Tumblr
Hindi namatay o mamatay ang tumblr, dahil patuloy pa rin itong mabubuhay hanggang may
mga pusong nahihirapan sa loob man o labas ng tumblr
mga art na binibigyan ng buhay
mga pagkakaibigan at samahan na dito nabuo
mga pagmamahalan na dito nagsimula
mga pusong naghihilom mula sa iba't ibang sakit
at higit sa lahat
mga taong nagkaroon ng pamilya sa tumblr.
Maraming nangyari sa tumblr may mga pagkakataon pa nga na lumabas pa dito, ngunit kahit anong buti o sama nang mga iyon, mananatili pa rin tayong nagtutumblr, pwedeng magsara ang blogging site na ito pero once na naging blogger ka rito, kahit anong klase pa yan, kung nilagay mo ang tumblr sa buhay mo, patuloy itong mag eexist sa puso at isipan mo.
Pamilya tayo dito, isa sa mga bahay natin ang tumblr.












