Writing, Then and Now
Noong gradeschool ako, mahilig ako magsulat. As in kahit na oras ng klase eh nagsusulat ako. Madalas sa likod ng notebook ko o kaya naman eh pag trip kong asarin yung katabi ko, dun ako sa notebook nya magsusulat o magdadrawing. Grade 6 na ko noon nung naisip kong bumili na lang ng sarili kong notebook para dun na ko magsusulat ng mga stories ko. Just recently, kinailangan kong mag-ayos ng mga gamit ko. Nakita ko yung old notebook ko na yun. Pati mga notebook of stories ko noong highschool nakita ko. Nakakatawa kasi ang dami ko palang naisulat noon! As in, pages upon pages upon pages of stories ang naisulat ko na super nakakamangha kasi kung isusulat ko yun ngayon eh feeling ko bibigay ang kamay ko sa pagod. Ganun ba talaga ako katamad noong elem at highschool ako na napupuno ko ang isang buong notebook ng mga sulat?! Ang nakakatawa pa eh gutay gutay na halos yung mga yun kasi laging pinagpapasa-pasahan ng mga kaklase ko. In a way it was like a primitive wattpad. Kasi may story ako noon na kumalat pa hanggang sa ibang sections. Hihi nakakatuwa lang isipin. Tapos ngayon, pag gagawa ako ng story, sa computer na lang. Type, type... Post, post. Pero wala pa kong natapos na story sa computer. Nakakafrustrate din kasi alam mo yung feeling na andun yung buong story sa utak mo pero di mo sya mailabas? Parang pag constipated ka lang. Ganun. So, I tried analyzing it. Siguro kaya mas marami akong nasusulat noong bata ako eh kasi hindi restricted ang imagination ko. As I grew older kasi, lalong nagiging rigid ang pagstick ko sa norms. Like, hindi pwede ang isang bagay kasi wala naman yun sa totoong buhay. Siguro din, dahil yun sa papel at ballpen. Iba kasi talaga ang feel pag nagsusulat ka gamit ang papel at ballpen. When you are a storyteller kasi, may times na parang hindi ikaw ang nagbibigay buhay sa characters mo. Pag masyado ka ng immersed sa story nila, it is as if sila na ang may buhay at instrument ka na lang para marecord ang buhay nila. Yun ang thrill na hinahanap hanap ko lagi. Pag pen and paper kasi ang gamit ko, I can go as fast as I want to tapos may sense of fulfillment pag actual mong nakikita ang kapal ng mga sinulat mo. Wala kasi yun sa computer. Minsan talaga, mas maganda pa ang mga sinauna kesa sa makabago. Iba ang feeling na nasa coffee shop ka at nagsusulat sa notebook kesa nasa coffee shop ka at nagtatype sa computer. Mas relaxed ang feeling ko pag may hawak akong pen and paper. Maybe that's the reason why I never leave home without it.













