkamabutihan at di sinasadya Ika'y sakin nagkagusto, ngunit puso ko'y di pa handa Ng mga panahong yon, meron na akong minamahal Kahit nasasaktan, basta alam ko siya ay aking mahal Isang taong damdamin saki'y hindi ko alam Naghihintay parin, kahit walang kasiguraduhan Ngunit ikaw ay dumating sa di inaasahang panahon Marahil may dahilan, sinadya ng pagkakataon Pagod na ko maghintay at masaktan ng panahong iyon Kaya isip ko'y sa pag-aaral nalang itutuon Ngunit di ka sumuko at patuloy na lumaban Kahit alam mong puso ko'y meron pang nilalaman Handa kang maghintay dahil gusto mo ko iyon ang iyong katwiran Pinangako mo sakin di ka katulad nila, di mo ko sasaktan Lumipas ang araw, buwan at taong aking pinagpapanata Na sana kung di man siya ang niloob sa akin, damdamin ko sa kaniya'y mawala Sa kapangyarihan ng Ama, ako'y lubos na nagtiwala Nabago ang damdamin, handa na ba ulit akong magsimula? Hindi kita gusto mula pa nung una Kaya nasabi ko sayo, pasensya na interes sayo ako'y wala Ngunit dulot ng pagpapanata na ako'y naniniwala Ako'y nahulog sayo, ito na yata ang ating simula Ilang buwan pa lamang tayo, nakaranas na ng mga problema Ngunit ang pinakamasakit sa lahat na aking nabata 'Mommy, Daddy' ang inyong tawagan na sayong cellphone ay aking nakita Sobrang nasaktan sayong pagkakamali, pangako mo'y nasan na? Ako'y nakipaghiwalay at ika'y ayaw ko ng makita Sinira ang tiwala, walang patid ang aking luha Lahat ay nagbago, pano ba ko ulit magsisimula? Turuan mo ko na pagmamahal ko sayo'y mawala Muli akong nagbalik sa tahanan ng Ama Tiklop tuhod na nanalangin, hapis ko'y mawala na Sa taong akala ko'y siya na at sana'y siya na nga Na sa madaling panahon aking mapatawad ka Ako'y umalis, ayoko ng bumalik Sa mga lugar na alaala nati'y nanunumbalik Gusto ko mapag-isa, saking paligid ako'y di umiimik Ako'y di na umaasa sayong pagbabalik Ngunit bumalik ka, saming tahana'y matiyagang naghintay Sa aking pagbabalik kahit malayo pa ang iyong nilakbay Sa aking pagdating, ako'y lalong nalumbay Naabutan kitang nakaidlip na sa pagod ng paghihintay Sa maikling oras, ika'y aking pinagmasdan Ika'y ginising, ako'y di mo na matitigan Iyong panimula sakin ika'y humihingi ng kapatawaran Sa lahat ng hapis at sakit na dulot ng 'yong kasalanan Ika'y aking pinatawad ng gabing iyon Ika'y humihingi ng huling pagkakataon Na mahalin kang muli at tiwala ay mabalik gaya noon Pag-iisipan ko, siguro maibabalik pa sa tamang panahon Hanggang ngayon, patuloy kong pinagpapanata Na sana ang dating tayo ay maibalik pa Mabuong muli ang nasirang tiwala Ipagpapatuloy ang relasyong ating ipinagpanata Naaalala mo ba nung una tayong nagkita? Sana sa lugar ding iyon, sa Ama magkaharap tayong manunumpa Ako'y iyong maging katuwang sa pagtupad ng tungkulin hanggang sa pagtanda Hawak kamay tayong sa Ama nagpapanata
Dear Tumblr.
Pasensya kana, napabayaan na kita. Marami nang pangyayari sa buhay ko ang di ko pa naibabahagi sayo. Ilang buwan na ang lumipas, ang daming pagbabago na hindi ko inaasahan. Hay. Sobrang miss ko na magblog! babalikan kita swear.
PS: Aasikasuhin ko muna ang PR Plan ko. Bangag na ko.
TEMPORARY CLOSED
Babalik ako swear. Hahahaha!
December 30, 2015
Nakauwi ako actually 30 na. Napatambay pa kasi kila Glo kwento kwento tas may nasabi sila saken.
