"MERON BANG FOREVER?" ( ULTIMATE RANT NG MGA BITTER KAY FOREVER )
“Ang kasunod ng November, December. Ang sunod sa December January na ulit… and so on. Lintek. Kalendaryo na ang nagsasabi. Walang forever! Marunong ka pa kay Julius Cesar. Kung gusto mong magka-forever, gumawa ka ng sarili mong kalendaryo. Palagyan mo ng forever! ”
“Ang forever ay parang kagandahan mo. Ilusyon lang. Ang ‘forever’ ay isang literal interpretation lamang ng mga taong nakadroga sa pag-ibig.”
“YumOLO ka na ng YumOLO tapos maniniwala ka sa forever. Shabu pa?!”
“Walang forever. Lifetime lang. Oh baka naman gusto lang lumandi ng kaluluwa mo hanggang kabilang buhay?”
“Walang forever. Porn-ever meron. Nuod pa more!”
“Walang forever. Dinaig mo pa zombie. Umattend ka ng kasal para malaman mong hanggang ‘Til death do us part lang.”
“Kahit itanong mo sa corned beef na nasa lata. Walang forever. Lahat may expiration date.”
“Dapat "I will love you 'til we’re 85.” Hanggang 85 lang. Walang forever! Imortal?!“
"Walang forever. Pero may happy ending. Ano pa bang gusto?”
“Hooh! Nilagyan pa talaga ng more yung forever. May 'Forever’s not enough’ pang nalalaman, Patunayan niyo munang aabot ng monthsary.”
“Kung hindi mo naranasan ang forever sa kanya, malay mo sa tamang tao para sa'yo. Kapag sinabi mong walang forever, para mo na ring tinanggap sa sarili mo na walang tatagal sa'yo. Wag mong sirain ang konsepto ng pag-ibig dahil lang sa maling tao ang pinapasok mo sa buhay mo. Kahit anong ingat ang gawin mo, lahat ng bagay ay natatapos. Pero hindi ibig sabihin wala ng forever dun. Ang forever ay sa kung paano niyo na naramdaman sa maikling panahon yung kakaibang saya na “Parang hindi na kayo matatapos”.