HANGGANG
Hanggang tingin. Hanggang sulyap. Hanggang pangarap. Hindi pwede.

JBB: An Artblog!

Product Placement
$LAYYYTER
Acquired Stardust

PR's Tumblrdome
🪼
Claire Keane

ellievsbear

blake kathryn
h

⁂
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
YOU ARE THE REASON

No title available

Janaina Medeiros
we're not kids anymore.
Game of Thrones Daily
art blog(derogatory)
hello vonnie
One Nice Bug Per Day
seen from Malaysia

seen from Germany
seen from United States
seen from United States

seen from Bulgaria

seen from Ecuador
seen from United States
seen from Pakistan

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Singapore

seen from Mexico
@azockrenious
HANGGANG
Hanggang tingin. Hanggang sulyap. Hanggang pangarap. Hindi pwede.
HAGDAN
Ilang araw na ‘kong feeling nasa teleserye. Nag-dadrama. Ilang araw na ‘kong pa-deep. Badtrip. Ang baduy. Gusto ko muna mag-isa, hanggat wala pa ‘kong napapatunayan sa sarili ko. Hanggat wala pa kong maipagmamalaki sa magulang ko. Hanggat malayo pa ‘ko sa kalingkingan ng mga kaibigan ko. Kailangan kong i-push ang sarili ko.
BURADO
Paisa-isa, dahan-dahan, hanggang mawala na.
Pag tinamaan ka ng kakornihan
Di kita nakikita pero araw-araw nalang gumaganda ka sa paningin ko pati sa isip ko. Tas ngayon napapakanta ako...
"Going back to the corner where I first saw you..."
Kwentuhan
Dinala ako ng utak at ng malilikot kong daliri dito. Sabi nila magtype daw ako, pero may bumubulong sa akin. Sabi niya "nooo! hindi mo gawain yan! Magbrowse kana lang ng porn, bro!" *kindat*. Inisip ko na lang yung isang utak ko yun at ang bad niya ha. Okay, pano ako nagkaroon ng isa pang utak? At san nakalagay kung meron pang isa? Ah. Imaginary brain...hindi! Katamaran ko yon.
May gusto akong ikwento. Pero di ko naman alam. At wala akong makikwentuhan. Eh ewan. Pero sa panahon nato gusto ko lang talaga ng isang makakausap. Isa lang. O kahit dalawa, yung isa audience.Tagapalakpak o tagapaypay. Makakwentuhan sa bagay bagay. Yung gusto ko magtanung ng kung anu-ano ng bakit ganito? bakit ganon? bakit ang dami ko ng puting buhok? bakit ang daming corrupt sa Pilipinas? bakit gusto ni Enrile na happy ka? de joke lang nagpapakadeep lang ako kaya nilagyan ko ng about pulitika(insert tawa ng jejemon). Pero, seryoso? Gusto ko yung sobrang deep ng pinag-uusapan namin yung tipong nag-uusap kami ng mga batas. Yung wala nakong maintindihan sa topic namin tas kunwari naintindihan ko padin tapos pupurihin ko yung sarili ko "wow, bro, ang awesome mo!"
Ilang buwan nakong tambak sa bahay. Nakakapagod. Nakakatamad. Namimiss ko ng MAKIPAGKWENTUHAN. At nakakaiyak dahil maputi padin ako, hindi padin ako nakakapagswimming ngayong summer nato!
BUHAY ST(Student Teacher)
CT ko: Magready kana magdidiscuss ka maya, ccr lang ako. 10mins left. (KABADO)
Ako: Shet! Bakit ba kc hindi ko inaral yung ituturo ko, Bakit ba kc pag-GUGURO kinuha ko? Sana Film making nalang kinuha kong course
(SUPER KABADO W/ pawis2x) umuwi na kaya ako mag-iiwan nalang ako ng sulat na "Sir pasensya na pero umuwi na po ako, hindi ko po kayang magturo magdaDROP na po ako.salamat po" CT ko: Tara na.. Ako: Magunaw na po sana mundo..
St. Marcel Academy
Nung nakaraan ko pa dapat to ikikwento, pumunta kasi ako sa paaralan ko nung highschool para kunin yung request na form 137. Need para sa mga graduating students na gaya ko ewan ko lang kung mapapasama ako dun pero kakain ako ng buhay na manok para lang makagraduate!
Malaki nadin pinagbago ng school sa apat na taong paglisan ko. Pinasemento na yung daan papasok, nagkaroon ng dagdag na pasilidad, mga bagong guro(karamihan sakanila mga dalaga't binata), nalipat na din yung pwesto ng mga kainan at medyo kanais-nais na yung paborito kong puntahan--ang banyo(kung bakit wag mo ng itanung)
Gusto kong magreklamo kung bakit hindi naging ganito sa batch namin. bakit po??!! >.< pero okay lang mas mahalaga yung mga ala-ala.
Habang tinatahak ko yung daan patungong registrar para sa goal kong makuha yung 137 e naaalala ko yung mkasaysayang highschool days ko. Naisip ko parang kelan lang ganito pako kagaya ko pa tong mga estudyante nato nag-aaral mabuti. okay joke lang. Naalala ko yung pagtikim ko ng mga bawal na gamot.charot! yung mga bawal na gawain lang gaya ng pag-inom, pagyosi, pagkacutting, pagtakas sa klase habang nakatalikod yung guro na ang daan e sa bintana. Naalala ko yung mga turo ng mga guro ko gaya ng....ahm hmm teka anu nga ba yung mga tinuro nila?hindi ko na pala maalala, sori po mga mam at sir ang mahalaga naalala ko naman kayo e :)
