Back~
Took too long before I found this back. Nakalimutan ko na ung password ko dito e. HAHAHA. Sorry. But I’m back now. I’m happy. :) I really do.
art blog(derogatory)
cherry valley forever

blake kathryn

JVL
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
Not today Justin
tumblr dot com
will byers stan first human second
🩵 avery cochrane 🩵
todays bird
$LAYYYTER
ojovivo
Xuebing Du
The Bowery Presents
One Nice Bug Per Day
Misplaced Lens Cap
EXPECTATIONS
Keni

pixel skylines
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ

seen from Bangladesh
seen from Spain
seen from United States
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United States

seen from Germany

seen from United States

seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States

seen from Singapore

seen from Slovenia
seen from Philippines

seen from United States

seen from Malaysia

seen from United Kingdom
seen from Colombia
seen from United States
seen from United States
@arzelongxrl-blog
Back~
Took too long before I found this back. Nakalimutan ko na ung password ko dito e. HAHAHA. Sorry. But I’m back now. I’m happy. :) I really do.
bap reenacting how they shower
I actually feel like giving up. Gusto ko nang sukuan lahat ng tao. Gusto ko nang sukuan lahat ng nakikita at nangyayari sa’kin. I’m being far away from God. I don’t know what to do. Hindi ko na nga yata kilala ang sarili ko. Ayoko ng ganito. Ayoko ng nangyayari sa’kin. Ayokong sisihin lahat ng nangyayari sa akin kung bakit ako nagkakaganito. I should’ve not be blaming anyone, because I, myself should be able to face that alone. Pero parang hindi ko kaya. B.A.P na lang siguro yung makakapagpangiti sa akin. I feel good and great that I’ve known them. Alam kong malabong marinig nila ako, or even understand what I wanted to feel. But, there’s no harm in trying, right? B.A.P na lang ang buhay ko. B.A.P na lang. And if I lose them, I feel like my world’s turning upside down. Sounds OA? No. I’m just being real. Mas mabuti nang kaadikan ko ‘to kesa maging plastik ako sa mga tao. They should know me, at ayokong minamaliit lang ako. Ayoko din na tinitingala ako. Ayoko ng ganun. Hate me, Love Me, I will not care. Di na ako yung masayahain. Let me be as cold as an ice. Ayokong makita nila akong mahina. Keep me strong. Please, just please. I need love. I need everyone :(
Still, the problem got even worst. Inuulit lang nila lahat. Sana maghiwalay na lang silang dalawa kung hindi na nila matiis na magkasama. Kesa ipakita nila sa’min na okay lang na nandyan yung isa, pero di naman nag-uusap. Tss. Mas gusto ko pang kaming tatlo lang e. Umalis ka na lang. Wag ka na umuwi dito. Masaya na kami ng wala ka. Mas masaya ka naman sa babae mo e. Dun ka na.
Hearing your mother shout at her phone while talking to your dad....
Hearing your father cry over the phone while telling you “I love you so much, always..”
I wanted to cry. I wanted to curl up like a fetus and just stay all day, resting on my bed, crying on my pillow, wishing everything was fine.
I was the strongest in our peer, the mother of our batch, a sister for my classmates, but in my family, I am the weakest. Weak immune system, weak heart when it comes to problems.Di ko ata kaya yung nakikita kong umiiyak yung tatay ko, yung nanay kong sobrang sakit na ng ulo dahil sa panahon, dagdag pa ang trabaho, plus yung isipin sa gastusin sa uniform ko, at sa mga bayarin namin buwan-buwan. Ano bang magagawa ko? Anak lang naman ako. Kung ang kaya ko na lang e yung bigyan sila ng karangalan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, nagagawa ko naman yun. Pero sana sapat na yun.
Good... Morning?
