Happy 1st month, benten! 🌸
Ang bilis ng araw, isang buwan na kaagad yung baby ko. 🥹
Hindi na sya naiyak pag pinapaarawan sa umaga; iiyak lang sya pag need na nya magmilk.
Hindi na sya super nakakatakot hawakan kumapara nung una ko syang makita. Meron na syang kaunting fats sa braso, legs, at mukha. Meron na nga rin syang double chin e. Hahaha
Yes, malakas na syang dumede. Kaya na nyang 3oz per feed pero minsan ang bigay namin ay 2 oz muna tas kung manghingi saka mag add ng 1 oz, naglulungad kasi minsan. Nakakatuwa na saktong 2 hrs sya manghihingi ng milk, akala mo may sarili syang alarm clock. Kaya lang dahil sa sobrang takaw nya, minsan hirap sya magdigest odi ang ending hirap sya makatulog.
Natry na rin namin na ipadapa sya for tummy time— mukha naman syang nag enjoy kahit 5mins lang.
Ang bilis bilis nyang lumaki!! Parang di pa ko tapos ifigure out paano sya aamuin pag naiyak bukod sa pagbigay ng milk e.
Ni hindi ko pa sya kayang paliguan kasi natatakot ako na baka mahulog sya sa kamay ko bigla. Tho kahapon after magpaaraw, kami ni aj ang nagpaligo sa kanya. Mabilisang ligo lang so di ako masyadong satisfied, buti na lang hindi sya maasim. Hahaha
Excited na kong gumala at ilabas si baby. (Excited lang talaga akong lumabas ng bahay. Lol)