kNot even a bit of a chapter of my lifebook.
Isa lang naman ako sa mga madaming anak na galit sa tatay nila at malamang sa malamang, hindi kailanman makakarelate dito. Isa lang naman ako sa nagdradrama tuwing naalala yung mga kinikimkim na sakit. Oo isa lang naman ako sa kanila. Pero sa aming lahat, di naman yan tungkol sa kung gaano kabigat yung kasalanan at sakit na ibinigay nila sayo o kung paano ka nila sinaktan. Yung pinagdradramahan lang namin eh yung sinaktan ka nila. To think na sila dapat yung huling lalaking na mananakit sayo.
In worst situations, siya pa yung una. Oo hindi lang ako yung ganito. Hindi ako dapat nagdradrama na para ako lang ang nagkaganito. Pero tangina naman. Pag nasaktan ka ba, iniisip mo ba yung mga di dapat mong gawin at kung ano ang mga dapat mong gawin? Nasaktan ako. Nasaktan kami. Ginusto ba namin? Aba, sino bang bobong gustong saktan sila ng putrages na mga tatay na yan?
Yung iba nasaktan physically o mentally. Pero meron ring both, na sobrang sobra deserve ng gagong ama na yun na iluto siya sa kinukulong na kanal. Pakshet. Pero kasi pag physically, pwede mo namang layasan yan eh, pwede mawala yang sugat. Pero pag once ng pinagbuhatan ka ng kamay ng isa sa pinakamamahal at piangkakatiwalaan irrationally, di mo maiiwasan yung trauma na tatatak sa isipan mo, dagdag pa yang mga peklat na magpapa alala sayo.
Swerte nga ba ko dahil hindi ko naranasan yung pisikal na sakit? . Sabi ko nga, di yan kung paano o gaano ako nasaktan. Wala yan sa pasa, peklat o sugat. Pare parehas lang kami binugbog sa sakit.
Typical man pero eto kwento ko.
Simula pagkabata, yung relasyon ng mga magulang ko ay hindi na rin talaga maganda. Dahil lang sa pera. Bakit? .Pride. Yung iisang bagay na hindi kaya isakrapisyo ng “ama” ko para gawin yung mga bagay na ginagawa lang naman dapat gawin ng isang ama. Na kahit mawalan siya ng trabaho at mawalan siya ng pantustos sa amin, mas pipiliin nyang hindi lunokin yang pesteng pride na yan.Tangina, mas pinili niyang mabusog pride nya kaysa mabusog kami sa mga kailangan namin, Ayun, uwi sa pinas dahil deported, balik uli sa Dubai para magtrabaho, tapos deport ulit.
Di lang naman kasi yung chance na makasama niya kami matagalan yung isinakripisyo niya dahil sa pride, pati yung role niya na maging ama at asawa. Biruin mo, halos limang taon niyang iniwan si mama, lubog sa utang dahil na rin sa kanya at magisang nagtutustos sa amin. Mapapatawad pa sana kita dahil sa pride at pera ka lang naman sumablay pero yung ika limang taon ang di ko talaga matanggap.
Dahil iniisip ko na sa buong apat na taon na halos dalawang linggo lang siya namin nakasama, ginagawa niya lahat ng magagawa niya para mabawi yung pagka ama at asawa niya, Yung kahit anong mura at paninira nila sa kanya, di ako naniwala at pinagtatangol ko pa siya sa loob loob ko. Yung sinasabi ko nalang palagi sa likod nila na humanda kayo pag nakabawi si Papa. Mali pala ako. Kailan nga naman naging tama ang tanga?
Andun pala siya, nakapaghanap na siya ng isa na namang inahin at itlog na mauuto mo.
After noon, natanggap na namin na wala na kaming aasahan sa kanya emotionally. Dahil sa lahat ng panlilimos namin na supporta, sakit lang binibigay ng gagong yun. Yung tipong nanlimos ka ng tinapay, binigyan ka ng bato. Halatang nang-gagao.
Mahal niya parin kami, ramdam ko, pero di sapat yun. Dahil yung sakit, mas mabigat na sa pagmamahal namin sa kanya. Di niya lang sinira yung pagiging ama at asawa niya, sinira niya rin yung relasyon namin, sa mga kapatid ko at sa nanay ko. Binulag niya rin kami sa saya, tiwala at kapatawaran. Salamat sa kanya at namulat kami sa sakit at galit.
Wala eh, iniwanan niya kami ng peklat na kailanman di na mabubura. Yung peklat na mahapdi parin kahit tapos na yung pangyayari.