Alam mo ba lagi kitang binibisita, lagi kitang tinitingnan, lagi kitang iniisip. Tapos tatanungin ko ‘yung sarili ko “anong nangyari? “bakit biglang nawala?” “bakit biglang napagod?” “bakit ang bilis umayaw?”.
Tapos kasunod nun hindi ko magawang hindi sisihin yung sarili ko sa nangyari. ‘Yung kaya naman iligtas at ipaglaban pero hindi ko ginawa. Bakit nga ba kasi? Siguro nawalan na naman ng gana, biglang nagsawa ‘yung nagising na lang ako isang araw “Ayaw ko na” ganun “Ayaw ko na, pero gusto pa kita”
Ang labo no? Ayaw mo na pero gusto mo pa. Ikaw ba naramdaman mo rin yan? Yung gusto ng puso’t isip mo pero darating sa puntong aayaw narin ang mga ito.
Dati lagi kong sinasabi na “babalikan kita, babalik na ako, seryoso na ako ulit sayo” pero lilipas ang buwan biglang boom “Ayaw ko na ulit”.
Hindi ko alam kung anong naging problema, siguro katamaran. Yung may oras naman ako para sayo pero wala yung puso ko sa ginagawa ko or nawawala talaga yung puso ko.
Pero ganoon pala yun no? kapag may isang bagay kang nakasanayan gawin noon tapos biglang nawala nalang sa daloy ng katawan mo mahirap ng bumalik. Pero kapag namiss mo yung bagay na yun, babalikan mo lahat ng magagandang ala-alang nagawa mo o nyo. Kayo mismo. Magkasabay. Magkasama.
Alam mo aaminin ko namiss kita ng sobra, pasensya kana kung bigla akong naging pipi o utal na magkwento sayo ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit! Pakiramdam ko kasi hindi na ako marunong magkwento sayo, pakiramdam ko naging malayo yung loob ko sayo.
Pero hindi pa naman huli yung lahat diba? Pwede pa naman ako magsulat ulit, pwede pa ako magkwento ng buhay ko sayo. Pwede pa ako magpakatotoo sa lahat ng nararamdaman ko.
Pangako babalik na ulit ako sayo. Ikwekwento ko sayo lahat ng gusto kong sabihin. Walang pagtatago, puro katotoohan kasi nakakamiss yung may isang lugar ka na ramdam mo na malaya kang gawin lahat ng gusto at malaya kang isulat lahat ng nasa puso mo.
Tumblr namiss kita.
Namiss ko magsulat.















