Learn to let go and start to love yourself.
Naniniwala ako dati na kapag mahal mo, lumaban ka kahit ipagtulakan ka pa. Patunayan mong kaya mo syang ipaglaban. Wag kang papatibag kasi ganun naman kapag mahal mo diba? kaya mong gawin lahat marevive lang yung relasyon kasi alam mong pagsubok lang to at malalampasan nyo din to. Yung mga di mo maimagine na kaya mong gawin eh nagagawa mo wag lang siyang mawala sayo. Di mo iindahin yung sakit kasi mas masakit na wala siya sayo. Kahit magmukhang tanga ka na sa harapan nya at sa mga kaibigan nya eh gagawin mo kasi mahal mo ng sobra at sobrang nagkicare ka sa kanya.
Pero tama sila, darating ka din sa point mapapagod ka lalo na kung sobrang sakit na. I mean yung ramdam mong parang ikaw na lang lumalaban. Diba sa love dapat kayong dalawa yung lumalaban hindi yung isa lang? Sabi nila mali na humingi ka ng kapalit sa lahat ng hirap pero masama bang ipakita nya naman na kamahal mahal ka kasi parang ikaw na lang yung nagmamahal. Yung maramdaman mo naman na importante ka, na nagkicare din sya sayo katulad ng pagkicare mo sa kanya hindi yung parang naging awa na lang.
Deserve ng lahat ng tao namahalin at mahalin pabalik. Maguguluhan ka sa una pero marirealize mo na worth it ko bang ganituhin? Yung masaktan ng paulit-ulit? Yung itrato na parang ibang tao? Yung cold treatment. Yung ramdam mo sa sarili mo na "teka ibang tao na yata siya? Hindi na sya yung dating nakilala ko". Ramdam mong di na sya naeexcite kapag nagkikita kayo. Parang naging routine na lang lahat. Nawawala na yung spark. Kung ganito na yung napaparamdam sayo, Magisip ka na.
Time na siguro para bumitaw ka na. Yeah alam kong sobrang hirap. May time na mawawala ka sa sarili mo at ibibeg mo sya pero need mong itatak to sa isipan mo. Kung magiistay ka, may mababago ba? mauulit at mauulit lang din yung naranasan mo. Mas lalo lang lalala yung lamat at pain. Kung mahal ka nya, papatunayan nya hindi yung susukuan ka palagi. Know your worth. Need mong mahalin naman sarili mo kasi look, wasak na wasak ka na. Need mong magpahinga muna. Iappreciate mo yung mga bagay na nababalewala mo nung nakafocus ka pa sa kanya. Di mo need ng taong bubuo sayo kasi kaya mong maging buo ng ikaw lang. Wag mong iasa happiness mo sa iba kasi sa panahon ngayon di mo alam kung sino yung tama or maling tao. Lahat nagbabago.
Normal lang umiyak, magwala, magalit. Alam ko yung feeling na yan. Lahat dumadaan dyan hindi ka nagiisa. Pero kapag napagod ka na sa lahat. Chin up! Tumingin ka sa salamin. Tingnan mo kung gaano ka kawasak. Papayag ka bang habang buhay ka na lang na ganyan? Papayag ka bang kaawaan na lang? Hindi tumigil yung mundo nung nawala sya. Gawin mong blessings in disguise yung heartbreak. Kapag di ka bumitaw, Habang buhay kang magiging ganyan. Mas lalo mo lang pahihirapan sa paghahanap yung tamang tao para sayo.
Normal lang matakot magmahal ulit. Natrauma ka eh. Need mong magbuild ng walls to protect yourself at para din malaman mo kung sino yung worth it papasukin ulit sa buhay mo. Hindi to yung parang nagmumukhang masama ka sa mga magtatangka pero nagiging matalino ka lang. Kung nagiisip ka ng revenge edi magrevenge ka pero in a good way yung makakabuti sayo like pagfocus sa sarili mo. Iimprove mo at Buohin mo ulit sarili mo at matuto ka din na mahalin. Sulitin mo yung "Me" time. Treat yourself. Spend more time sa friends and family. Learn how to be independent. Magfocus ka sa goals mo. Kaya mong ireach yun kung gugustuhin mo. Try mong umalis sa comfort zoned mo, mafifeel mong alive ka.
Sulitin mo yung buhay mo. Nagiisa lang yan. Heart break lang yan! Nakaya nga ng iba makakaya mo din! kaya fighting! Makakamove on din tayo!






















