Sobrang bihira ko nalang magblog dito. Taga like nalang minsan pag napapadaan. So kamusta nga ba ko? Eto, hinahanap sarili, kung ano ba talaga yung gusto ko muna. Nagresign/leave ako sa work ko. First reason is for nmat, nagprepare muna ko. Natapos nanaman, naghihintay nalang ako ng result. Pangalawa, nag isip sa workplace environment. Nagtry ako mag apply sa iba pero same rate lang dun sa first job ko, so iniisip ko nalang bumalik. Advantage? Uwian pa din ako sa family ko and tipid ofcourse. Kesa iniisip ko kung magmmanila ako, parang di ko pa ulit kaya. 4 years na malayo sa family ko, di ko pa talaga kaya ulit lumayo. Di naman minamadali ang pagkaindependent diba? Hindi naman masama magpahinga diba? Gusto ko na magsimula sa medschool pero ayoko naman ipressure yung magulang ko, yung kahit di nila sabihin, syempre ramdam ko din naman di sila ready. Pero goal ko pa din na magkaroon ng MD sa pangalan ko, gusto ko maging IM-Hematologist. Pero sa May na ko babalik sa work, hinihintay ko kasi ung nmat grade ko. May sign kasi akong hiniling para malaman ko kung calling ko talaga ang medschool. Kung hindi naman, baka magmasters nalang din ako. Nakakamiss magwork pero ayoko pa pilitin sarili ko. Gusto ko muna malaman kung ano gusto ko, sa ngayon naman pakonti konti ko nang nalalaman kung ano muna ang dapat.











