Little Bird
so sinisipon ako at Liitle Bird lang ang gusto kong pakinggan ngayon! ewan ko, di ko naman ‘to paborito pero nakakatuwa lang pakinggan sa panahon ngayon, nalilimutan ko na may sipon ako. lol. whaaatttt????
🩵 avery cochrane 🩵
Monterey Bay Aquarium
KIROKAZE
No title available

Origami Around

izzy's playlists!
Noah Kahan

tannertan36
Cookie Run:Kingdom Official!
Fieri Frames

Jimmy Eat World
No title available

No title available
Interview Vampire Daily

❣ Chile in a Photography ❣
macklin celebrini has autism
Mike Driver
No title available
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
TMBGareOK. The Official They Might Be Giants tumblr
seen from United States

seen from Switzerland

seen from Hong Kong SAR China

seen from Malaysia
seen from Spain

seen from Singapore
seen from South Korea
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United Kingdom

seen from Singapore

seen from Malaysia

seen from Brazil
seen from Netherlands

seen from United States
seen from Finland
seen from United Kingdom

seen from Colombia
seen from Azerbaijan
@bespectacled-ninja-blog
Little Bird
so sinisipon ako at Liitle Bird lang ang gusto kong pakinggan ngayon! ewan ko, di ko naman ‘to paborito pero nakakatuwa lang pakinggan sa panahon ngayon, nalilimutan ko na may sipon ako. lol. whaaatttt????
Akala ko natuto na ako, di pa rin pala.
pagdating sayo, ang tanga tanga ko pa rin.
Napaka-fragile ng puso ko at wala namang ibang mag-iingat nito kundi AKO lang so problema ko na yun kung habang buhay akong matatakot magrisk. Yaan nyo na ako.
wew, kapagoood magreblog!!!! haha, ok malapit na akong makarating sa recent personal posts ko dun sa main blog ko. YAY!!!!
Every girl has a there's-this-guy story.
I've been pronouncing Isla wrong the whole time since Stephanie Perkins introduced her in Anna and the French Kiss.
Just like others (I guessed), I pronounced Isla as in Iz-la but I just discovered a few minutes ago that the correct pronounciation was Eye-la. Yeah, you heard (um, I guess you don’t, just seen.haha) it right! Eye-la! as in Island without nd. hahaha. so yeah, I stand corrected! now I know.haha.
Hinihintay ko lang na kailanganin mo ulit ako at walang kalaban-laban na babalik ako sa buhay mo.
kailanganin mo lang, hindi mahalin so wag kang mag-alala, promise! hindi ko yun hihilingin.
Yung itinigil ko ang pagbabasa ko ng CoHF para manood ng The Voice #TeamBambooBattles
Uggh.ganun kita kamahal Bamboo! HAHAHA
NO NO NO! hindi kayo pwedeng magbreak!
please! wag! hindi pwede kasi…pag naging single ka, mabubuhayan na naman ako ng lakas ng loob para umasa sayo. please, wag kayong mag-break! okay na ako eh…
I miss you
ang sarap sa pakiramdam na masabihan ng i miss you lalo na at galing sa taong hindi mo inaasahang magsasabi nito…sila (oo, kayo ‘tong dalawa! mel at bimb) pa yung lately ko lang naman nakasama at naka-usap. wow! nakakatuwang isipin na sa konting panahon na nakasama ko sila ay ganun kalaki yung impact ko para mamiss nila ako. ahihihi! miss ko na din sila <3
ayun, natutuwa lang ako, di ko lang inexpect na simula nung nagkahiwa-hiwalay tayo nung graduation, kayo pa ang makakamiss sakin. ughhh! kinikilig lang ako.
I miss you both, Mel and Bimb! mwaaah!
Eh kasi magka-rhyme...
Ako: ano nga yung tawag sa sinaunang walker? Yung yari sa kawayan? Tukador? Emperador? Matador? Fundador?
Kuya: tanga! andador!
Ako: hahahaha! At least katunog, may dor. Haha
Last Request
