was a very hectic week. cramming at its finest!
thursday: may compe kami sa math. nagpagising pa ako ng quarter to six eh nagising na rin ako ng five hahaha. so ayun punta ako sa school para makipag halubilo sa aking mga kaklaseng mageexam tas pumunta kami sa GCC para magtake ng AMC.
so nandoon kami sa GCC, mainit ang lugar dahil tirik ang araw. pagpasok namin, same old GCC, same bulletin board, as always kami ang huli sa listahan ng contestants and room assignments. v kasi ang start ng pangalan ng school namin, q ang start ng last name ko. magkaroom kami ni axi.
so pagdating namin sa room, nakaaircon, masarap hahaha. kami ang pangalawang nandoon, ang unang nakarating ang UP, dalawang babae rep nila. tas may dumating ng isa pang school. tas di pala sila doon nakaroom. tas dumating ang lahat ng st paul at pinuno nila ang kwarto. nakakainip maghintay, isa’t kalahating oras rin kami naghintay.
tapos ayun, nag-AMC na kami. pinastart nga lang kami bago maishade ang pangalan, which is hindi dapat, kaya kinapos rin ako ng 10 minutes eh. mahirap ang AMC this year, pero at least mas madali kumpara sa last year. medyo mahihirap ang mga tanong, dalawa lang sure kong sagot sa last five questions. maximum score ko na is 99/135, dami ko ring careless hahaha kairita.
pagbalik namin sa school ay nagstay kami sa math lab at naglaro ng game of the generals, ng king of fighters, nanood sa youtube at nagfb at sinagutan ang mga di namin nasagot noong AMC. dahil nandoon ang PIO ng valenzuela.
friday: exams. happy happy exams hahahaha kairita. first exam ay science, natense ako maraming mga tricky questions. tapos break, maaga rin ako natapos sa science hahaha. tapos filipino english. nahuli ako sa filipino malamang, at sa english ay natapos rin ako ng maaga kaso nga lang yung true or false parang gusto mong iunderline ang buong statement -_-
so maaga rin natapos. lunch na next, di pa nga bukas ang canteen noong natapos ako. so nagantay ako, tas naglunch na rin ako. tapos ict eko. ict medyo nagulo ako sa select case, nakalimutan ko yung syntax andami kong erasures. tapos sa eko andaming mga tricky questions.
pero ayun natapos naman! ngayon ay haharapin ko ang aerobics proj sa mapeh, ang portfolio sa math, ang powerpoint sa ekonomiks, at ang research project namin. happpy!!!
Mabuti ang Diyos! Salamat talaga sa lakas na binigay Niya!