Biancs: Ate Ann kumusta kayo ni b*m?
Me: B*m? Sino?
Biancs: Yung naiisue sayo ate.
Me: Hala ako naissue kanino? Wala akong alam naiisue ako at b*m pa ha?
Biancs: Ewan ko po naririnig rinig ko lang po. Debale na. Ay ate bat inaasar ka po kay Kuya Kevs?
Me: Abnormal lang yun sila Kuya Jhem.
Biancs: Kinikilig kasi si Kuya Kevs. Gravisha kanina. May gusto ata sayo yun.
Me: Parang wala naman. Hahahaha!
Biancs: Nagpapahanap kasi siya saken. Kaya lang maloko si Kuya, ayoko masaktan yung irereto ko.
In the end, nasabi ko na crush ko lang.
Tas pagkauwi nilipat ko mga pics at nagulat ako. Nabawasan!! Pagtingin ko wala picture namin ni #BB, yung samen ni Tanders andun. Ngawa talaga ko sana yung with Tanders nalang nawala bat yung with #BB pa. Tapos nag online ako. Online si Tanders. Nag pm ako. Pang asar lang.
Me: Tulog na ho. Magmamadaling araw na po *peace sign* Hahahaha!
Tanders: Hahahaha! Walang tulugan ka Ann, naggayak nako para sa tupad.
And so on and so forth, asaran lang sa pagiging hugotera ko. Tapos nasabi ko na nabura yung ibang files tas sabi niya.
Tanders: Hala sayang. Magpicture nalang ule tayo sa susunod at susunod pang taon.
Me: Okay lang po, di naman ako aalis ng tagumpay, forever na po ako dito. Pero hindi naman po nabura yung picture.
T: Ayun. Buti nalang.. minsan lang tayo magka picture mabubura pa. Pag nangyari yun huhugot talaga ako.. hahahaha.. :)
Me: Hala nabura po pala.
T: Hala wag namaaaaaan! :( Ipasa mo na agad saken mabura pa yan sayo.
Tas nag end na nung tutupad na siya.
Tapos mga bandang 4 nag aya sila jonnel at KJVG (Hindi ko sure kung nablog ko ba yun o hindi? 3rd yr b*m na classmate ng hs) Basta classmate ko sila nung hs. May MM kasi kila Che. Tas ayon nahatak ako. Andun si #N hahahahahaha. Nagpapansinan naman kami non okay naman kami. Tas naglakad kami mula kila Che hanggang tagumpay jusko anlayo. Hahahaha! Pero nagkkwentuhan naman habang naglalakad. Nang mapunta usapan sa lovelife. Nung ako na,nagbiro lang naman ako.
Me: Guys ikakasal nako next year.
Nanlaki yung mata ni #N grabe shock na shock siya. Hahahahaha!
Me: De joke lang.
KJVG: Hiniling kana pala. Congrats!
Mahfs: Ay yung parang tulad mo KJVG? Hala sang! Congrats.
Natahimik talaga si #N. Grabe! Siniko ko siya.
Me: Uy joke lang seryoso mo naman.
#N: Jokes are half meant true. (Basta yon, kalahating totoo ang joke.)
Me: Luh siya ohhhh? Hahahaha.
Nakipag apir siya tas hinawakan niya yung kamay ko. Pang holding hands ganon tas tinignan ko siya. Hala bat sya ganon? Malungkot na ewan.
Nung nakauwi na chinat nya ko sa fb.
#N: Nakauwi kana?
Me: Oo kararating lang.
#N: Yung sinabi mo kanina. Nakakagulat. But anyway, blooming ka :)
Me: Bolaaaaaa! Stress nga ko. -.-
Nung nalowbat nako natigil ang convo ang nagkatext nalang kami. May nililigawan daw siya tas di niya alam kung nililigawan ba niya o hindi. Tapos nung tinanong ko name. Wala daw siyang niliigawan tapos issegway niya na, "Pero gusto mo?" Yung tungkol sa kasal. Ang sabenko depende pero parang malabo kase masyado pa kong bata tsaka di pa ko handa sa buhay may asawa baliw ba siya. Tas ayon. Ang gulo niya kausap swear! Pero ano kayang meaning 5 secs holding hands na yun? Bumitaw ako eh. Mali eh.
