si Mona Magno, isang ex LIRA president, si Charlson Ong, si Glenn Sevilla, at si Laurice Guillen
just coz i saw Bebang at pasigaw kong tinawag ang pangalan nya to call her attention. there was something in her aura that day. there's a different energy. lumingon sya sa direksyon ko at binanggit ang pangalan ko. mahaba ang pagbanggit. pasigaw din. at may dagdag na "tangina mo bakit ka nandito hayup ka!"
so eto ka na nga. andaming daldal ni accla. mga recent ganap, bakasyon sa Seoul, iyakan sa Frankfurt, mga author na namatay etc. ang cherry on top, resignation on her 10th anniversary sa office. hindi pa pala to publicized pero kebs wala namang nakakaalam ng blog na to. last na daldalan namin, nasa byahe kami from SM North to SM Bacoor na kasalukuyang isang anyong tubig ngayon.
manonood dapat kami ng Cinemalaya after ng lecture. tumakbo kami sa Roxad blvd, tumakbo sa Taft papuntang LRT. oo. umuulan at that time. payong whut? nakarating kami ng Shang, sa sobrang gutom nakalimutan nyang mag- secure ng tickets. prominent figure pa rin talaga si Bebang. kaliwa't kanan ang tumatawag sa kanya, at lahat kilala nya by name. mga classmates ko nga noon sa college napagpapalit palit ko pa mga pangalan. baks? san mo kinukuha social energy mo?
the spontaneity of that day.
sinusulat ko to ngayon dito sa office. kakatapos ko lang kumain ng dinuguan at 2 rice. humingi ako ng pics kay Bebang. akala ko mga sampu lang meron sya pero 50 pics ang sinend nya.