pare long time no blog, CINEMALAYA 2020 na pare!!!!! by this time sakto na sana e gusto kong mag-react sa mga pelikula ng Cinemalaya pare pero pag nanonood ako pre puro alaala lang ng bisikleta ko pumapasok sa utak ko HAHA kaya pass muna sa movies pre, baka next month na lang. sa ngayon bigyan na lang kita ng life update ko bilang imbestigador kahit hindi ka naman nanghihingi kasi that’s how i roll
sobrang classified ng mga detalyeng nakalap ko pre. pati si detective conan aantukin kahit hindi pa binabaril ng poisoned karayom. pero ayaw ko ibahagi kasi chismis lang datingan nito pre, di rin naman tayo masyadong close pero pm mo ako, kwento ko sa’yo ng detalyado pare. sobrang juicy neto pre, sa sobrang juicy mas makatas pa sa dugo’t pawis na pinundar ko para sa lahat ng munting upgrade ng bike ko pre.
kapag ang chismis ba paulitulit mong naririnig sa iba’t ibang kanto, may tsansa ba itong maging patotoo? empirically consistent, so reliable? lol kalimutan mo na yan, eto na lang ibabahagi ko sa’yo pre, yung mga declassified information pre
ibabalita ko lang sa inyo mga pare na malinaw naman sa cctv footage review na ninakaw ang bike ko around 3AM (oo, alas-tres ng madaling araw). hindi naman ako kinakabahan kasi hindi naman tiniktikan ng bongga yung bahay namin e. swerte lang talaga kami na mapili, akalain mo yun sa raffle never akong nabunot pero sa kamay ng magnanakaw ako pa napili pare. sadyang na-tyempuhan lang ng magnanakaw na walang tao sa kalsada at medyo umuulan, siguro naisip niya makisilong saglit tapos ayun dahil medyo maginaw napasarap sa tambay, homey feels medyo comfy na rin kaya nag-uwi ng bisikleta as souvenir. routine day, casual. nothing new. I LOVE TAGUIG new normal.
“TEKA ALAS TRES NG UMAGA MAY MAGNANAKAW NA PAGALAGALA SA KALSADA NATIN? HINDI BA MECQ TAYO? BAKIT SILA NAKAKAGALA?”, sabi ng isang aleng naglalako ng prutas na napagtanungan ko.
galit na galit e, pero tawang tawa rin ako sakanya kasi ako pa sinermunan pre. I LOVE TAGUIG with conviction. sabi ko na lang “ haha wag po kayo sa akin magalit di ko naman trabaho rumonda” oh pare di ako yung galit, yung ale ang galit, nakwento ko lang pre.
katakot takot na victim baming rin tinamo ko sa iba’t ibang random na tao e. hanggang sa namanhid na lang ako, basta mabawi ko bike ko keri lang pre. basta wag niyo na akong sisihin kung “bakit hindi kasi kinadena yung bike”, o kaya naman “dapat kasi may sarili kayong cctv”, o kaya naman “mababa kasi ang gate niyo e”. WALANG KASALANAN ANG MGA NINAKAWAN, ANG KASALANAN YUNG KUNSINTIHIN ANG MGA KAWATAN. *insert cute smiley face*
hindi naman talaga ako galit e, pramis di talaga pare. mas galit pa nga mga nakakausap ko pre e. nag-enjoy naman ako sa thrill ng mga nakaraang araw pre. yung adrenaline na hatid ng failed entrapment operation at unfathomable house visits sa bahay ng magnanakaw ramdam ko pa e. pero pagod na ako na mag-isang mag-imbestiga pare. oks na ako sa mga impormasyong meron ako pre. hirap naman pala kasi talaga kalaban kapag suki na yung kriminal. akala ko ang ipinagmamalaki namin sa Taguig na produkto eh yung sobrang sarap na hopia ng Tipas. di ko alam pati pala magnanakaw mainstay na. dabest pre. I LOVE TAGUIG siyang tunay.