Ps: Beki daw si #BB. Hindi maaari!!! Umpog ko siya sa truck niya. #NaPAMINTAzoned
December 29,2015
Juice colored! May 1st picture na kami pero wala akong pake kase may bago na kong crush ulit. Hahahahahahaha! Tatambakan ko talaga sarili ko ng sandamukal na crush para maraming inspirasyon. Hahahahahahaha!
Fast forward sa socializing. Ginawa akong taga docu ni pastr. Naging photographer ba pero ays lang kasi maganda pwesto para manuod kaso nilamog naman ako ng mga anak ni pastr. Nag aagawan pa silang magkapatid na umupo sa legs ko e naka indian sit ako sa semento. Kinuha kuha ni Tintin yung cam e baka mabagsak kaya phone ko nalang binigay ko at nagulat ako sa kaniyang ginawa. Nagpunta siya ng gallery at nakita niya yung picture ni #B sabay takbo siya sa Mama nya e katabi si Papa niya (Pastr).
Tintin: Mama o si Kuya J*.
Ka Mildred: Ang gwapo naman talaga. Kaninong cellphone yan?
Tintin: Kay Ate Ann. Gwapo ni Kuya talaga.
*Nakita ni pastr*
Pastr: Ke gwapo talaga ni J*. Ann oh?
Ka Mildred: Cellphone niya yan. Hahahahaha!
Me: Halaaaaaaaa! Tintin.
Tapos umupo nanaman siya sa legs ko nagkkwento lang siya.
Tintin: Ate, alam mo hindi ko nakita si Kuya J* sa Baguio. Babalik ba siya dito?
Me: Sayang naman. Hindi na babalik yun Tin.
Tin: Babalik yun si Kuya J* sabe niya saken. Ate kilala mo yun? *Turo kay Tanders*
Me: Hindi ko kilala yun. Sino ba yun?
Tin: Si Kuya K* yun. Gwapo din yun.
Me: Sino mas gwapo si Kuya J o si Kuya K?
Tin: Si Kuya K.
Me: Mas gwapo siya? Tignan mo nga ulit. Hahaha!
Tin: Si Kuya J sana kaso di na siya babalik dito kaya si Kuya K nalang.
Me: Naku ikaw talaga. Hahahahahaha!
Tapos si Divdiv naman umupo saken as in ginawa akong sofa tapos nakayakap sa braso ko. Nakatingin samen si Tanders non nahuhuli ko eh. Tas nakangiti, muntanga. Hahahahaha! Tapos sinabihan ako ni Pastr, "Pwede na talaga. Bagay sayo Ann." Juskooooooooo! Bagay na po ba maging Yaya. Hahahahahaha! Tas tumingin siya kay Tanders. Bayern!
Nung natapos na yung socializing gusto namin magpicture ni Arra sa stage bago umuwi. Eh etong si Gesah knokontrata ako picturan ko daw sila ni Tanders. -.- Ayoko nga, nakakasakit kana ha. Joke! Ppicturan ko na dapat sila e biglang sumingit si Kuya Jhem.
Kuya: Ann, papicture daw kayo sabe ni Kuya Kevs. Kayo daw dalawa.
Me: Weh? Boka mo Kuya Jhem.
Tanders: Ann, papicture ako. Hehe! Tayong dalawa.
At nagsipag yieeh ang mga natirang party pipol partikular na mga b*m na taga samen. Jusko! Ano ba yan. Nasa gilid lang si Gesah oy. Tas hinatak ko si Gesah para sila naman. Kita ko na kase yung selos niya. Tas ayon, nung pauwi na kami nakasalubong ko si Glo. Medyo friends kami but not too close, magkabday kase kami. Crush niya si #BB. Tulay lang kasi talaga ko kase gusto niya papicture kay #BB e para di halata pinauna ako kunwari na makipicture tas ayon. Jusko! Para siyang si #B. Maygaaaaaaaad! Crush kona rin siya. Kaya lang b*m nanaman. Di na natuto Ann? Haha. 2nd yr naman sya. Hay! Bayern. #BB kasi short for body builder ganda kasi ng katawan niya. Hahahahaha!
