ang hirap lang din talagang maging adult. you are struggling in life then single ka, so wala ka mapagsabihan ng saloobin o mga problema. you have friends, pero ayaw mo silang istorbohin kasi may kanya kanyang buhay at mga problema din.
nakakamiss lang talaga yung buhay ko before yung malaking desisyon na ginawa ko. i know lahat nang ito ay may dahilan kung bakit nangyayari. pero mapapaisip ka na lang talaga kung tama ba yung mga desisyon na yun. ang laki ng impact na hanggang ngayon hindi pa din ako nakakabangon.
but, i know hindi naman habang buhay ganito. hindi naman laging malungkot. hindi din laging masaya. kailangan ko lang maging matatag, para sa sarili ko. kasi end of the day, sarili ko lang din ang kakampi ko. sarili ko lang ang tutulong sakin.
despite of the current situation, i am still grateful for this life. alam ko ibibigay din sa akin ni Lord yung mga hiling ko.
KAYA MO YAN SELF. KAKAYANIN MO PARA SA SARILI MO.








