Isa sa mga pinakamagandang napanood ko na movie ay ang Furious 7. Ito yung pinakahuling movie na pagbibidahan ni Paul Walker sa mga Fast and Furious Movies, dahil nga sa kanyang pagkamatay. Idol ng tatay ko si Paul Walker. Napanood na niya lahat ng pelikula ng Fast and Furious. Kaya nung lumabas ang pelikulang ito, pinanood naman ito kaagad. At hindi naman itong nabigong magpakita ng isang magandang palabas.
Hindi ko pa napapanood lahat ng pelikula ng Fast and Furious. Pero marami-rami na rin ang napanood ko. Napakaganda at napakalakas ng mensahe nito, ang kahalagahan ng pamilya. Sa isang scene ng pelikula may sinabi si Dominic Toretto, “I don’t have friends, I got family.” Importante ang papel ng pamilya sa buhay natin. Sila ang nagpalaki at humubog ng pagkatao natin. Sa panonood ko ng pelikulang ito, nasiyahan naman ako. Kaya masasabi ko na hindi nasayang ang pera ko.
Para sa ’kin, ang kagandahan ng pelikulang ito ay hindi sa mga buwis-buhay na stunts na makikita, kundi sa mga sinasabi ng mga tauhan nito. Lahat ng mga ginagawa nila ay para sa kanilang pamilya. At ang turing nila sa isa’t isa ay pamilya. Sana ganon rin tayong lahat. Dapat ituring nating pamilya ang bawat isa. Kung magagawa natin ito, maiibsan natin ang mga problema natin. Kasi alam nating matutulungan tayo ng bawat isa. Lahat tayo ay iisang pamilya. Salute mi familia!
Noong mga 11 years old palang ako, isang araw na sa St. Francis Square kami – yung nasa tapat lang ng SM Megamall. May nadaanan kami na nagtitinda ng mga gitara at may tinuturuan siya na bata na mag-gitara. Tinanong ng tatay ko kung magkano daw ang session ng pagtuturo at tinanong ako kung gusto ko ba. Sabi ko naman oo. At dun ako unang natutong mag-gitara. Mula noong araw na iyon, hilig ko na ang musika.
Mahilig akong making sa music. Nakaka-relaks ito at nararamdaman ko rin yung emosyon ng mga kantang ito. Napapaiyak ako minsan sa mga kantang malungkot pakinggan, medyo senti kasi ako. Pangarap ko dati maging singer, kahit di naman ako magaling kumanta. Idol ko ang Eraserheads nun, kaya lagi kong kinakanta yung mga kanta nila. Nagagalit lagi kapatid ko sa ‘kin kasi ang ingay ko sa bahay, kanta ng kanta. Minsan, napapakita ko sa iba ang aking mga expressions sa pamamagitan ng music. Isa ko rin paraan para magpakitang-gilas sa iba ang tumugtog ng gitara. Medyo mayabang ako kapag nakakahawak ako ng gitara. Masaya rin ako kasi minsan, naibabahagi ko yung talent ko sa iba at natuturuan ko rin sila mag-gitara. Tulad ng kapatid ko, lagi yan nagpapaturo sa ‘kin.
Maraming paraan para mai-express natin ang sarili natin. Pero sa tingin ko, ang pinakamabisang paraan para ipakita an gating sarili ang sa mga kinahihiligan natin. Pinapakita ng mga hilig natin kung ano ka. Ang iyong kinahihiligan ay ang iyong identidad. Sinasabi nito kung ano ka, at kung ano ang pwede sa’yo. Diba nga madalas na magkakaibigan yung mga may parehong hilig. Dahil nga napapakita natin ang sarili natin sa kanila at alam nating makaka-relate rin sila sa atin. Kaya mahalagang pahalagahan ang hilig ng bawat isa. Kasi ang hilig mo ang magpapakita kung sino ka.
Kung ilalarawan ko ang sarili ko, isa akong taong bahay. Hindi ako masyadong gumagala, o kaya lumalabas ng bahay. Kaya minsan naiinis sa ‘kin ang mga kaibigan ko dahil hindi ako masyadong sumasama sa kanila kung gumagala. Takot rin akong pumunta sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan, kasi nga baka maligaw pa ‘ko. Ganito ang buhay ng isang taong bahay.
Kahit na taong bahay lang ako, minsan nalabas pa rin ako ng bahay. Mahilig rin akong mag-travel at pumunta sa ibang bansa. Isa sa mga napuntahan ko na ay ang Japan. Masasabi kong ito yung isa sa mga pinakamasayang karanasan sa buhay ko. Marami akong nakitang mga bagay na hindi ko pa nakikita. May natutunan rin ako kahit konti lang tungkol sa kasaysayan ng Japan. Ang pinakamasaya ay naranasan ko ito kasama ang aking mga kaibigan. Yun ang pinaka-unang beses naming pumunta sa Japan. At hinding-hindi koi yon makakalimutan.
Ang buhay ay paglalakbay. Hindi ka lang puwedeng mag-hintay sa isang lugar na hindi gumagalaw at walang ginagawa. Dahil kung ganon ka, hindi ka uunlad bilang isang tao. Natutunan ko sa paglalakbay, mamumulat ka sa mga bagay na hindi mo alam. Mabubuksan ang iyong isip at hindi lang ito malilimitahan ng mga bagay na nakikita mo lang sa iyong mga paligid. Sa paglalakbay, lalawak ang iyong pag-iisip. At sana maibigan natin lahat ang paglalakbay dahil ang buhay ay isang paglalakbay.