Naisip ko lang, mamamatay ako sa kahihiyan pag nabasa mo yung drafts ko sa twitter kasi lately puro tungkol sa’yo. Syempre hanggang drafts na lang kasi malamang makikita mo pag hindi and also sobrang daming feels di enough yung 140 characters. Bakit kasi may limit pa char. Bakit ba ko nagrereklamo.
Anyway, walanghiya ka kasi gago di ko alam kung mahal na ba kita o ano kasi tangina ang hirap pala. Pano mo ba yon malalaman? (sorry sa words huhu intense talaga mga beks)
May nakita akong word before somewhere. Ni hindi ko alam kung totoong word ba yon or ano. Yung ‘opia’. Alam mo ba yon? Sabi sa dictionary of obscure sorrows (naks), Opia. (n.) is the ambiguous intensity of looking someone in the eye, which can feel simultaneously invasive and vulnerable.
Alam mo ba naexperience ko na yan with you before. Sa klase natin sa 132 (shet sinabi ko yung klase omygod wag na wag lang talaga tong mababasa ng ft12 or mo kasi mamamatay ako char). You were saying something funny everyone was laughing. Kaya napatingin ako sayo tapos nagkaeyecontact tayo (LANGHIYA THIS MOMENT!) tapos parehas tayo tumatawa. Tapos shet lang yung feels ko nung ilang segundong yon. Alam mo yung takot ako na ewan kasi feeling ko you’re seeing right through me? Charing! Pero totoo. Seryoso. Tapos at the same time kinikilig ako nang sobra. Na yung ngiti ko banat na banat tapos wala na akong paki kung maramdaman mo na bet kita. Alam mo yun? Parang shet kung nakatayo lang ako nung baka nanginig na yung tuhod ko. O diba ang gago lang na ganon yung epekto mo sakin. Parang wtf totoo ba Hahahahaha. Wag ka maooffend ha kasi totoo naman eh hahaha. Yung tipong sobrang saya ko lang that moment kasi ewan ko kainis kasi these feelings kung pwede lang to itapon na char. Tapos noon ko lang din napansin yung kung paano magcrease yung gilid ng mata mo pag tumatawa ka. May nunal pa nga ata sa right eye mo if tama pagkaalala ko. TINGNAN MO SHET YAN BAT KO YAN NASASABI HUHUUHUHUHUHUH
Kung alam mo lang kung gaano ako nageexert ng effort sa self control ko para lang di makapagtweet ng kung ano ano. Kasi nga naguumpisa pa lang ulit tayong magpansinan ng normal eh kahit sa twitter lang malaking bagay yon for me. Shet ano na ba mahal na ba talaga kita?
May pakiramdam akong pag nabasa ko to n years from now matatawa ako nang sobra pero wala na akong paki hahaha shet.