‘Di Na Natuto - Gary Valenciano (Boss Menard Cover)
h

JBB: An Artblog!
cherry valley forever

blake kathryn
Not today Justin
trying on a metaphor
TVSTRANGERTHINGS
taylor price
wallacepolsom

ellievsbear
styofa doing anything
todays bird
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
Stranger Things
No title available
Game of Thrones Daily

Janaina Medeiros

JVL

oozey mess

shark vs the universe

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from United States
seen from Philippines

seen from Algeria
seen from United States
seen from Italy
seen from Germany

seen from United States
seen from United States

seen from Italy
seen from United States

seen from Argentina

seen from Argentina
seen from United States
seen from Argentina
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
@bossmenard
‘Di Na Natuto - Gary Valenciano (Boss Menard Cover)
▶New content!
10 Tips for Pinoy Solo Backpacking
Follow me on YT: https://www.youtube.com/channel/UC8q_DEzQd9u_nMFnR8E6gUg
“Doc, pwede po bang mag Move-On kahit hindi naging mag-ON?” #BossMenardMapagmahal
Ang masasabi ni #BMM, Move Over ka nalang!
Para magkaroon ng space yung puso mong pinuno mo ng mga assumptions. :)
Nasimulan mo na ba?
Anong mga bagay ang nagiging dahilan kung bakit ka nagda-dalawang isip kung itutuloy mo pa o ititigil mo nalang?
Hindi naman masamang sumubok. Hindi rin naman masamang sumugal lalo na kung pagibig ang nakataya.
Ang ikinakatakot ko, baka kasi dumating ang isang araw ma-realize mo nalang na natalo ka nang walang kalaban-laban.
#BossMenardMapagmahal
Wala ng Tayo.
Mula ngayon wala nang Ikaw at Ako. Wala nang Tayo.
Meron na lamang “IKAW PARA SA AKIN” at “AKO PARA SA IYO”. Meron na lamang “TAYO PARA SA ISA’T ISA”.
#BossMenardMapagmahal
Paano po malalaman when it's time to walk away?
Kung hindi mo na maabutan ang mga bakas ng kanyang mga paa. Tama na. Simulan mo nang lumakad sa kabilang dako. Palayo. Pabalik kung saan ka nagmula. Sigurado ako na may isang tao ang sinusubukan ring sundan ang mga bakas mo. Taong naglalaan ng oras, ng pagod. Naghihintay sa iyong pansamantalang paghinto. Umaasang maabot ka niya.
Hahawakan ka.
Bubuhatin ka hanggang sa mawala ang iyong hingal, ang iyong hikbi.Hanggang dumating ang sandali, sa panibagong landas ng pagibig handa ka na muli.
#BossMenardMapagmahal
Unang Talata
Ipipikit ko ang aking mata upang makita ang mga tala. Mga talang naglaho sa kalangitan, tulad ng pagibig mong lumisan nang wala man lang dahilan. Wala man lang paalam. Umaasa na sa muling pagmulat ay sabay ring titibok ang puso. Pipintig ang damdamin. At handa na ang panibagong araw ay harapin. Haharapin ng may panibagong lakas. Bagong pag-asa at umaasa ng bagong pagsinta. Pagsintang tunay. Pagsintang walang humpay. Pagsintang di nagmamaliw. Pagsintang di magwawakas. Pagsintang di susuko. Pagsintang di maglalaho. Pagsintang di lilisan. Pagsintang di bibitiw. Pagsintang walang hanggan.
Boss Menard, Natatakot po kasi akong magmahal at ibigay ulit ang sarili ko sa kanya, last time kasi nasaktan na ko, pero eto nanaman, vulnerable nanaman ako sa feelings ko sa kanya. ano po ba ang dapat kong gawin?
Pigilan mo muna ang iyong sarili na ibigay ang puso mo sa kanya.
Ang takot kasi, indikasyon na yung puso natin ay hindi pa lubusang nakakabangon mula sa pagkakadapa ng kahapon.
Na yung puso natin, may lamat pa mula sa pagkakadurog ng nakaraan.
Na yung puso natin, mahina pa buhat sa mga sakripisyong kanyang itinapon.
Na yung puso natin, nalulunod pa sa lusak ng mga ala-ala.
Tulungan mo na lang na lubusang makabawi ang puso mo sa lahat ng mga pait at pasakit sa pamamagitan ng mga taong nakapaligid sayo.
Yung mga taong hindi ka iniwan sa lahat ng mga araw na nalulumbay ka. Yung mga taong hindi napagod na makinig sa paulit-ulit mong hikbi.