so bale yung magnanakaw, mabuting tao naman. makikita mo sa cctv footage na medyo huminto pa siya sa harap ng gate namin nang mailabas na niya yung bike e, so malamang sinara pa niya yung gate namin bago tuluyang pumadyak palayo. imagine pre, magnanakaw ka pero concern ka pa sa ninakawan mo na baka manakawan ng iba kapag naiwanang bukas ang gate. *mindblown* diba pre, saludo, mabuting tao to pre. sana nga mabasa niya to e, para masoli niya na pre. kapos ako sa kaibigan e, atleast kapag masoli niya instant tropa na to pre
marami na rin siyang nanakaw, wag niyo na lang ako hingan ng sources para ma-verify validity ng facts na meron ako pre. take my word for it na lang pare. o kaya bisita kayo rito sa amin. lahat ayaw magpakilala kapag hinihingian ko ng consent e. hindi ko naman masisi, takot daw sila madamay e. pero maski sa barangay hall, kilala naman siya ng mga tao. minor celebrity to pre. marami ng na-iskor to na bike, motor, pedicab at washing machine. pansin mo naman pare basta may gulong pwedeng target, with the exception of washing machine. ewan ko rin e, baka for diversity pare.
so ayun nga, nagnakaw na ng motor, pedicab, bikes, washing machine. lalagyan ko sana ng etcetera kaya lang di naman ako mapagbintang kaya kung ano lang mga items na nahukay ko base sa imbestigasyon, yun lang ikukwento ko. hindi raw to makulong kulong dahil sa dahilan na sikretong bulong bawal banggitin pero higit sa lahat yung mga complainant kasi umaatras daw kapag nabawi yung items. isipin na lang siguro natin na sadyang mapagpatawad yung mga complainants pare, hindi sila nagtatanim ng galit. sila yung tipong kapag ninakawan mo sa coin master hindi nagre-revenge ng kidlat kinabukasan pre. sabagay maski ako e, priority ko mabawi yung bisikleta pre. quick shout-out sa mga uma-attack sa akin sa coin master pre, maawa naman kayo nawalan na ako ng bike binabawasan niyo pa treasures ko
mabalik tayo sa magnanakaw na soon-to-be-tropa *slash* bike buddy ko kung maisoli na niya yung bisikleta ko. kilala naman siya rito e. as in. pero di ko siya kilala e. i mean dahil sa pagiimbestiga ko ngayon alam ko na yung kaniyang buong pangalan, birthday, address, friends, hobbies, preferred items, at pinapakaboritong suking tindahan. di naman ako masyadong lumalabas ng bahay. kapag bumibili lang ng pandesal, o kapag magjo-jogging, at kapag bumuboto ng mga opisyal na nangangako ng maaayos na pamamalakad at ligtas na kapaligiran. I LOVE TAGUIG pare, the place to be. boring buhay ko dito sa barangay namin e, masunurin ako sa mga batas at patakaran. boring ako pre, nagtatapon ako sa tamang basurahan. boring ako, sumusunod ako sa oras ng curfew. boring ako pre, nagbabayad ako ng cedula voluntarily. boring ako pre, pero kahit boring ako wala akong naa-agrabiyado. boring ako pre, pero mabuting mamamayan ako. hindi mo nga ako mapapansin kasi introvert ako e. kumbaga wala akong fame kagaya ng mga magnanakaw na to. kasi ito kilala talaga ng lahat ng natanungan ko. kainggit pre . boring ng social life ko
grabe sa nakaraang linggo ubos na ubos yung extraversion ng kaluluwa ko. lahat na ng pwede hingan ng intel pinuntahan ko, marami naman nakatulong, pero marami rin ako napagtanungan na sablay e, hindi mo kasi alam sino talaga pwedeng pagkatiwalaan. umuuwi ako sa amin ayaw ko na magsalita kasi quota na ako sa daldal sa mga taong pinapakiusapan pre. singit ko na rin pala ito, salamat sa lahat ng tumulong sa akin ng legit sa barangay hall. sobrang salamat po sa imbestigador at kagawad na kumausap at tumulong sa akin. salamat sobra. walang punchline, legit na salamat sa inyo. sobrang pili lang kayo e, pero na-appreciate ko tulong niyo. salamat rin sa mga ayaw magpabanggit ng pangalan na nagbigay ng mga impormasyon. salamat legit. saludo. kapag nakita ko ulit kayo baka di ko na kayo mapansin, hindi ako masamang tao na walang utang na loob, malabo lang talaga likas mata ko, tsaka makakalimutin po talaga ako sa mukha. pero salamat legit. dito sa parteng to hindi sarkastiko na I Love Taguig dahil may mangilan-ngilan na legit na umasikaso sa akin. bilang sa kamay.
