Happiness is real when shared.

shark vs the universe
Three Goblin Art
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
NASA

祝日 / Permanent Vacation

JVL
Today's Document

izzy's playlists!
Acquired Stardust

oozey mess
RMH

@theartofmadeline
will byers stan first human second

No title available

No title available
Not today Justin

tannertan36

No title available

JBB: An Artblog!

Discoholic 🪩
seen from Czechia
seen from United States

seen from United States

seen from Türkiye

seen from Australia
seen from United States
seen from Mexico

seen from Singapore
seen from Netherlands
seen from Germany

seen from Brazil
seen from United States
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Türkiye

seen from Brazil

seen from United States

seen from United States
seen from Peru
seen from United States
@captainwhogoat
Happiness is real when shared.
One day, I will be a star. I will be so far up and away and nobody will be able to reach me, nobody could ever hurt me... not anymore.
ang LOVE, parang EK-streme..
MIXED EMOTIONS.
minsan nakakatakot,
minsan nakakakaba
pero in the end
SOBRANG SAYA!
Laway Ka Ba?
NAGHIHINTAY SA PAGBABALIK MO
Masaya na ako sa
kung ano ang meron tayo.
Masarap sa puso na
naging isa ako
sa dahilan ng pagtawa mo
ngayong araw na 'to.
Naniniwala akong simula na 'to
ng isang magandang pagbabago.
Umaasa akong patungo ito
sa isang bagong yugto
na tayo na ulit ang mismong bubuo.
Alam kong nagkasala ako,
at pinagsisihan ko na ito.
Naging magulo, masakit sa ulo,
at nakakasugat ng puso
ang huling tagpo
na tayo ay magkasama at buong buo.
Tanggap ko sa sarili ko
ang mga pagkakamali ko
at hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako
kung bakit ko nga ba nagawa ang mga bagay na 'to.
Kaya ngayon ay narito ako,
nagsusumamo
at pilit na gustong mabuo
ang durog na puso.
hayaan mo sana ako
na muling itama ang mga mali ko,
upang muling bumalik sa labi mo
ang tamis ng ngiting hinahanaphanap ko.
Maniwala ka sana sa mga sinasabi ko
na ang pagtingin ko sayo ay seryoso
kahit ako ay isang taong palabiro
alam ko sa sarili ko
na itong nararamdaman ko para sayo
ay syang idinidikta ng isip ko
at sadyang itinitibok ng puso ko.
Alam kong mapapatawad mo din ako
darating din ang panahon na maigiging ayos tayo
aabot sa punto na wala ng sakit sa dibdib mo.
At pag dumating na ang araw na ito
umasa kang nandito pa rin ako
NAGHIHINTAY SA PAGBABALIK MO.
Move On o Hold On?
Liham Para sa Mag-isa
Dear Emotera,
Sabi ni Aristotle, man is by nature a social animal. “No manis an island” daw. Naniniwala ka ba? Pwedeng oo, pwedeng hindi, depende namanyan sa opinion mo.
Pero ako, oo, naniniwala ako, kaya lang minsan hindi, madalas hindi.
Minsan ba, naisip mo nang mas okay ang mag-isa? Walang huhusga sa’yo pag nagkamali ka, pwede kang magpakatotoo, walang magsasabi na mali ang ginagawa mo, walang mag-iisip ng masama tungkol sayo. Pwede kang tumawa ng tumawa kahit korny pa ang tinatawanan mo, walang sisira sa tiwala mo, walang mananakit sayo. Pwede mo nang patugtugin ang mga kantang gusto mo, sumayaw kasi walang nanonood, at pwede kang umiyak habang pinapanood mo ang “A Walk To Remember.”
Pwedeng wala ka ng pakielam. Bakit pa? Mag-isa ka lang naman. Sarili mo lang ang iisipin mo. At higit sa lahat, tahimik. Walang maguutos sa’yo na bumangon ka na, maghugas ka ng plato, gumawa ka ng assignment mo, hindi ka mamarinig ng panghuhusga, hindi mo din kailangan marinig ang away ng mag-asawa sa kapit-bahay nyo.
Marami pang rason kung bakit masaya ang mapag-isa, hindi ko kayang ilista lahat, pero kahit anong dami nyan, gusto mo pa rin ang may kasama kasi, umamin ka, wag kang in denial, tutubuan ka ng ngipin sa ilong, matakot ka at aminin mo na gusto mong magmahal, at gusto mo rin ang may magmahal sa’yo. Hindi? Plastic!
