february 13, 2021
tenerife sea - ed sheeran; 1:26 am
i don’t know why i keep on writing to you—someone i hope to exist, and someone i don’t know, but will willingly love forever.
i kinda hate it na bigla kitang naisip, lalo na nung nagplay yung tenerife sea
parang gusto ko iiyak lahat ng mga sigaw at tanong ko sa universe, na totoo ka ba kaya? na meron ba talagang para sa’kin at mahahanap ko ba talaga yun? na matututo ba talaga akong magmahal at mahalin *romantically* in this lifetime :(
feel ko miss na miss lang kita ngayon, as in ngayon lang nung pinakinggan ko ung tenerife sea, at bigla kong gusto iiyak lahat ng frustrations ko sa mundo kasi ang unfair!! bat di pa rin kita nakikilala? na hanggang kailan ba ako maghihintay? ilang maling tao pa yung kailangan kung kilalanin para makilala kita? hanggang kailan pa? ilang taon pa ba akong mag-iisa?
ilang taon ko pa bang kailangan sanayin ang sarili ko sa pag-iisa?
gusto ko nang umuwi sa’yo, mahal.
gusto ko lang naman ng kayakap sa mga gabi, gusto ko ng pahinga, gusto ko rin ng makakasama sa lahat, gusto ko na ring maranasan lahat ng depinisyon ng pag-ibig.
gustong-gusto ko nang makauwi sa piling mo.
pero wala, malas talaga ata ako, hanggang iyak na lang sa lahat ng mga tanong na di ko pa alam ang sagot
di pa naman ako sumusuko sayo, pero medyo nahihirapan na talaga ako
masaya naman akong sanay na ako sa pag-iisa, na nakikita ko yung sarili ko na buo at ‘di kailangan ng iba, pero may mga gabi kasi talagang mapapatanong ka na lang kung anong mali sa’kin? na bakit parang sa iba ang dali-dali lang ng pag-ibig, pero sa’kin, hindi? na ano ba talagang pagkukulang at bakit hanggang ngayon wala pa rin? na magkakaroon ba talaga?
nakakatakot lang talaga na medyo may ilang beses na kitang hinanap sa ibang tao, kaya di ko na rin alam kung ilang maling tao pa ang kailangan kong pagdaanan para lang mapunta sayo.
kumusta ka na, mahal? ok ka lang kaya? may jowa ka ba ngayon? tas stressed ka ba bukas dahil valentine’s tas hindi mo alam ibibigay mo sa kanya? sobrang miss na miss na kita, pero natutuwa din ako na hindi na nakabase ang buong buhay ko sayo, na masaya ako sa kung anong meron ako ngayon, na alam kong maganda ako, sapat, magaling, at kumpleto
valentine’s lang talaga bukas kaya namiss lang kita bigla, pero sana okay ka lang talaga ngayon, mahal na mahal kita, at patuloy akong hihintayin ka.
sana mahintay mo rin ako.