sabi ko naman sa inyo e, mabait ako e. nagpapasalamat na ako agad maski wala pang bumabalik na bisikleta sa kamay ko *applause* sa totoo lang binabahagi ko to, hindi dahil humihingi ako ng tulong sa inyo mga pre. inuulit ko, kilala na yung tao, kasi nga sikat naman to pre, hinihintay na lang daw umuwi sa bahay, yan yung piniling solusyon e, sumangayon naman ako. I LOVE TAGUIG, sense of urgency at justice pre ibang level. hintayin umuwi sa bahay ang kriminal pre. baka nga bigyan ko pa ng Hero’s Welcome to masoli lang yung bisikleta pre, sana lang di ako masyadong busy nun. syempre biro lang, pinipilit ko magpasok ng humor kasi stressed na stressed na ako pre ng mga nakaraang araw HAHAHA
sa totoo niyan, i fully trust kung ano man gustong gawing approach ng mga otoridad. kaya kapag may impormasyon kayo kung saang AirBnB naka-check in yang magnanakaw bahala na kayo kung anong gusto niyong gawin niyo. pwede niyo ireport sa pulis o kaya sa barangay. pero wag na kayong pumunta sa bahay namin kung hindi niyo lang rin ho bitbit yung buo at kumpletong bisikleta. gusto na ulit namin mamuhay ng mapayapa. kaya kung kilala niyo rin pero takot din kayo umaksyon, edi sarilinin niyo na lang, ayaw ko naman kayong idamay e, gusto ko rin mamuhay lang kayo ng mapayapa. kasi ako rin pagod na ako pre, bayaan ko na lang umaksyon yung mga dapat umaksyon. nagawa ko na parte ko pare. basta wag na kayo pumunta sa amin kung may impormasyon kayo, magtext na lang kayo alam niyo number ko, di lang ako pala-reply kahit tanong niyo mga ex ko HAHAHA mamuhay na lang tayo lahat ng mapayapa sa kanya kanya nating mga bahay. inuulit ko ho, hindi ako naghahanap ng impormasyon pa pero umaasa akong mahuhuli at maibabalik pa yung bisiklea ko siyempre. pero inaasa ko na yan sa mga otoridad o mabubuting nilalang na handang tumulong. okay na ako na may super ultra mega zoom na yung cctv namin
so bakit ko to binabahagi kung hindi naman ako nanghihingi ng impormasyon o tulong? simple lang. GUSTO KO LANG KAYONG TULUNGAN. legit. gusto kong sabihin sa inyo na protektahan niyo mga sarili niyong tahanan. doble ingat. hindi mo kasalanan ang manakawan o mawalan, pero wala naman ibang magtutulungan kundi tayo tayo rin lang. lock your gates inside out. invest on cameras if compound kayo. mura lang rin automatic-sensor-lights, yung iilaw lang kapag may gumagalaw. bigyan niyong dentastix yung mga aso niyo para tumalim yung pangil. samahan niyo na rin ng strepsils para lumakas yung kahol. tapos ito pinakamahalaga, kapag kilala niyo na mga magnanakaw sa lugar niyo pakisuyuan niyo na lang na wag na muna kayo ang kuhanan ng gamit. kaya kapag nabasa to ng ibang pang magnanakaw sa amin, pass na mga pre ha, wag na muna dito sa amin please *puffy eyes* sa iba na lang muna, di pa kami nakakabangon e sana maunawaan niyo pagpasensyahan niyo na.
inuulit ko , ang point ko lang, binabahagi ko to kasi GUSTO KO LANG KAYONG TULUNGAN. reminder lang kahit saan ka pa nakatira, hindi lang sa I LOVE TAGUIG best city ever. hindi sapat ang verbal reminder na stay safe, might as well take actions for you to feel safe. wala e ganun talaga. I LOVE TAGUIG feeling blessed. hindi ako nag-blog for socmed clout, pero pare pag inisip mo good content na rin ito para sa microblog at oks na rin kasi therapeutic. bawas load ng stress pare
last rant bago ako tuluyang magpahinga, basahin mo ng mabilis wag kang hihinga.