December 28, 2015
PNK Day nga pala ngayon. Nagising ako ng 9. Kumain, naligo, nagbihis tapos pumunta kila Ate CE. Kinuha ko yung usb tapos nagpaprint kami sa Fabrication sa opisina ng Papa niya. Tapos diretso kila Aice, gumawa kami ng banner ng sa station namin. Tapos ayon, nagstart yung game ng 3pm natapos ng 5pm. Then, tumambay kami sa tapat ng bahay nila Ate LA, bumili si Ate CE at Stine ng foods ng mt. May isang stick o na binili si Ate CE saken niya pina ubaya. Nang biglang padaan si Tanders. Chill lang ako kunware.
Kuya Jhem: Ann, may naaalala ako na b*m na ganyang ganyan. May dalang stick o pag nasa kapilya. Hahaha!
MTS: Si Ka J* (#B) !!! Haha.
Me: Litsi. Inyo na nga yang stick o na yan. Grabe kayo saken.
(Tanders, huminto sa pwesto namin. Natahimik ang lahat.)
MTS: Magandang hapon po Ka K*.
Tanders: Magandang hapon din. Hi Ann!
Me: *Tang ina neto ah? Bastusan katabi ko si Gesah. Ngiting peke*
Tanders: Oh bat parang malungkot ka?
Ate CE: Paos lang po yan at masama pakiramdam.
Kuya Jhem: Palagi daw po kasi siyang pinapaasa. Haha!
Me: Kahit wala naman akong sinasabi.
Kuya Jhem: Kahit kanina lang.
Me: Change topic. Haha!
Kuya Jhem: May kilala ako hinding hindi ka paasahin. Diba kuya?
Me: Sus. Pare pareho lang kayo. Tama na masaktan ng minsan paninindigan ko nalang.
Tanders: Buksan mo kasi yung puso mo para sa iba malay mo. Kaya ka di nakakawala eh.
Me: Wag na. Masasaktan nanaman ulet ako. Ganyan kayo.
Tanders: Ayyyy! Hahaha.
Ate CE: Boom hugot. Manhid kase eh.
Kuya Jhem: Hala? Hala? May hindi ako alam ah.
Me: Change topic. Ako nanaman napagttripan niyo ha.
Tapos nung tapos na kumain nagsi uwian na mga mt. Ang natira nalang si Kuya Jhem, Ate CE at ako. ramdom yung napag uusapan namin. Tapos biglang sumegway si Kuya Jhem.
Kuya Jhem: Ann, may tanong ako. May gusto ba sayo si Kuya Kevs?
Me: Bat saken mo tinatanong yan bat di mo kay kevs itanong, kuya mo yun dba?
Kuya: Kase may napagkwentuhan kami kagabi. Parang ikaw kasi eh.
Ate CE: Ikwento na yaaaaaaaaan!
Kuya Jhem: Kase kagabi mejo nag happy happy lang, grapes lang naman yon. Ako, si Kuya K*, Kuya L*, Jm , si Jr, si #BB at ako. Tapos nagkabaklaan kami kagabi. Kwento ng buhay pag-ibig ganyan tas grabe pala nangyare kay kuya kevs siya talaga yung, Ay grabe talaga! Kaya pala grabe siya magpayo.
Ate CE: Oh yung sabi mong parang si Ann na.
Kuya: Tinanong kasi namin siya. “Dito po sa lokal, may nagugustuhan na po ba kayong hilingin?” Tapos sabi niya, “Sana. Meron. Kaso hindi kasi siya makawala sa nakaraan niya. Ayoko naman na kami na tapos makakasalubong namin yung nakaraan niya, baka marealize niya na yung dati pa rin pala yung mahal niya, mwa din eh. Ako ang dehado.” Tapos sabi ko, “Grabe ang lalim.Teka po, Kilala ko po ba?”. Sabi niya, “Oo kilalang kilala mo.” tapos biglang kanina di ba. Sakto talaga yung sinabi niya na buksan mo kasi yung puso mo sa iba. Ikaw talaga ata yon Ann. Kaya tinanong kita kung may nalalaman ka ba?