Hindi naman literally dapat itake na ganyan yung isusuat ko ngayon. Hahaha. Pero kasi, dapat maghuhugas na ako ng kinainan kanina kaso sumakit yung ulo ko ng hindi ko alam. >< Di ko alam kung ano yung naramdaman ko e pero wala naman akong lagnat. Kaso mukhang low blood na naman ako. Kailangan ko na yun iwasan e. Haaay. Pero buti na lang paggising ko, may natanggap na akong news. Nakabili na ng tela yung pinagpabilihan namin. That’s the first news. Second was, yung sinusulat kong story sa wattpad na 2 years bago ko ulit naupdate, nagcomment na ulit yung dating nagcocomment dun. Masaya lang ako kasi kahit papano, natatandaan niya pa pala yung story na ginawa ko. Masaya lang ako dahil ganun. Babaw no? Hahaha. Tapos nanonood ako ng TV ngayon at wala akong ibang maramdaman kung hindi kiligin sa mga napapanood ko. Kaso umuulan. Di nakikisama si panahon sa akin pero ayos lang. Ienjoyin ko muna ‘to habang umuulan. Tama? Sige, yun lang.
5/50 B.A.P Quotes
Really right~ :)0
Minsan sa buhay natin, kailangan muna nating masaktan, para malaman nating buhay tayo.
‘Ex with benefits’ - Tirso Cruz III
Tired
Nakakapagod ngayong araw. >.< Haay. Pagkagising ko ng mga bandang 9am (late na), naglaba na agad ako. Wala pang kain-kain kasi alam kong maraming lalabhan. Hindi naman tumutulong si ate kasi may ginagawa daw siya na presentation. Inintindi ko na lang. Hindi pa ako tapos sa pagsasampay, tumawag na agad si Papa. Aalis daw kami para maghanap ng tela ng uniform ko. Hindi naman ako nasabihan agad kaya medyo wala sa kondisyon yung katawan kong umalis. Kanina pa ako nakakunot-noo kasi nga hindi ko alam na aalis e pagod na ako kasi halos araw-araw na akong umaalis. Napilitan na lang ako, kasi knowing my father, gusto nun mabilis lang lahat. Nagmadali ako maligo at pumunta ng MCU 7/11 para doon kami magkita. Medyo matagal din ako naghintay. Nakasabay ko pa yung tatlong Grade 10 na ngayon na dati kong nakasama sa Camp. Nakakamiss din naman sila kaya hindi ko napansin yung bilis ng takbo ng tricycle. Fan din pala siya ng Seventeen. Haha. Atleast naman, nawala yung simangot ko Pagbaba ko nga lang sa tricycle, may nanglilimos. Bawal na din kasi magpalimos ngayon kaya di ko binigyan. Ewan. Nung makapunta akong 7/11, nag-intay ako ng medyo matagal. Magbubukas sana ako ng wattpad account, kaso pagbukas mismo nung story na babasahin ko pa lang, biglang dumating si papa. Dumiretso na lang kaming Vmall. Pagdating dun, naghanap agad kami ng tela, kaso wala. May nirecommend sa amin na building, tumango lang kami. Dun sa isang store naman, ganun din yung sabi. Nagpunta kami dun sa building sa sinasabi, ubos na daw. Haaay. Sa Divisoria na lang daw meron. Nagpabili kami sa isang parent dun kaso, naubusan na daw. Haay. Paano na? Saan na kami bibili? Hindi na rin aabot kung magpapatahi pa kami. Wala na. Naiiyak na ako. wala na kaming alam na bibilhan. Hindi naman kami makapunta ng Divisoria kasi walang time. Lahat may pasok. ako lang yung free pero hindi ko pa kaya mag-isa. Hindi ko rin kabisado ang Divisoria. problemang malaki ito. T.T
“Wag mong ikulong ang sarili mo sa taong mas piniling sukuan ka ng dahil lang sa pagod na sya o di na sya masaya.”
Change
HIndi na talaga katulad ng dati ang lahat. Yung pakikitungo niya sa akin na may saya, yung excitement, wala na. Ako ba yung nagbago o siya? Siguro dahil na rin sa’kin. Nawalan ako ng connection sa kanila. Sana naintindihan nilang sobrang busy dito sa Manila kaya kahit chat, di na ako makapagparamdam. Out of place na rin naman ako sa mga pinag-uusapan nila sa GC kaya hindi na lang ako sumasabat. Hindi naman siguro ako magkakaganito kung hindi rin dahil sa kanila, diba? Sana katulad na lang lahat ng dati. Parang ang awkward na kasi kapag magkakausap na kami. Parang ang childish ng dating ko kapag namimiss ko sila, at ang mature naman ng dating nila. Hindi ko alam kung paano na sila patutunguhan. Of course, may makikilala silang mga bagong kaibigan. Haha. Sino ba ako para pigilan yun? Maybe I just fear of losing them. Na baka one time, bumalik na kami sa pagiging strangers. I once lost my bestfriend. But, not this time, please? Not now.