Paminsan-minsan masarap din naman ang tumawa kasama ang mga kaibigan mo, alagaan ka ng pamilya mo, may magsabi sa’yo ng mga pagkakamali mo para maitama mo, o kaya naman pumuri sa’yo sa mga achievements mo.
Mahirap man masaktan, ayaw natin pare-pareho nyan, pero hindi natin maa-appreciate yng mga moments na Masaya tayo kung hindi pa natin naranasan ang masaktan, at malungkot.
Masarap din naman sa pakiramdam na may magsasabi sa’yo ng “okay lang yan,” malamang gusto mo rin masabihan ng “ang galling mo naman,” o kay paminsan-minsan makarinig ng, “kung hindi mo na kaya, andito lang naman ako.”
Eto ng mga simpleng bagay na to ang mga bagay na hindi mo makukuha kung mag-isa ka, kaya kung sa tingin mo nasosobrahan ka na sa pagiging loner, subukan mong lumabas ng kwarto, makipag-usap sa pamilya mo, o kaya lumabas ka kasama ang friends mo.
Wag kang matakot sa tao, tulungan mong maging masaya ang sarili mo, matuto kang magtiwala na hindi lahat sila sasaktan ka, wag mong ipagkait sa sarili mo yung chance na mahalin ka ng iba.
Sincerely yours,
Captain WhoGoat
Migraine - Moonstar88
Ang sama sa pakiramdam na akala mo parehokayo ng nararamdaman para sa isa't-isa. Akala mo may mutual understanding nakayo, pero guni-guni lang pala ang lahat. Hindi mo na tuloy alam kung saan kana lulugar ngayon sa kanya. Mananatili ka bang kaibigan nya o handa kang isugalang lahat para maging ikaw ang iniibig nya.
'Oo ngapala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sayo
Hindi sinasadya
Na hanapin pa anglugar ko
Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?'
Isa sa pinaka mahirap na sitwasyon ay ang magkagusto ka isang kaibigan/kabarkada. Araw-araw kayong magkatabi, magkadikit at magka-usap. Halos lahat ng bagay ay inyong ginagawa ng magkasama at hindi kumpleto ang araw pag wala ang isa. Pero paano nga kapag dumating sa punto na hindi na lamang barkada ang tingin mo sa kanya, higit pa sa isang kapatid ang nararamdaman mo para sa kanya, at higit sa lahat, taliwas na ang sinasabi ng isip at tinitibok ng puso mo sa dapat na pagkakaibigang namamagitan sa inyo.
'Nasusuka ako, kinakain na ang loob
Masakit na mga tuhod, kailangan bang lumuhod?
Gusto ko lang naman, yung totoo
Yung tipong ang sagot, ay di rin isang tanong'
Gustong gusto mong sumabog lalo na pag-iba ang kasama nya, pag-iba ang kausap nya, pag iba ang bukang bibig nya at lalo na kapag may pinopormahan o may pumoporma na sa kanyang iba. Nais mong ipaglaban na may 'KAYO', na dapat siya ay para sayo at ikaw ay para sa kanya lamang. Pero ano nga ba ang laban mo kung ikaw ay isang hamak na kaibigan lang.
'Dahil, di na makatulog
Hindi na makakain
Dahil di na makatawa
Dahil, di na'
Para sa iba, madali lamang mag bigay ng payo, madali lamang solusyonan ang bagay na ito, pero sa isang banda, ang gantong pangyayari ay nakakadurog ng puso, masakit sa kalooban sa kadahilanang mamimili ka, ang inyong matagal ng iningatang pagkakaibigan o nais mong simulang pagmamahalan. Handa bang isugal ang lahat ng ito para sa isang bagay na hindi ka naman talaga sigurado?
'Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito na lang ako
Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Asan ba ko sayo?
Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?
Nahihilo... Nahihilo...
Nalilito...'
