May 3, 2019 when I first found out that I am pregnant. Inulit ko yung pt the next day to make sure na positive talaga. Sabi kasi nila, pinaka accurate daw yung first urine in the morning. So I did. And then ayan, 2 lines, positive talaga. I was really shocked and I donāt know what to feel although trying naman talaga kami ng boyfriend ko na magka baby for the past months. And ito na nga, binigay na ni Lord. Confusing pa nga eh kasi mga 1st week and 2nd week of April nag PT pa ako kasi delayed na yung period ko, pero negative naman yung result kaya hinayaan ko na. Yung cramps na nafefeel ko medyo disturbing na sya. Hindi pa ako nagkakaron pero halos every day yung cramps so natakot ako. My friends told me to consult sa OB, baka daw kasi may something na like cyst or whatever. But I was too stubborn and lazy para pumunta sa doctor. And then May 3, 2019, a supposed to be an ordinary day for me napansin kong parang may stain na sobrang konti lang and medyo brownish sa undies ko. Naisip ko, spotting to ah? But Iām not sure. May lakad pa naman kami ng family ko that time, maglulunch kasi paalis na din ang tatay ko. I managed to sneak out while Iām wih my family sa mall para makabili ng PT. Iniisip ko that time, try ko na lang ulit to and kapag nag negative magpapa check na talaga ko sa doctor. So ayan, Iām pregnant. Buntis. May baby na sa loob ng tummy ko.
Paul is the happiest nung nalaman nya. That time nasa isang event sya para mag host nung sinabi ko sakanya na positive yung result. Hindi daw sya mapakali, sobrang saya nya na gusto nya ng umuwi at puntahan ako. I am also happy sa reaction nya. This is his dream. This is what he wanted from the start, to have his own family and be a father to his own child.
A week after, I have to check again with my OB. You know, the usual follow up check ups. Nagpa ultrasound ako ulit and we found out that our baby has no heartbeat yet. Alarming sya kasi dapat meron na. Sinabihan kami ni Doc na possible na may problema. Na pwedeng hindi matuloy ang pregnancy because of some factors. My feeling that time? Para akong sinaksak ng sampung beses. Baka nga hindi lang 10x. Sobrang sakit, nakakakaba. Paano na baby namin? Mawawala na lang ba sya ng ganon? My OB gave us another week to repeat the ultrasound and see kung may development or may heartbeat na. Nanghina kami pareho ni Paul. Kitang kita ko at never ko makakalimutan kung paano sya umiyak ng umiyak sa result ng check up. Ako? Nakatulala. Pinipigilan kong umiyak pero naluluha na ako. Ayoko kasing maging mahina para kay Paul. Kung sya ang weak that time, kailangan ko maging strong para sakanya. Para saming tatlo ng munti naming anghel. Pero akala ko lang kaya ko magpaka strong. Pagkauwi namin sa bahay, parang bigla akong nanghina. Bumagsak ang katawan ko sa kama at dun na lumabas lahat ng emosyon na pinigilan ko. Umiyak ako ng umiyak. Ang sakit sakit ng puso ko, parang dinudurog. Mixed emotions. Natatakot ako at the same time para akong namamatay. Masakit. Sobrang sakit. Iniisip ko nga, saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? Hindi ko alam kung ano pang dapat kong maramdaman. Basta ang alam ko, nauubos ako.
May 25, 2019. The day of my ultrasound (again) to check if may development na and kung may heart beat na. A night before that, sobra kaming nagpray ni Paul na sana meron ng heart beat. Na sana okay si baby and hindi sya mawala. But the unfortunate news came to us, wala pa ding heart beat. Hindi na develop si baby. Wala na pala kaming hihintayin. In short, miscarriage. Unlike the other day, mas tinanggap namin ng maayos ni Paul. Wala ng iyakan. Wala ng dramahan. Sabi nga nila look at the brighter side of life. Inisip namin, baka hindi pa to para samin. Baka nga may mas better na plano pa. Ganun naman talaga, life goes on. I know naman my little angel wanted to see this world. But maybe she (yes, naniniwala kasi ako na dapat girl sya) was not yet ready, or kami.
To my little angel, I love you so much. Hindi lang ako, pati daddy mo. Too bad you were not able to meet him. Makilala mo sana kung gaano kabuti ang puso nya. You will know how excited he is na alagaan at mahalin ka. But thatās okay, I know my dog Cookie will be there for you to play in heaven. Paki hug and kiss na lang ako sakanya anak ha? Mahal na mahal ko kayo. This is never goodbye, you will be forever in my heart. You will never be forgotten. You will be my lifetime pain. I love you my angel. Kisses from Mommy and Daddy. š¼š»