when the world turns against you.. again.
Hello again.
Matagal nadin nang huli akong nagblog dito at sa blogger, dumadalaw lang din naman ako dito kapag malungkot ako at hindi ko na kaya.. at wala akong masabihan. Nakalimutan ko na kung gaano ako nasaktan dati. Nakalimutan ko kung papaano maging magisa. yung walang masasandalan, kundi ang sarili. Walan matatakbuhan, walang maiiyakan. May mga tao kaing dumating at tinulungan akong burahin ang lahat, lahat ng sakit na naipon at naging dahilan kung bakit pinili kong magisa at katakutan. Kung bakit dinistansya ko ang sarili ko, and the reason why I would even risk my life just to feel alive.
Akala ko okay pa. akala ko kaya ko pa. matapos lahat ng binato sakin. Akala ko kayak o pa. 2 days. Ganyan lang pala kabilis ang kailangan para gumuho lahat. Ang sakit. Akala ko malakas na ko. Then my last escape, yun nalang.. umasa ako dun. Naghold on ako dun. Kasi baka mapawi nya kahit papano yung sakit. Kaso, isang minuto lang pala ang kailangan para bitawan ako ng huli kong takbuhan. That was the last straw.
Sa pangalawang pagkakataon sa buong buhay ko, naramdaman ko nanaman ang tuluyang pagkasira ng lahat. Lungkot. Galit. Ayoko na. bakit hindi ko pinakinggan ang sarili ko? Bakit hinayaan ko ang mga tao na pumasok sa buhay ko? Sa pangalawang pagkakataon namatay lahat nang saya, at tiwala ko. Muli, ayoko na. tama na.
Wag na tayo magpanggap. Ako padin ang demonyong kahit kalian ay hindi magugustuhan, walang magbabago. kasinungalingan lang ang katagang "tanggap kita kahit sino ka pa"