Mas mabilis kasing maghilom ang puso natin kapag marami tayong napagkukunan ng lakas.
At sa oras na mahanap mo na ang mga piraso ng puso mong nakakalat sa kalawakan ng kasarimlan.
Mas magiging matapang ka na, mas matalino, mas malakas.
At higit sa lahat, buo na ang pagmamahal na maibibigay mo. Walang takot, walang pagdududa at walang pangangamba.
#BossMenardMapagmahal
Di baleng hindi ikaw ang una. Ang mahalaga ikaw ang huli, ang huling i-ibigin niya.
#BossMenardMapagmahal
Boss Menard, kapag po ba kumain ng chicken fillet ng McDo eh dadating na ang tamang panahon?
Huwag mong lokohin ang sarili mo.
Di mo makakamit ang gusto mo kung nakaupo ka lang.
Kung gusto mong dumating ang tamang panahon, pagsikapan mo.
Kumilos ka.
Hindi lang basta hinihintay ang isang bagay. Kailangan din nating kumilos kung talagang nais nating makamit ito.
At sa tamang panahon. Sa oras na makamtan mo na ito. Mas maipagmamalaki mo ito sapagkat ito ay bunga ng iyong pagsisikap, pag-titiyaga, pag-titiis at pagsa-sakripisyo.
At hindi mo lang nakuha dahil sa kung ano mang kinain mo.
#BossMenardMapagmahal
Nabasa ko menard ung post mo, actually nakakatuwa kasi natatarget nya indirectly ung mga taong takot magtanong at may mga problema. Di ako magtatanong. Pero gusto kong sangayunan ang isa sa mga una mong posts "Dont think too much, Its better not to know everthing". Un lamang at maraming salamat.
I. Just. Died.
Boss Menard, sabi ng utak ko tama na? pero ang puso ko, ang sigaw ay sige pa. Sino ba ang susundin ko sa kanilang dalawa?
Mahirap talaga na maranasan na hindi nagkakasundo ang utak at ang puso. Lalo na pagdating sa pagibig.
Subukang mong pakinggan kung ano man ang sinasabi ng iyong utak.
Ang puso kasi natin ang unang napapagod at nasasaktan kapag nagmamahal tayo.
Natatakot lang siguro ang utak mo na sa hindi inaasahang pagkakataon, sa pagdating ng isang taong handang magmahal at tanggapin ka kung sino ka, kung anong meron sayo at kung anong mga kakulangan mo. Eh hindi mo na mapansin at maramdaman kasi ang puso mo sobra nang napagod, sobra nang nasaktan.
#BossMenardMapagmahal
Kailan ang tamang pagtatapat ng nararamdaman? Pano ko malalaman kung infatuation lang ito?
Sabihin mo na habang may pagkakataon.
Mas maganda kasi na hanggang maaga nalalaman mo na kung pwedeng ipagpatuloy o hindi kung ano man ang nararamdaman mo para sa kanya.
Kung hindi, mapipigilan mong mas lumalalim pa ang nararamdaman mo para sa kanya. Hindi ka na makakaramdam ng sobrang sakit dahil mapipigilan mong mas lumalim pa ang pagmamamahal mo para sa kanya.
Kung oo, hayaan mo lang na ang panahon ang magpahinog sa iyong pagmamahal para sa kanya at huwag itong ipilit. Mas masarap ang magiging bunga kapag ang pagibig ay pinagtiyagaan, inalagaan at pinahalagahan.
Lahat ng pagibig nagsisimula sa infatuation. Hindi nga lang lahat ng infatuation ay nauuwi sa pagibig.
#BossMenardMapagmahal
Boss Menard, pano ba ibalik ang self-confident?
Nawala ba? O, pinapaniwala mo lang ang sarili mo na hindi mo kaya?
Minsan kasi nasa isip lang natin ang mga nawawala, hindi lang natin makita dahil natatabunan ito ng takot at pag-aalinlanangan.
Ang kailangan mong gawin ay suriin mo muna ang iyong sarili. Ano ba ang mga bagay na nakakapagpabagabag sayo? Takot? Pangangamba?
Lahat naman tayo ay may kahinaan. Nasa sa'yo lang ito kung paano mo ito lalabanan.
Hanapin mo ang isang taong handa kang samahan sa mga napili mong laban.
Yung taong hindi ka iiwan. Yung hindi mapapagod.
Yung taong tatanggapin ka sa kabila ng mga kakulangan at kahinaan mo.
Taong magsasabi ng iyong mga kamalian at kung paano ito iwa-wasto.
Yung taong magpapaniwala sayo na kaya mo at magagawa mo.
#BossMenardMapagmahal