Ngayon ko lang nabasa yung chapter 15 ng tmeuas at ampotaaa! Grabe, nakakaiyak! Ang sakit. Grabe si Seth, may ganun pa bang lalaki ngayon? WALA! As in wala! Nag-iisa ka Seth Anthony Bello! Kung pwede lang kitang buhayin at dalhin sa real world, naku ginawa ko na. Hindi ako Sethrang pero i love you Seth Anthony Bello! And omg for Barbs! Finally, inamin na nya nararamdaman nya. Pero medyo nakakainis sya kasi naman ang sama sama ng ginawa nya kay Seth, yung dahilan kung bakit sya ang pinili nya at hindi si Cyrus. Grabe, napakawalang puso mo Barbs! Kabadtrip kasi. Naiintindihan ko naman mga pinagdaanan nya pero di yun sapat para gamitin si Seth. Haaay. Pero grabe talaga ang chapter 15! Ang sakit! Nung nasa park sila, feeling ko andun din ako nagmamakaawa kay Seth na wag iwan si Barbs. Gets ko naman ang decision ni Seth, para yun sa ikabubuti ni Barbs, sa ikabubuti nila pero grabe! Ang sakit talaga. Hindi ako Sethrang pero that doesn’t mean na hindi ko sila gusto as separate individual. Basta! Ang sakit…tapos nung huling part, tangina! Wasak na wasak ang puso ko. Feeling ko na naman nandun ako sa loob ng sasakyan kasama nila, nanunuod lang. Walang magawa kundi pagmasdan hanggang sa bumitaw si Barbs at bumaba ng sasakyan. Tang ina! Ang sakit talaga. Grabe, hanga talaga ako kay Seth! Si Seth ay talagang tunay na lalaki, may balls para pakawalan ang babaeng mahal nya para maging maayos ang lahat. Sinabi nya kay Barbs na “mahal kita pero mas mahal ko sarili ko” pero sa ginawa ni Seth, pinatunayan nya na mas mahal nya si Barbs kaysa sa sarili nya. Para sakin, ang selfless ni Seth, kahit masakit pinakawalan nya pa rin si Barbs. Ang ganda pero sobrang sakit talaga ng chapter na'to. No doubt na ito ang paboritong chapter ni Leng.
P.S. ANG SAKIT SAKIT LANG TALAGA!
Kahapon, nagpunta ako sa SM. Habang naglalakad ako papuntang nbs, may nakasalubong akong mag-ama (tatay at anak na batang babae na around 12-15yrs old siguro). Binagalan ko talaga paglalakad ko kasi kinukwento nung bata sa kanyang tatay yung bida sa pinanuod nilang movie which is TFIOS, di ko na masyadong narinig basta more like sinasabi nung bata na bida din yun sa divergent blah blah until her voice faded…napatigil ako at hinabol sila ng tingin habang nakangiti. Wala lang. Nakakatuwa kasi. Ang cool! Kitang kita ko na close na close sila, kung magkwento yung bata sa kanyang tatay alam kong tinuturing din nyang bestfriend ‘to. Daddy’s girl for sure. Ayun, nakakatuwa lang talaga. Naalala ko bigla ang tatay, ganun din kami nun…not that we always watch movies nung buhay pa sya kundi ganun din kami kaclose, bestfriend ko din tatay ko…hanggang ngayon, sya pa rin bestfriend ko kasi sabi nga ni Mitch Albom, Death ends a life, not a relationship.. Ayun.haha.drama ko talaga.
I've been in love with him for almost 7 years so don't expect me to turn off my feelings overnight.
BECAUSE IT’S NOT FUCKING EASY!
Dahil hopeless romantic ako, dati pa lang may naiisip na akong scenario sa magiging kasal ko, not that meron na akong napipicture na groom ko (syempre faceless pa), but i mean yung setting, simbahan, abay, yung mga songs na tutugtugin, yung mga ganun pero ngayon di ko na maisip, di ko na kayang maisip kasi wala na ang tatay. Di ko maisip-isip na sa ganung kahalagang event sa buhay ko, wala na sya para mawitness yun. Isa pa naman sa mga favorite parts ko sa wedding ay kapag ibibigay na ng tatay yung anak nila sa magiging asawa nya. Pag umaattend ako ng kasal, dun sa part na yun ako napapaluha hindi dahil nakakalungkot kundi dahil napakamagical at napakaspecial ng moment na yun para sa magulang at anak. Ngayun kapag nakakaattend ako ng kasal, naluluha pa rin ako sa part na yun pero iba na ang dahilan: di na kailanman mangyayari yun sakin, wala ang tatay na maghahatid sakin kasabay ng inay sa altar, wala ang tatay na iaabot ang kamay ko sa lalaking mapapangasawa ko. Wala.wala.wala.
Habang nag-aasaran kami ni kuya...
Ako: isusumbong kita sa tatay!
Kuya: sumbunge! Pumunta ka dun sa sementeryo!
Ako: di na! Nag-s-skype kaya kami ng tatay.
Kuya: the first skype videocall from heaven.haha
ako: hahaha
*ansabe? Mu-mi-Mitch Albom si kuya! Haha.