Ate CE: Honestly, nirereto siya dati dun eh ayaw netong si Ann kase nga di ba si Ka J* mahal pa niya. Eh ngayon nawala na si #B nag mmove on na si Ann naffall naman siya kay Ka K* kasi nga nandyan siya lage alam mo naman pag babae. Kung sino nandyan mabilis mafall. Ituloy mo Ann.
Me: 3 consecutive days kami nagkatext. Feeling ko malapit nako mafall kasi nagppm siya ganyan. May gusto nako sakanya, I admit. Then after 3 days, wala ng text. Wala nalang bigla. Nadisappoint ako. Kasi naghintay talaga ko the whole day. Eh wala. Tas nalaman ko, may katext na pala siya palagi si Gesah gaya nung saken, nagstart silang magkatext the day na hindi na siya nagtext saken. Ang sakit kaya grabe. Binuksan ko yung puso ko, kaso nasaktan nanaman ako.
Kuya Jhem: Gag* ka ba? Si Gesah? Hinding hindi papatulan ni Kuya yon. Baliw! Kinausap niya na yun. Grabe sobrang bait ni Kuya. Kung kilala ko lang yung gusto niyang babae tutulungan ko talaga siya, eh kilala ko na. Alam na this! Hahahaha. Mag aasawa na daw siya next year eh. Ano game kaba?
Me: Hindi. 25+ pa ko pwede mag asawa pag mwa. Bawal.
Kuya Jhem: Sure ka? Sayang naman.
Ate CE: Kaya ba niya maghintay ng 6 years para kay Ann?
Kuya Jhem: Tatanong ko.
Me: Uy gag* ka wag.
Kuya Jhem: Sige na nga dun kana ulet kay Kuya J* (#B)
Me: AYOKO NA.
Hayyyyyyyyyyyyyyyyy! Ang gulo nanaman ng sitwasyon.
December 27, 2015
Jelly Ace alert!!!! Hay. Bat pa ko nasasaktan? TARAGIS!
Nakarating kami ng 1am sa Tarlac. Pagkarating natulog na agad kasi sasamba ko ng 6:45 dun. At sobra akong nagulat. Ang kyut kasi ng kapilya nila. Mas malaki pa yung bsk kesa dun. Basta andaming iba talaga. Pagkatapos, yung 2 kapatid at pinsan ko naman yung pinasamba ko sa PNK. At nanibago nanaman ako. Sakanila kasi pwede paring MT yung may asawa. Grabeeeeee! Tapos pagkauwi kumain tapos punta sa mga kamag anak. Tapos sabi nila tumaba nga daw ako. -.- Hay. Truth hurts pero debale maganda naman daw ako kahit mataba. Hahahaha! Bola. Tapos ako nalang daw yung inaasahan nilang matino sa angkan naming magppinsan. Grabi, mas lalong nakakapressure. Yung pressure sa side ni Mama, lalong nadagdagan ng expectation sa side ni Papa. Nakakaloka na. May pinsan nanaman kasi akong 16 years old tinanan yung jowa ayun nakatira kila lola. Tas yung isa kong pinsan na najontis then pinakasal ngayon iniwan na ng asawa. Gravisha! Sabi nila, saken na daw sila aasa ng asenso sa pamilya. Yung kinasal na walang pagkakasala. Eh may pinsan ako na alam niya yung kay #B kasi napagkkwentuhan namin nung huling uwi ko dun. Kinumusta niya yung samen ni #B tas nasabe ko na wala na nga tapos may bago, si Tanders kaso ganon. Knuwento ko lahat.
Ate Nancy: Iba ka talaga. Mabenta sa mwa! Sabagay, walang halong pagtataka naman pisikal at ugali naman ay papasa talaga. Hilingin talaga.
ME: Paasa ka rin ate eh! Ayoko na nga saknila. 2016 New Year’s Resolution ko yun, “BAWAL MAINLOVE/MAFALL B*M MAN O M’W*”. Uy tsaka di pa nman ako nahihiling, naiissue lang.
Ate: Talaga ba? Hahahahahahahaha. Sige ipush mo yan!
I was like. Hayyyyyyyyyyyyyyyyy! I wish and I pray not to be involved with anyone na ayon nga. Tapos mga bandang 4pm dapat uuwi na kami eh yung pinsan ko nagstroll pa sila. Ayon inabot kami ng 6pm kakahintay saknila at naaksidente pala yung isa kaya antagal.
