The Azkalified! Chronicles: A Supporter Turned Crazy Fanatic
"I don't know how I started to love the team. I don't know why. I wasn't a fan of football at all. Maybe it's because I find the team like a family. Parang ka-close mo lang sila. Parang ang lapit-lapit lang nila...." ----> MORE....
Oh my. It's been a long time since I wrote for this blog. I think the last one that I made myself was the photofics last summer (which btw I miss doing but unfortunately, I got no time to write and imagine anymore--maybe this summer?).
I was a free as a bird then. No worries, stress and sleepless nights. Everything was about Internet, food and Korean dramas. It's my usual routine. Gising, nuod AT kain, Internet, at tulog. Very typical for a high-school graduate who's just trying to make the most out of her last stress-free summer. It may sound boring, but...yes. Okay. Yeah,sometimes it is. But all thanks to football and the Azkals, my summer was all worth it.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang lahat (naks, ano to, love life?). Basta ang alam ko, unang nahumaling ang kaibigan ko sa Azkals. Wala akong ka-ide-ideya kung sino sila noon. Ang tanging alam ko lang na azkals ay yung nasa kalye namin. Yung tumatahol.
Joke.
Magtatapos na ako ng highschool noon bago ko sila tuluyan. Actually, hindi ko pa nga sila kilala. Guessing game kami diyan ng kaibigan ko. At ang kapal pa ng mukha ko na maghamon sa kanya na paramihan kami ng mga pangalan na mababanggit. E wala pa nga sa 15 ang alam ko.
Truth to be told, I still wasn't able to tell apart Phil and James Younghusband, although I already knew them before I knew the team. Sa katunayan, naging crush ko ang isa sa kanila noon. Si Phil. I saw him first in Candy magazine. Maniwala ka man o sa hindi, hindi ko masasabi kung sino ang crush ko sa kanila kung hindi sila pagtatabihin.
Another one are the Greatwich brothers. Ito talaga ang nahirapan ako. Ang tinigin ko sa kanila triplets. Lahat magkakamukha. Kaya hindi ako magtataka na nangyari ito:
Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa kasi nangyari na rin sa akin yan. Yun nga lang, hindi on national TV. Hindi ko talaga sila ma-tell apart. Tanging yung number nalang nila ang pag-asa ko. E may time ata dati na nagpalit sila ng number..edi nag-kandaloka-loka ang ate niyo! Mabuti nalang, kilala ko na siya nang nangyari yun. Pati nang ipalabas ito. Siyempre ba naman, siya ang unang kinabaliwan ko sa Azkals. Take note, kinabaliwan.
Sa totoo lang, wala akong kaalam-alam sa football. Natutuwa man akong manuod sa TV dati ng football kapag olympics, wala akong ideya kung ano yung rules. Basta alam ko kailangan ka lang makascore. (Duh.) Siguro kasi hindi naman talaga ako mahilig sa sports. Yung usual na sports lang ang alam ko.
Pero kahit ganun, full support pa rin ako sa team. Kahit na noong hindi pa ako baliw na baliw sa kanila, suportado ko pa rin sila. Syempre, Philippine team yan. Iba ang Pinoy!
Kaya naman, last summer, triny kong maintindihan ang football. Syempre, teacher ko diyan si Google at Youtube. Nanunuod din ako ng UFL (para makapag-pa-autograph at pa-picture na rin) at teacher ko naman diyan ang aking expert na kabigan sa sports na nagpakilala rin sakin sa Azkals. Kahit na ngayon, aminado akong hindi ko parin master ang laro. I didn't have the chance to try to play it too. The only time I remembered kicking a ball was when we went to a village and asked some Korean kids to let us try in kicking the ball. But oh boy, I sure suck at it.
UFL. Oh yeah. Dito na siguro nangyari ang mga pinakamemorable na mga pangyayari sa pagiging isang fan ko. Sumisikat na ang Azkals noon nang nagsimula akong manuod kasama ng kaibigan ko. The very first Azkal that I ever saw (and yeah, wala pa rin akong noong confidence sa sarili ko na siya nga talaga yun hanggang hindi pa kino-confirm ng kaibigan ko) is Ian Araneta.