Interest
Hindi ko alam kung bakit these past few days, nagugustuhan kong magsulat at mag-update ng mga stories. Hahaha. Maybe because the school day vibe is coming in? O baka dahil peaceful talaga ang utak ko kapag mag-isa, so I guess, mas madaming idea ang pumapasok sa utak ko ngayon. Hmm.. I‘mma try something later.
endless beauty
No doubt, he’s the visual~
V Live App~
Kinikilig ako~! Oo. Bwahahaha. Sa tinagal-tagal ko nang fan, ngayon lang ako nakagawa ng V Live account. Nakakaloka din yung pagiging outdated ha? Ito yung mahirap sa pagiging fangirl e. Dapat may internet connection na sobrang bilis magresponse para naman upated ka sa nangyayari sa idol mo. Kakapost lang pala ng idol ko ng video ngayon. Hahaha.
By the way, ang ultimate loved, biased, cherished, focused at kung-ano-pang-verb-ang-pwede-niyong-maisip-dito group ko ay------------ Tentenenen~! Best Absolute Perfect lamang naman po. Yung 6 na nagagwapuhang, talented na lalaki. 4 na taon ko na po silang minamahal pero hanggang ngayon, wala pa rin pong pagbabago sa pagmamahal ko sa kanila. Mahal na mahal ko pa rin po sila ngayon. Ayie~ Ang corny. Hahaha.
Bang Yongguk, leader na may napakalaking heart para sa lahat. Gumagwa ng music, hindi para sa sariling kasikatan, pero para ipahayag ang message na gusto niyong iparating sa lahat. Si Leader na producer na din dahil nagcocompose ng mga kanta nila at maayos na leader na kayang patahimikin ang mga members niya. Ang lalaki na ayaw at hindi mahilig mag-aegyo, Bang Yongguk! Palakpakan naman natin.
Kim Himchan, ang napakagwapo naman talagang visual ng B.A.P na pumayat o tumaba, gwapo pa rin. Medyo adik sa kape na Americano. Dating ulzzang na ngayo’y mahilig mag-aegyo. Ang cute cute pa rin kahit pangalawa sa pinakamatanda. Wag ka nang mastress sa mga sinasabi niya. Totoo naman lahat yun at aminin mong, hindi matatapos ang pagkilatis mo sa buong B.A.p kung hindi ka dadaan sa mukha ni Kim Himchan. Cheejiburger~
Kay Jung Daehyun na napakalapit na ng birthday. Hahaha. June 28. Jung Daehyun, kahit matakaw ka, mahal na mahal ka ng mga sanggol. Ang power vocal na nakaabot ng 8 octave sa isang show. Kabaligtaran ni Yongguk na may napakalaki at napakababang boses. hahaha. Ang pinakamahilig sa pagkain at ang pinakamamahal ni Youngjae. Magpakasal na kayo, DaeJae. Halata naman lahat ng kaanuhan na ginagawa niyo. Kailangan niyo nang magsama. ayy hahaha. Sorry na. Avid fan lang. Jung Daehyun, saranghae <3
Kay Yoo Youngjae na maingay at masiyahin sa B.A.P. Yung palaging gumagawa ng kanta na naiisip niya lang. Hahaha. Yung mahilig sa ice cream. Youngjae na mafluffly yung cheeks. Nakakagigil ka ano. At isa pa, bias wrecker yan ng halos lahat ng sanggol. Muntik na ako. Thank God malakas ang kapit kay Junhong. Pero grabe din ang vocals niyan. Nakakainlababo.
Kay Moon Jongup na anghel ng mga sanggol,yung 4D ng B.A.P na napakacute. Yung member na hindi mo pagsasawaan dahil tahimik. Hahaha. Yung member na magaling sumayaw at kumanta pero di naapansin ang boses dahil mas focus sa pagsayaw. Yung olaf ng B.A>P na wala nang makita dahil sa kaliitan ng mata. Hahahaha. Ayos lang yan. Mahal na mahal ka pa rin namin, Moon Uppie~
Kay Choi Junhong na mahal na mahal ko . Hahaha .Napakagaling sumayaw, magrap, mag-aegyo, kumanta, lahat na. Sinong sanggol ba ang hindi maiinlababo sa’yo? Sabihin mo nga. Sino? Sino? Nakakaloka. Mahal na mahal mo yung Cherry Tomatoes mo. Oy, bata ka pa. maknae ka pa rin namin. Wala munang abs abs please? Tsaka yung mga pinopost mo sa Instagram ha? Nakonako. Papauwiin na talaga kita. Hahaha.