Habang naghihintay kami tinawagan ko si Aice, 4 daw absent tas bigla nalang siyang nagkwento di ko naman tinatanong.
Aice: Ate Ann, nandito kami sa court finals ng basketball maglalaro si #11 umuwi kana bilisan mo. May ikkwento ako.
Me: Maya maya pa ko makakauwi di na ko aabot.
Aice: Sge ikkwento ko na nga lang sa phone. Kase kanina announcer si #11 tapos bumati siya kanina sabi niya, “Binabati ko nga po pala * Family, *Family.” tapos nagpause siya saglit, “Binabati rin po namin si Ka Gesah.” Eh katabi ko non si Gesah, ate nalamog ako grabe!!!! Tapos nung pauwi na kami ayaw pa niya sumama manunuod pa daw siya. Tas iniwan namin siya. Bahala siya maglandi don.
Me: Awwwww! Wala na ayoko na bumalik ng Montalban be. Dito nalang ako magnnew year!
Aice: Bumalik ka dito wag moko iwan baliw. Maghiganti ka Ate, wag mo munang pansinin si #11 tapos pag napansin niya sabihin mo, “Hi. Ako nga pala yung pinaasa at sinaktan mo.”
Me: Gag* ka talaga. Hahahahahahahahaha! Hayaan mo na. 2 taon nalang naman daw di ba sabi ni Gesah. Maging mapagbigay sa nangangailangan.
Nakauwi kami ng 11pm, di na ko nakaabot manuod.
December 26, 2015
Time check: 10:30 pm brought to you by .. Char! Wala naman nangyaring ewan ngayon. On the way na kami papuntang Tarlac. Ingats us! :)
December 25, 2015
Merry Xmas sa inyo guys! Wala kaming Xmas eh.
Nagdalaw kami ng mga mt ni Ate CE as in inisa isa namin kasi may emergency pulong kami bukas. Nung natapos na kami, pumunta kami sa taas (Mini Palengke) kasi magffoodtrip kami dun sa favorite isawan kaso ubos na pagdating namin sarado na. Mabenta kasi talaga yon in 1 hour ubos na, swerte mo pag may naabutan ka pa. So nag siomai nalang kami tsaka burger. Tas kwentuhan dun sa burger stall. Tas dumating din dun si Baby Vinvin namin. Haha. Mt namin yun, may itsura, pangulo siya ng binhi. Baby kasi namin siya kasi dati totoy pa talaga siya. Eh ngayon binata na ang baby namin. Ayon nasama siya sa daldalan namin. Nung natapos kami, bumalik na kami at di nagtapos ang kwentuhan tumambay pa kami sa harapan ng bahay nila Ate CE. Hahahahahahaha! Inabot kami ng 9pm. Imagine 6pm kami natapos magdalaw ha. Grabe lage naman kami nagkikita non pero ganun talaga.
Ate CE: Iba ka talaga Ann. Iba ka talaga girl.
Me: Hala bakit?
Ate: Bastaaaaaaaa! Bayan. Si Gesah walang pag asa yun kay Ka K, appreciation lang yun. Sabi rin ni Ate LA, galing kay Ka K yon na malabo talaga si Gesah. Pero ikaw iba ka talaga.
Me: Baliw! Kung kailan narrealize ko na, BAKIT? ANONG MERON SIYA?
Ate: Ano nga bang meron siya Ann? Si #B pwedeng pwede pa pero bat siya?
Me: May sense kasi talaga siya katext. Yung lalaking bawat reply may sense hindi yung mema reply lang. “Hahahaha. Okay po. Likewise.” mga ganun! Mga walang kwenta. Pero yung itetext ka na with pangalan, effort yun. Hindi mo iisiping gm.
Ate: So ano nang estado?
Me: Wala pading text eh. Simula nung nagkatext sila ni Gesah di niya nako tinetext. Sadlife! Tsaka I realize, nabigla lang ako. Kasi jusko yung bagong upload na picture. He needs a very very matured wife. Nakita mo ba yung family niya!!! Tanders na silang lahat. Ayoko na.
Ate: #B nalang kase malay mo bumalik. Busy lang kase yon ngayon, alam mo naman graduating ang labidabs mo.