"Waaaaaaaait! Siya ba yun? Uy waaaaaaaaaaaait! Si Ian Araneta?!! Omaygahd Omaygahd. Omaygahd! Sh*****t!!"
Hindi pa siya ang favorite ko nun sa lagay na yun. Na starstruck ako. Parang artista lang. Nakakita na rin ako ng artista dati, pero hindi ganun ang naging reaksyon ko. Akala mo alien nakita ko. parang hindi totoo. Parang ako pa nga ang mas excited sa kaibigan ko na ang favorite ay si Ian Araneta.
Kinilig ako.
Edi after ng game, todo hanap ako ng players. Siyempre, una kong hinanap si Ian (if remembered that right). Picture picture. Autograph. Hindi tulad ngayon, mas maluwag noon. Nakakatapak pa nga kami sa field eh (sa UMAK). Konti lang din ang mga nanunuod. Nakakadaldalan pa nga minsan ng mga fans ang mga players. (Pero dahil mas inuunahan ako ng kaba, wala na akong maisip pa na itanong sa kanila.). Todo habulan din! Bago paman matapos ang game, dapat handa na ang armas mo: pentel pen (dapat may spare kung saka-sakaling maubusan ng tinta), notebook at camera. Hindi dahil sa makikipag-unahan ka sa mga fans (minsan lang). Sa players mismo! Minsan kasi, umaalis na sila agad. Kaya kailangang mabilis mata mo. Alam mo na rin dapat kung sino pupuntahan mo. Masuwerte ka nalang kung hindi pa sila umaalis o marami pang fans ang nagpapapicture sa kanila. Kaya may chance ka pang pumunta sa iba mo pang target.
Autograph. Picture. Autograph. Picture.
I don't even know their names yet.
Yes. That's how crazy I started out as a fan. Todo kilig, ang lakas magpa-autograph at pa-picture. Eh hindi ko pa nga sila kilala. Mabuti nalang, kilala na sila ng kaibigan ko kaya alam ko kung paano ko sila tatawagin. O kung mag-Tatagalog o English ba ako. I remember the first time I met Aly Borromeo. I really thought he didn't know how to speak or understand Tagalog. Hindi ako noon makapaniwala na nag-Tatagalog pala siya. Sabi nga ng kaibigan ko, Tagalugin ko pa siya. Maiintindihan niya. Ginawa ko nga. At totoo nga.
All those things (and many more I'm still trying to recall) were the most memorable. Even more special than watching them as a team when they play. Kasi dito, nakikita mo sila hindi lang as players. Kung hindi as a person na katulad mo. At nakakatuwa lang na kahit na pagod na pagod na sila, may gana pa silang mag-smile para sa picture. E mas maganda pa ang smile nila sakin na nakaupo lang eh! Manginig-nginig ka ba naman habang akbayan at dikitan ka nila habang nag-pipicture! Sino bang hindi?
Na-try ko ng maging fan noon. Pero iba talaga pag sarili mong bansa ang ipinagmamalaki mo na kinahuhumalingan mo. You're proud for your own country. Your own people. And because I just can't get enough of them, tambay ako dito sa Tumblr noon. Mas maraming fan account dito dati kaysa sa Twitter. And since hindi limited ang characters sa posts, mas marami at elaborated ang updates. Piyesta ng pictures nila na dati ay pahirapan makahanap. Kaya ito, I found myself creating a blog about them too.
I don't know how I started to love the team. I don't know why. I wasn't a fan of football at all. Maybe it's because I find the team like a family. Parang ka-close mo lang sila. Parang ang lapit-lapit lang nila. The fact na naglalaro sila para sa bansa natin na hindi natin maikakaila na mababa lang ang tingin ng ibang bansa, andun pa rin sila, lumalaban. Despite all the "BOOs'' and little support from the crowd when they play in some countries abroad, hindi sila sumuko. Sila na mga nanggaling sa wala, sila na ang mga hindi isinasawalang-bahala ngayon. They deserve such praise.
Am I too biased?
Crazy fanatic.
What about you? What's your story?
UP NEXT! The Azkalified Chronicles: The first tweet
-Azkalified!











