Totoo po bang madaling pumasok mahirap tumagal sa UPM? Sobrang makasabog utak po ba? Paano po ba ang buhay estudyante sa upm? Marami bang terror profs, surprise quizzes, assignments? Bakit po nasabing 'sobrang hirap'? And can I just ask po if totoong mas mahirap sa UPM kaysa DLSUM kahit pa tri-sem ang lasalle? Sana po maanswer nyo questions ko. Thank you po!
Bottomline: BAKIT MAHIRAP SA UP?
(Since eto naman ata ang gusto mo talagang malaman)?
Hindi ko man masagot lahat ng tanong mo dahil hindi naman ako naging estudyante ng La Salle, susubukan ko na lang ibreakdown (sa aking opinyon) kung bakit ‘sobrang hirap’ sa UPM. Kinukumpara ko ito mula sa aking experience galing sa Highschool at pati narin sa mga nakikita at napagkwekwentuhan namin ng mga kaibigan ko galing sa ibang unibersidad.
1. Self-Directed Learning.
Yung mga dinidiscuss ng profs sa lecture kumbaga eh kulang pa. Kelangan mo isearch ng ibang info, magbasa ng ibang reference, etc. Tapos yung lalabas sa exam, eh hindi basta simpleng identification. Kelangan mo talagang gamitin ang utak mo dahil papaikot ikutin pa ito ng mga profs mo. Applicable eto sa lahat ng subjects.
2. UPM = Health Sciences.
As much as possible, eh kinoconnect nila ang kurikulum ng mga subjects, halimbawa eh Chemistry at Math (isa sa mga pinamahirap sa buong UP system, sabi narin ng mga profs namin) sa health science.
Iba talaga yung level ng Chem at Math namin. Huhu (Iyak na ang). Sa results pa lang ng Chem board exam (2015). Uso samin ang mag cross reg sa ibang UP campus ng mga subjects na ito kung naco-conscious ka sa tres o kaya gusto mo na mauno talaga to.
Hindi ako sure sa DLSL in particular, pero most of the time yung ibang grading system ng ibang unibersidad eh nagsisimula sa 50%. (Nakalimutan ko yung tawag dito)
Sa UP (at ibang unibersidad), back to zero talaga. So paghihirapan at maglalabas ka talaga ng dugo at pawis sa bawat porsyento ng final grade mo.
4. Perfect people everywhere - Good Bye Self Esteem
Sa UP, marami kang makikilala. Kung nung HS eh pinakamatalino ka na, WELL GOOD LUCK. Sa UP may makilala ka na mas matalino sayo, mayaman, mabait, good looking, artsy, singer, dancer, student leader, may org na, may gf/bf pa, lahat na!
Syempre hindi ko naman sinasabi na isa talaga to sa mga dahilan kung bakit mahirap sa UP, pero masasabi ko lang na PARA SA AKIN isa to sa mga bagay na nakaapekto nung bagong salta pa ako. Nakakadagdag pressure dahil nahihirap ka na nga magadjust, hindi mo pa mapipigilan ng ikumpara yung sarili mo sa iba.
*** Pero maganda rin ito after mo makamove on sa ‘jealous’ stage ng freshie life mo. Kasi marami ka talaga na makilala galing sa ibat ibang background at makakatulong to sayo to grow as a person.
5. Freedom sa pagtuturo ng mga Professor
Bawat professor mo, may kanya kanyang style ng pagtuturo. So kapag hindi mo talaga nagamay at nasanay sa paraan ng pagtuturo ng prof mo, eh kabahan ka na!
Binibigyan ng UP ang mga professor o instructor mo ng freedom na ituro sa kahit anong paraan nila gusto ang kurikulum. Minsan, kapag terror ang prof, talagang sagadan at hindi nalilimitahan kung ano yung pinaggagawa nya sa loob ng classroom.
Tapos may mga instance pa na hindi na talaga makatarungan - mga profs na hindi pumapasok at magiiwan ng kung ano anong homeworks, at mga profs nangbabagsak ng buong class. Pwede nyo naman sya ireklamo! Pero pag medyo mild case, most of the time, tanggapin nyo na lang since part sya ng UP experience.
(Hindi sya ganung ka-common ha. Siguro sa buong UP life mo eh makakatagpo ka ng isa o dalawa nito.)
Pero syempre, may mga profs naman na ang gusto lang talaga eh ang matuto ka ng hindi lamang yung mga matatagpuan sa libro pero ng mga life lessons talaga. *Sarap ng feeling* Eto yung pinakamaganda sa mga freedom ng professor.
6. Assignments, Quizzes, and Projects
Most of the time, yung mga assignments ay hindi basta basta. Kasi, kaya nga sya binigay na assignment ng prof ay para mabigyan ka pa ng time na mas mapagisipan kung ano man yung pinapahanap nya. *Not all the time
Yung mga quizzes naman eh para na ring exam. Isa sa mga pinaka natutunan ko eh MOST OF THE TIME, kung ano yung lumabas sa mga long quiz before the exam and hindi na lumalabas sa exam. Yung mga tanong ha pero use it as guide na din.
Ang mga projects naman, wag i-cram. Porket mahaba ang deadline eh hindi mo agad sisimulan o pagiisipan man lang. Tandaan: Mahaba ang allotted time dyan kasi pinagpla-planuhan yan.
AT MAGARAL KA PARA HINDI PUMASA! MAGARAL KA PARA SA FUTURE NA PASYENTE MO!
Para hindi ka magkamali at mas mapagsilbihan mo sila kung sa health courses ka.
PS: Para na rin pala akong nagbigay ng tips. Hindi ako sure kung nasagutan ko mismo yung tanong mo pero pag may tanong ka pa, GO LANG <33