Masaklap isipin na ikaw lamang ang nakakaramdam ng ganito, masakit ipagpilitan na sana balang araw magiging kayo. Darating sa punto na gusto mong sumuko, gusto mong pigilan ang nararamdam mo kasi hindi mo lubos malaman kung ang ipinapakita at ipinaparamdam nya sayo ay tanging pagmamahal bilang isang kapatid lamang o mas higit pa rito. Ano nga ba ang mayroon kayo? Ano nga ba ang tunay na namamagitan sa inyo? Dapat ka pa nga bang umasa? May puwang ka nga ba sa puso nya? Parte ka na nga ba ng mundo nya? Paano kung guni-guni mo lang ang lahat? Ikaw lang pala tong si !*!*#@* na aasa asa. Paano kung ikaw lang ang gumagawa ng sarili mong istorya na may KAYO at hanggang dulo ay siya ang kasama mo.
Siguro nga sobrang nakakalito, masakait sa ulo at sobrang magulo, Ano nga ang susundin mo, Ang utak mo o ang puso mo? Pagkakaibigan nyo o ang nararamdaman mo? Alam kong mahirap, pero eto ang mga bagay na maipapayo ko sayo. Base sa aking narinig at natandaan, utak ang nagdidikta ng mararamdaman ng puso. Kapag inisip mong mahal mo siya, yun din ang ititibok ng puso mo. Kaya nga naman daw nasa ulo ang utak, para ito ang mag-maniobra ng buhay mo at ayusin ang magiging takbo ng puso mo. Sa aking pansariling opinyon, at abse na rin sa mga maraming espiryensya sa buhay, mas mabuti ng magkagusto sa isang taong alam mo na ang halos buong pagkatao, tanggap mo mula paa hanggang ulo, sa ganitong paraan, hindi ka na mahihirapan na siya ay pakisamahan hanggang sa magpakailanman.
Huwag kang matakot umamin, dahil kung sa iyo ay kapatid ang kanyang tingin, kahit ano pa ang iyong sabihin at sapitin, ikaw ay kanyang patuloy na tatanggapin.
Huwag kang mag-alinlangang magtapat, dahil kung ikaw ay karapadapat, hindi ka matatakot na ipaalam sa kanya ang lahat lahat.
At higit sa lahat huwang kang matatakot sumubok, lalo na kung ang puso mo ay sya naman talaga ang itinitibok.
sabi nga ni lolo Elbert Hubbard, “A friend is someone who knows all about you and still loves you.”
Oh! Pa'no ba yan? ikaw daw ang wish sa christmas. Ano?! Okay lang ba sayo? Pagbibigyan mo ba? HAHA! sabi nga, GIVE LOVE ON CHRISTMAS DAY! :))
Kung Maibabalik Ko Lang Ang Nakaraan
Sa totoo lang. Natapos ko na tong article na to. Pero nakakapanghinayang lang na, hindi ko sya na save. Nawala lang lahat. Sakto namang hindi ko pa pala ito naipa-publish. Aist nako naman! Saktong sakto lang sa temang kung maibabalik ko lang ang nakaraan. Well, ganyan talaga, madaming bagay na gusto nating balikan, itama sa nakaraan, baguhin ang noon para naman wala tayong problema sa ngayon. Pero andyan na yan eh, Kaylangan nating gumising na WALANG TIME MACHINE para bumalik sa past.
Pero it is not too late para itama ang mga pagkakamali sa nakaraan. Uso ang bumangon muli, hindi naman pwedeng pag nagkamali at nadapa eh mananatili ka nang nakaluhod o naka subasob. Bangon bangon din pag may time.
Sabi nga, sa bawat pagkakamali ay may espasyo para sa pagtatama. OO, maaring nagkamali tayo noon, nakasakit tayo kahapon, may nasabi tayong mali nung isang araw.. pero na uso naman ang mga salitang patawad at pagbabago. Basta alamin lang naman natin sa sarili natin na tayo ang may mali.. Yes! mahirap dahil sa pride na yan. Pwe! dahil sa pride na yan kaya madaming nagkakagulo. Well, isantabi muna natin ang pride para sa kapayapaan. (HAHA! BIG WORD).
Effort. Isang aksyon na makakatulong upang maitama ang pagkakamali. Kailangan itong magsimula sa iyong sarili. Pagplanuhan kung paano ang magandang estratehiya upang maisagawa ang plano. Hindi naman kailangan bongga, basta ba sincere ka. Pag-isipan kung san ka nga ba nagkamali, kung ano ang dapat baguhin para sa susunod alam mo na yung dapat gawin.
Action. Syempre, kailangan mong isagawa yung mga napagplanuhan mo. Lalo na kung sa tao ka nagkamali, kailangan mong bumawi sa kanya. Pero sa isang banda, kailangan mong tanggapin na baka hindi pa siya ready, palamigin mo muna ang ulo, hayaan mo munang makalimot ng konte.
