Hay. Mas gusto ko pa talagang nandito lang sa bahay, dahil pakiramdam ko, ang daming gagawin, once na tumapak ako palabas ng pinto. Dahil magpapasukan na, ang dami kong inaasikaso. Halos araw-araw na nga akong umaalis ng bahay e. Medyo nakakapagod, tapos aabutan pa ako ng ulan sa tanghali.Maalinsangan yung panahon, masakit sa ulo. Kailangan ko na nga sigurong masanay sa ganung gawain. Magcocommute na kasi ako ngayong pasukan. Di na ako sa school ko na walking distance lang. Medyo mapapalayo pero para sa akin din naman yun.
Sa ngayong, wala pa rin akong kakilala sa mga magiging kaklase ko. May nakachat naman ako kagabi pero ewan. Hahaha. Di ko siya feel. Parang may attitude na ewan. Pakiramdam ko, babalik yung ugali ko dati. Tahimik, masungit daw tumingin. Ewan. Hahaha. Hindi ko talaga hilig yung makipagkaibigan. Nung lumipat din naman ako dito sa Manila, wala akong kaibigan. Dahil may nag-approach sa akin, dun lang ako naging close sa kanya. Pero as time pass by, hindi na rin kami gaano nakakapag-usap. Busy na rin sya sa mga stuffs niya pero masaya akong nabigyan niya ako ng memory na hindi ko naman talaga makakalimutan.
Ang dami nang nagbabago ngayon. Yung barkada ko dati, bihira na namin makausap ang isa’t-isa. Or worst, wala na talaga siguro silang balak makipag-usap pa sa amin. Hahaha. Sabagay, ako lang naman yung walang alam sa kanila e. Magkakasama pa rin sila up until last school year. Ngayon, magkakahiwalay na kami, may napalapit, may mas lalong lumayo, pero parang wala nang communication. Sana mabalik yung dati ano? Sana.
Ano ba yan? Homebody pinag-uusapan dito tapos napunta na naman ako sa pagkakaibigan? Hahaha. How I badly miss my friends. Sobrang nakakalungkot na. Sana magkita-kita na talaga kami. Wish me luck. Kaya namin to. I will pray for them and I trust God for all of us.