Ayan lang. Para makilala niyo silang lahat.Sana maging fan din kayo. Mahl ko kayo~
-arzelongxrl
Kasabay
Medyo magulo yung kausap ko. Hahaha. Dati ko kasi siyang kabatch sa dati kong school, at fortunately, parehas kami ng school na papasukan. Medyo malapit pala mga bahay namin sa isa’t-isa, pero dahil nga, nakalagay sa nauna kong blog na homebody ako, hindi ako pamilyar sa mga lugar dito. O mas magandang sabihin na nating hindi ko talaga alam yung mga lugar dito. Hahaha. Naghahanap kasi ako ng kasabay papasok sa school para hindi naman nag-aalala si mama kapag papasok ako. Kaso, dahil nga sa kamangmangan ko sa mga lugar dito, -_- Hindi ko alam kung saan kami magkikita. Bakit kasi taong bahay ako? Nakakaloka. Bahala na nga bukas. Medyo tinatamad pa naman akong pumasok pero dahil may kasabay na naman ako, sige. Gorabels na aketch. See you~
Homebody
Hay. Mas gusto ko pa talagang nandito lang sa bahay, dahil pakiramdam ko, ang daming gagawin, once na tumapak ako palabas ng pinto. Dahil magpapasukan na, ang dami kong inaasikaso. Halos araw-araw na nga akong umaalis ng bahay e. Medyo nakakapagod, tapos aabutan pa ako ng ulan sa tanghali.Maalinsangan yung panahon, masakit sa ulo. Kailangan ko na nga sigurong masanay sa ganung gawain. Magcocommute na kasi ako ngayong pasukan. Di na ako sa school ko na walking distance lang. Medyo mapapalayo pero para sa akin din naman yun.
Sa ngayong, wala pa rin akong kakilala sa mga magiging kaklase ko. May nakachat naman ako kagabi pero ewan. Hahaha. Di ko siya feel. Parang may attitude na ewan. Pakiramdam ko, babalik yung ugali ko dati. Tahimik, masungit daw tumingin. Ewan. Hahaha. Hindi ko talaga hilig yung makipagkaibigan. Nung lumipat din naman ako dito sa Manila, wala akong kaibigan. Dahil may nag-approach sa akin, dun lang ako naging close sa kanya. Pero as time pass by, hindi na rin kami gaano nakakapag-usap. Busy na rin sya sa mga stuffs niya pero masaya akong nabigyan niya ako ng memory na hindi ko naman talaga makakalimutan.
Ang dami nang nagbabago ngayon. Yung barkada ko dati, bihira na namin makausap ang isa’t-isa. Or worst, wala na talaga siguro silang balak makipag-usap pa sa amin. Hahaha. Sabagay, ako lang naman yung walang alam sa kanila e. Magkakasama pa rin sila up until last school year. Ngayon, magkakahiwalay na kami, may napalapit, may mas lalong lumayo, pero parang wala nang communication. Sana mabalik yung dati ano? Sana.
Ano ba yan? Homebody pinag-uusapan dito tapos napunta na naman ako sa pagkakaibigan? Hahaha. How I badly miss my friends. Sobrang nakakalungkot na. Sana magkita-kita na talaga kami. Wish me luck. Kaya namin to. I will pray for them and I trust God for all of us.
Best of Friends
May 4 akong bestfriend. Oo. 5 kaming magkakabarkada. Sabi ko noon, ayaw kong magkaroon ng kabarkada. Nakita ko kasi yung naging epekto ng barkada kay ate e. Hindi naman sila bad influence kay ate. E kaya lang, masyado kasi siyang nafocus sa barkada kaya parang hindi na nya priority ang pag-aaral. Pero nung maghigh school ako, ayun. Nagkaroon din ako ng barkada. Si Trishia Alcantara, ang pinakabestfriend ko sa kanilang apat. Parehas kaming fangirl ng KPOP. Nung makausap ko kasi siya noon, hindi naman siya fully fangirl. Nahawaan ko nga lang ata yun e, pero masaya ako kasi nasasakyan niya lahat ng trip ko. Masaya ako siyempre. Pero ngayon, hindi na kami gaano nagkakausap. Lilipat na rin sya dito sa Manila. Mas malapit nga sya sa'kin ngayon, pero parang mas walang chance na makapag-usap kami. Sana naman ngayong Grade 11, mas maging madali na sa amin lahat. 😪