Eh ganyan talaga, sabi nga sa kanta "Bakit ba ang pagsisisi laging nasa huli. Ang mga lumipas ay di na maaaring balikan". Kailangan mo na lang panindigan ang mga bagay bagay na nagawa mo, wala eh, nandyan na yan. Sa maka ungot ka, maka iyak, makagulong, kahit anong gawin mo hindi mo na talaga maibabalik ang lahat. Ang tanging magagawa mo eh umulit sa simula, mag pag-igihin pa ang mga ginagawa para sa susunod hindi ka na magkakamali, hindi ka na makakasakit at mas magiging maayos ang resulta.
Saktong sakto naman na habang ginagawa ko tong article na to, nag buklat ako saglit sa fb.. nakita ko ang post ni marcelo santos iii na humuhugot nanaman. At nataunan naman na ang hugot niya ay hugot ko din ngayon! HAHA!
PS. Hindi man natin kayang ibalik ang nakaraan, well heto naman tayo sa kasalukuyan upang mas paghandaan at pagandahin ang ating hinaharap. Basta keep moving forward lang! :)) and always thinks positive. ^^v Simulan natin ang bagong taon natin na may magandang pangarap at magandang simula, at subukang kalimutan ang masalimoot na nakaraan upang ang bukas ay mapagtagumpayan. AJA!
“Because what’s worse than knowing you want something, besides knowing you can never have it?” ― James Patterson, The Angel Experiment
I wish I was onMoving onI wish I was far away from hereYou wanted me to stayAnd feel your embraceBut I choose to walk awayScared and bruisedEmpty heartWeary and burdened by the thought of usWe were so perfect I gave my allBut you did nothingI wish we workedI know it hurtsBut things change when you'reCaught off guardAnd it's driving me insane
- Composed by : Marjerie Fondevilla
- Sang by : Ericson Fernandez
The Adventures of Captain Whogoat: Nang Isang Araw Naisip Ng Barakada Pumunta Sa Enchanted Kingdom
Matagal na namin binabalak magkakaibigan na pumunta ng E.K., kaya lang kung may pera man kami, wala naman kaming oras, o kaya may oras man, wala naman kaming pera. Kaya nung biglaang may nag-alok ng PhP300 na ticket sa E.K., at nagkataong December 7 yun, tumapat ng linggo, ay nag-sieze the moment na kami.
At dito nag-umpisa ang isa sa mga memorable adventures ni Captain Whogoat.
Dahil two weeks bago mag-Dec. 7 ay nakabili na kami ng ticket, excited na kaming magkakabarakada na pumunta ng E.K. Kanya-kanya kaming request na tara sakay tayo dito, wag na tayo sumakay ng Space Shuttle plith, at "pag sumakay tayo sa Wheel of Fate, first time ko yun." May mga segway din na "anong isusuot nyo? Shorts lang ba?" at mga paalala na "magdala ng extrang t-shirt kasi mababasa tayo." Kaya lang ibinalita na may super typhoon na tatama sa Pilipinas. Daig pa namin ang 24 Oras, TV Patrol, at CNN kung makabantay kami sa mga balita galing sa PAG-ASA. Sabi namin kahit bumagyo pa, hindi kami papapigil at nakita ko sa mga kaibigan ko na seryoso nga sila, rain or shine tutuloy kami. Gabi ng December 6, minove ng E.K. ang sched namin sa December 14.
May mga bagay talaga na kahit anong pilit, kahit gaano ka kadesidido, pag hindi pa tamang oras, hindi talaga pwedeng mangyari.
Isa sa mga rides na tuwing pumupunta ako sa Enchanted Kingdom hindi pwedeng hindi ko sakyan ay ang Rio Grande Rapids. Ito ang dahilan kung bakit tuwing pupunta ako ng E.K. lagi akong may dalang malaking bag para meron akong extrang set ng damit kasi siguradong mababasa ako ng tubig. Kaya lang nung December 14, sa araw na pumunta kami, sa tagal ng hinintay namin, ang Rio Grande Rapids ay closed for maintenance.
Talagang kahit gaano mo katagal hintayin ang isang bagay, kahit gaano mo pa paghandaan, pag hindi yan handa para sa'yo, hindi talaga. Pwede naman umasa sa "next time" kahit panibagong paghahanda at mas matagal na paghihintay ang mangyari.