I LOVE TAGUIG. I LOVE TAGUIG. I LOVE TAGUIG. I LOVE TAGUIG. I LOVE TAGUIG *repeat until true*
sa mga hindi pa rin makaintindi pre, hindi “BIKE LANG” yung nawala sa akin. kapayapaan ng utak, maluwag na paghinga, matiwasay na pamumuhay, tahimik na existence, tuluy tuloy na tulog, tiwala sa sistema. lahat naman ng materyal na bagay napapalitan, bigyan mo ako ng isa o dalawang taon may simpleng bike na ulit ako na pwede ipanakaw e. pero yung kapanatagan na ligtas yung lugar na ginagalawan mo, yun ang hindi na maibabalik. yung katotohanan na malayang makapamasyal ang mga kriminal sa lugar niyo habang lahat ng matinong mamamayan ay may takot na baka sila na yung susunod na mabiktima, yun ang nakakabahala rito. hindi ito issue ng nawalang “BIKE LANG”. ang punto ko, walang hustisya sa Taguig haha sorry not sorry. I LOVE TAGUIG forever, the place to be. sa ngayong “BIKE LANG”, sa susunod ano na? hindi kita tinatakot pero isipin mo na lang kung sa iyo nangyari to. sana syempre hindi mo maranasan. at sana kung malasin ka e “BIKE LANG” ang makuha, hindi kasama ang kahit kaninong buhay.
huli na. isipin mo nanakawan ka ng gamit, so ang rasyonal na aksyon mo ay bawiin ang gamit, pero kapag binawi mo ang gamit mo, dapat ay matakot ka kasi baka balikan ka kapag nahuli at sinampahan mo ng kaso. *basahin mo ulit pero this time namnamin mo* isipin mo nanakawan ka ng gamit, so ang rasyonal na aksyon mo ay bawiin ang gamit mo, pero kapag binawi mo ang gamit mo, dapat ay matakot ka kasi baka balikan ka kapag nahuli at sinampahan mo ng kaso. astig diba, ikaw na yung nawalan, ikaw pa yung dapat na kabahan. I LOVE TAGUIG best city ever.
moral: kapag ninakawan ka, mas magsikap ka na lang. wala kang ibang pwedeng sisihin kundi sarili mo. magdasal ka na lang na sana may nakawan ulit na iba tapos yun na yung maging katapat nila.
haba na neto pero helpful outlet na rin sobra pare kaya salamat sa pagbabasa at advance thank you sa pagshe-share *wink*. I LOVE TAGUIG talaga sobra. pero bike lang naman to e, sa philhealth nga bilyon ang nakawan. wag niyo na lang pansinin tong bike ko. madami pang ibang problemang mas mahalaga. ano ba naman yung maglalakad na lang ako kapag naghahanap ng trabaho. o maglalakad pa maynila kapag mageenrol na ako. pangarap ko magkaroon ng batak na bikers leg muscles e, baka ngayon ko na maisakatuparan. wala rin naman rule na nagsasabing bawal walang bike kapag aahon pa-timberland
SA NGALAN NG KARMA, PARAK, AT MGA CCTV SA KANTO, I LOVE TAGUIG FOREVER AND EVER, walang hustisya sa AMEN.
P.S. bakit taguig instead of specific location ginamit ko sa essay rant na to? simpleng literary choice lang, mas maganda pakinggan yung I LOVE TAGUIG kesa sa I LOVE NEW LOWER BICUTAN. hindi naman mali e, kasi malinaw na taga-Taguig ako at kahit saan ka pa nakatira kailangan mong mag-ingat. remember, hindi lahat ng kriminal nahuhuli, yung iba nagma-migrate lol. also, proud talaga ako na taga-Taguig ako ah, seryoso, mahirap mahalin pero tanggap pa rin, masarap lang talaga maging sarcastic kapag stressed. sobrang therapeutic.
leave a dot (.) sabihin ko sayo kung saan safe tumira within Taguig. spolier alert isa lang ang sagot: BGC