--itutuloy ko to pag sinipag ulit. :) \m/
Puro Banda
Ako: Someday I will be a rockstar!
Ina ko: Puro ka banda, ayus-ayusin mo lang yang pag-aaral mo GR.
Ocakeee basag moment…. :D
A hand made bag ni Inay :))
An Extension of Myself
Greeny Polsky & Blacky Monk :) LOLS!
Day 05 - A picture of your favorite memory
Independence Day 2011 sa Quirino Grandstand, kasama ako dito isa ako sa tumakbong hawak ang watawat ng Pilipinas Haha. Isa sa masayang araw ng buhay ko. Haha nandun kasi si PNOY isa sa mga nanunuod, wish ko lang napansin nya ko nung tumakbo ako hawak yung flag. :D pero ang saya kakaibang exp. live nga pala sa TV to channel 4. :DD
Do give IM&A some love. :))
Please listen to this and tell us what do you think about it! We’ll appreciate every comment! Track: Sparkles of Life (Acoustic) Artist: In Malice & Ambition Album: Demo ***UPDATED!
Day 04 - A picture of yourself and a family member
My Sistah :)) aso't pusa kami. pero LOVE na LOVE ko ate ko. :3 anyunyu
Day 03 - A picture of the cast from your favorite show
KYLE XY
Inaabangan ko lage to dati kahit hindi ko natapos at halos yung mga umpisa lang napanuod ko pero nagustuhan ko story nito, science fiction mystery kasi.
Pagbasa at Pagsulat
Eto pinipilit kong makapagblog dahil ano pa silbi ng account ko dito sa tumblr kung hindi ko naman haharasin, kahit sa totoo lang wala naman talaga akong maisip kong anu ang ibablog ko. Kaya alam ko ng magiging korni lang to pag natapos at pag may naawa na magbasa nito.
Hindi ko alam kung paano ko to uumpisahan pero naumpisahan ko na ng walang kwentang dahilan kaya pipilitin ko ng malagyan ng salitang end.
Sabi lumalawak daw ang isip ng mga taong nagsusulat at nagbabasa at naniniwala ako dun. Kaya pakiramdam ko kailangan ko ng umpisahang gawin yun kagaya ngayon na inuumpisahan ko na nga. Feeling ko kasi kelangan ng maupgrade ng isip ko, dahil hindi na ako nakakapag-isip ng tama at bumabagal na ang pang-unawa ko sa mga bagay bagay dahil hindi nako mahilig magbasa o magsulat. Pagbabasa at pagsusulat na requried talaga nating gawin nung mga bata pa tayo. Pero kase 19 nako ;)
Pagbabasa
Kung nagbabasa man e mga tabloid na dyaryo binibigyang panahon ko na basahin (especially BAGONG TIKTIK) o mga vandal sa upuan at banyo ng lalaki na may nakasulat na “can you be my textmate/sexmate just txt me 092***” na hindi man lang naisip nung nagvandal na yun na lalaki din ang papatol sakanya dahil cr ng lalaki yun, iniisip ko nalang na myembro ng 3rd sex ang mga nagvavandal ng ganun. Huling librong binasa ko na ata e yung isang libro ni Bob Ong. Nanghiram ako ng libro nung nakaraan pero hanggang ngayon hindi ko pa din inuumpisahang basahin, kung bakit??
Pagsusulat
Nakakapagsulat naman ako kahit papanu basta nasa mood ako o may inspirasyon pero madalas na wala kaya wala akong nasusulat na matino puro kawirduhan lang. Dati may nasulat nako impluwensya ni Bob Ong (nanaman kasi maliban sa dyaryo at mga vandal e parang mga libro lang nya ang kayang iprocess ng utak ko) lakas makaimpluwensya e, Kaso ang labas parang gawa din ni Bob Ong, kaya siguro hindi ko na naisip na dugtungan pa. Yun ding mga panahon na nag-umpisa akong maengganyo na magsulat, salamat Bob Ong kahit alam kong kaylanman ay hindi mo to mababasa. Pero sa totoo lang gusto ko talagang magsulat, gusto kong mahasa sa skills na to.
Pero sa lahat ng yan pinakadahilan ko e tinaTAMAD ako, kalaban ko ang katamaran ko kaya hindi ko nagagawa yung mga gawain na gusto kong gawin. Natatalo ako lagi ng katamaran, kung sa cancer na stage 4 na siguro katamaran ko. Pero ngayon eto nga inuumpisahan ko na magbasa at magsulat, at eto ilalagay ko na ang ending bago pa mag supersayan nanay ko dine.
—END
Salamat nga pala kay Jonard, nainspired ako sayo tsong! :) \m/
Day 01 - A picture of yourself with fifteen facts
1. Ako si Aurelio
2. My friends call me AU (pero iniisip ko padin kung sino ang pasimuno nung 3rdHS ako kung bat naging nickname ko ang AU)
3. 4thyear college MAPEH Major pero hindi pa lam kung gagraduate
4. Cartoonist pero hindi mahilig manuod ng cartoons o anime
5. Buhay musika
6. I dont dance
7. Hindi umaalis ng hindi nakawax ang buhok
8. Nabubwisit kay BIEBER
9. Big fan ng MARVEL
10 GR (nickname ko sa bahay)
11. perfectionist
12. Mahilig gumawa ng wala, inshort TAMAD!
13. Kulang ang isang kanin
14. kumakaen sa kalagitnaan ng gabi
15. Nakikipagkaibigan sa mga langgam