Paglalakbay patungo sa Simula
Noong panahong ako’y nagdedesisyon sa aking buhay kung tatahakin ko ang landasin na aking napili, marami akong lugar na pinupuntahan upang pagnilayan kung handa ako sa aking patutunguhan at kaya ko ba ang mga iaatang sa aking responsibilidad. Noong panahong iyon may isa akong kalugaran na paborito, dito ko natatagpuan ang kapayapaan ng aking isip at sigla ng aking puso. At kung saan nauunawaan ang hiwaga ng buhay.
Sa panimula ng aking paglalakbay noong ika-5 ng oktubre 2022 patungo sa Batangas na may gaganaping isang okasyon. Ako’y nasasabik dahil sa sampung taon ang nakakaraan nang huli akong napunta sa kalugurang ito. Habang ako’y nasa sasakyan nakita ko ang malaking pagbabago na naganap sa mga kalugarang nadadaanan. Kung dati makikita mo ay isang malawak na taniman ng palay, malawak na kagubatan, maraming ibong nagliliparan, mga taong abala sa kabukiran, at mga kabataang kaagapay ng mga magulang sa kanilang pagtatanim ngayon ay isang nang progresibong lugar at unti-unti nang nawawala ang ganda na aking nasilayan ng panahong ako’y nagsisimulang maglakbay. Ang taniman na puno ng palay na hinog na bunga ngayon ay isang nang gusali at mga taong abala sa ibang pamamaraan ng kanilang paghahanapbuhay. Nakita ko na ang dating nasa siyudad lamang na libangan at mga pamilihan ngayon ay narito na sa probinsiya. Kung noon makikita mo na kalabaw lamang ang makikita mong sinasakyan ng tao sa paghahanapbuhay ngayon ay isa ng makina.
Sa pagbabagong ito, ako’y naliligayahan dahil isa na itong sibilisadong lugar at marami nang pagkakataon ang tao na mamili ng kanilang hnapbuhay at pagkakaabalahan. Sa likod kasi ng pagbabagong ito maraming mga tao ang natulungan upang mabago ang kanilang buhay. Makikita mo sa kanilang mga mata ang kaligayahang nadarama habang sila’y gumagawa. May pagbabago man na naganap at hinahanap ko ang dating gandang nasilayan sa likod naman ay isang magandang pagkakataon para sa tao.
Nang ako’y makarating sa kalugaran na aking pakay, sinalubong nila ako ng may tuwa at sigla. Nakita ang mga taong noong akoy nagsisimula. Nanatili ang tradisyon na kanilang itinuro, iniukit at hinulma sa lahat ng taong narito mula sa pinakabata hanggang sa pinakamatanda. Ang pamamaraan ng kanilang pagtanggap, pagsasalita ng may respeto at mararamdaman mo na matagal man kayong hindi nagkita naroon pa rin ang pananabik na muling makadaupang palad. Ang pinakagusto ko sa lugar na ito ay ang kinagawian nilang Gawain, ang pagdarasal, pag-awit ng mga pagpupuri sa Diyos at may kaisahang layunin para sa mga tao. Mga pagkaing dito mo lang makikita, mga sariwang gulay, prutas at mga taong punong-puno ng pag-asa.
Sa buhay talaga hindi mo masasabi kung hanggang kailan mananatili ang mga tao, lugar at mga nakagawian. Mga pagbabago na minsan ayaw mong mabago, mawala at manatili na lamang sa dati. Tulad na lang ng paglalakbay kong ito, dito ko napagmasdan na ang buhay ay parang isang kapaligiran na minsan tahimik at may angking ganda pero dadating ang isang pagbabago na hindi mo mapipigilan. Tulad na lamang ang mga gawi at kinasanayan ng tao, kung dati sapat na maligaya ka sa nakikita, tinatanggap, at nagmamahal sa iyo ngayon naman lahat na lamang gustong makamtan kahit ang kapalit nito ay sarili. Minsan nawawala na ang saysay ng buhay dahil puro na lang kasiyahan ang gustong maramdaman sa kanilang buhay. Kaya minsan hindi nila nakikita ang tinanim nila sa mundo ay isang kahindik hindik at hindi katangap tangap sa Diyos. Tulad ng mga batang minsa’y umaasa na magkaroon ng isang masaya at buong pamilya na nagyon ay hindi na maibigay dahil sa naiisip na lamang ay kung paano sila lumigaya. Hindi nila naiisip ang sa kanilang kaligayahan may isang batang naghihirap, nawawalan ng pag-asa, naghahanap ng kalinga, naghahanap ng pagmamahal. Oo maganda ang pagbabago ngunit dapat sa pagbabagong ito ay kasama ang mga taong nakapaligid sa kanila. Minsan hinahanap natin paano tayo hindi masasaktan, paano tayo liligaya, paano tayo mananatili kung ano ang mayroon tayo ngunit ang kaakibat nito ay pagkawala ng mga taong tunay na nagmamahal sa atin. Minsan sa kahahanap natin, nalilimutan natin ang unang nagmahal sa atin, nagbigay ng buhay, unang sumuporta sa lahat ng kagustuhan na ating natatanggap, handang umakap kapag tayo ay nasasaktan, handang pahirin ang ating luha kapag tayo ay umiiyak, handang umakay kapag tayo ay nabibigatan, handang magbangon kapag tayo ay nadadapa, handang ibigay ang sarili para lamang tayo ay lumigaya. Tulad ng pagbabago ng kapaligiran, magbago din tayo sa pamamaraang maganda at kaakit akit sa tao ngunit mananatili ang paggalang, respeto, pagmamahal at ang pananampalatayang itinuro sa atin ng mga magulang natin. Kaya ngayon narito ako at patuloy na lalaban at pag-aaralan ang mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran tulad ng kapaligiran na nagsusumikap panatilihin ang ganda.