Me: Hayyyyyyyy! Kung mahihintay niya ko ng 6 na taon. Bawal kasi talaga. 25+ pa talaga dapat ako kung mwa ang aking makakasama sa buhay. May dalawang ampon akong pag aaralin ay kapatid pala.
Ate: Panganay at the same time malayong agwat problems. :D
Hayyyyyyyyyyyyyyyy! Napaisip ako sa pm ni Ka Dan (Yung guro namin) na nakakamangha naman daw ako kasi hindi ko naman daw responsibilidad yon pero inaako ko. Alam ko naman na hindi talaga pero kasi its my kind of giving back the sacrifices of my parents sa pag aaral ko. Wala naman silang hinihinging ano pa man basta pag ipunan ko yung mga kapatid ko kasi nga matanda na sila pag nagcollege mga yon malayo kasi agwat. And now, I’m planning to finish yung ipon within 5 years. I pray na magawa ko!
December 24, 2015
Pumunta kami kila Tita Melon. Mga 8am ata yon nung umalis kami papuntang Cainta. Yung feeling na wala naman kaming pasko pero may regalo kami. Hahahahaha! Trip to Quiapo na book, 2016 planner, wallet at 500pesos yung napamasko ko. Haha! Tapos yung isang lolo ko dun binigyan ako 50pesos naman. Nakakatawa pa nga yug pagbigay saken.
Lolo Boy: Oh mga bata wala naman na kayo dito sa New Year ibibigay ko in advance yung pera niyo.
Mama: Yung dalaga diyan di na bibigyan dapat.
Lolo Boy: Nag aaral pa si Sang. Counted pa yan! Pag nagttrabaho na tsaka di na kabilang kasi ako naman na ang bibigyan.
Mama: So next year di kana bibigyan.
Me: Kahit 4th year palang ako next pasko?
Mama: May asawa ka na non di ba?
Me: *Tingin masama* No! No! No! *sounds like sa dubsmash* Nagmmove on na eh, inuudlot pa eh. Tama na! Haha.
Jusko! Nakakaangat na e. Inuudlot nanaman eh. Haynako! Mga bandang 8pm nakauwi na kami. Tapos after samba mga 9:15 pumunta akong kpilya kasi may caucus. Nandun si Gesah. Feeling pamunuan na siya eh. Hays! Ang pwesto namin ay Ako, Aice, Gesah. Pero medyo malayo si Gesah kay Aice. Pangalawang Kalihim ko si Aicess. Natatawa ako react ng react si Aice bulong ng bulong pero isa lang talaga yung tawang tawa ako sa binulong niya.
“Ate Annnnn! G siya ng gm kay Ka K* di siya nirereplyan. Hahahahaha! Kawawa. Wala tuloy siyang makwento, uulitin niya nanaman yung kwento niya nung nakaraang linggo.”
Ang mean ng kalihim ko, manang mana saken. Good girl! Joke. Tas nung natapos na, iisang way lang kasi kaming tatlo. Kwento nanaman si Gesah. Tas nung malapit na kila Gesah, sabi ni Aice “Sige una kana. May pag uusapan pa kami ni Ate Ann, yung di paulit ulit.” Tas sabi ko, “Hindi wala yooooon. Buhay pag ibig lang ni Aice yun. Bye!”
Tas ayon bago umuwi naikot namin buong sakop ng lokal kakakwentuhan namin. Kulang nga eh, buong pamayananan na sana iikutin namin kaso curfew na. Alam naman ni Aice yung tungkol kay Tanders.
December 23, 2015
Ansaya! Ni isa sa requirements wala pa kong nagagawa. Tamad na tamad talaga ko. -.- Kanina nanuod ako ng Because of you. Yung kay Boss Yummy at Andie. Natatawa nalang talaga ko kanina. Hahahahaha! Nahahawa na ata ako kay Andie (Feel ko to eh?) Kailangan ko din ng inspirasyon. Hahahaha! Kase naman nung may inspirasyon pa daw siya ang gaganda ng gawa niya. Eh ako kaya? Sisipagin kaya ako pag nagka inspirasyon din ako? Hahaha. Kailangan ata talaga. Wala talaga kong magagawa pag nilulugmok ko lang sarili ko.