December 14, araw na hinding hindi ko makakalimutan, isusulat ko pa sana sa diary ko kaya lang hindi ako nagda-diary. Bakit? Kasi may nagawa akong isang bagay na hindi ko inexpect na gagawin ko buong buhay ko. Oo, sige na, aamin na ko, ako yung nagpupumilit sa kanila na wag na akong pasakayin ng Space Shuttle kasi hindi ko talaga kaya. Tuwing may pumipilit sakin na sakyan yon, kapag hindi nagwork ang masungit kong "ayoko nga," iniiyakan ko talaga sila. Kaya lang this time kahit paiyak na ko, hindi talaga ako pinaligtas ng mga kaibigan ko at kahit sobrang tagal na nila sinabi sakin na sa ayaw o sa gusto, sasakay ako ng Space Shuttle, hindi padin ako prepared sa mga nangyare.
Let's just say na sa tamang oras kasama ang tamang tao na magsasabi sayo ng tamang bagay, kahit ano pa yang kinakatakutan mo, you'll take the plunge, and believe me, it's one of the best decisions I ever made my entire life.
Nagselfie din kami habang nakapila kami sa Jungle Log Jam. At karamihan sa mga kuha naming mga picture may mga nakikipose sa likod. Ang whogoat ko? May mga tao talagang isasali ang sarili nila sa buhay mo, nasayo na kung papansinin mo sila o hindi pero sa ayaw at sa gusto mo, kasama sila sa memories na maiiwan sayo.
Nun naman pumunta kami sa Rialto, isa sa amin ang nakatanggap ng tawag galing sa tatay nya kaya naturally, nagpaiwan muna sya sa labas. Nakapila na kami at inaabangan namin sya na dumating para isisingit namin sya sa pila, kaya lang sabi nya hahanapin pa nya yung bonnet nya na nawawala.
May mga tao talaga hindi oras oras lagi mong kasama... And you'll be lucky if that someone has the decency to tell you na maghihintay ka lang sa wala.
Hindi lang rides ang naenjoy namin sa E.K., ubos din ang pera namin sa daming beses namin bumato ng plato, magshoot ng rings sa bote, magtapon ng manok, bumunot ng isda para sa mga cute ng stuff toys. Kahit papano madami naman kaming makuha, kaya lang hindi ko na icocompute kung magkano ang nagastos namin, after all, it's not the destination, it's the journey. May mga bagay lang talaga na kahit anong hirap ang gawin mo, kahit gaano pa kalaki ang gastusin mo, pag hindi meant to be, hindi talaga meant to be.
Maaga kaming pumunta sa E.K. non kaya umaga pa lang ay nakadami na kami ng rides kaya lang hindi talaga kami swerte sa Disco Magic kasi dalawang oras kaming pumila para don. Hindi man namin experience tong hugot na to, may natutunan naman ako sa tatlong nagfi-field trip na estudyante na sumingit sa harap namin. After two hours ng pagpila, ayan na malapit na, kami na yata ang kasunod na batch ng sasakay, nagtext sa kanila yung mga classmates nila na aalis na yung bus so they had no choice but to leave the line. Kapag talaga unfair ka, babalikan ka ng karma at times 10 ang sakit nyan para sa'yo.
Isa sa mga highlight ng araw na yon, or should I say gabi na, ang Wheel of Fate. Pumunta kami don para pumila pero sabi sa 'min hindi na daw sila magpapapila muna kasi maguumpisa na ang fireworks display kaya umupo kami sa isang tabi para maghintay, magkakasama namin pinanood yung fireworks display, at sa dami ng ipinila ko buong buhay ko, eto lang yata ang pila na naenjoy ko.
Fate finds a way to make you see how beautiful things are around you, you just have to stop and enjoy the moment. These moments are the one you will cherish for the longest time.
Kaya sa inyong lima, thanks for sharing that memorable day with me. And most of all, sa Kanya who made things possible, for the most precious gift, the gift of friendship.
Pangarap Lang Kita ...
Napakinggan ko isang beses sa radyo yung kantang Pangarap Lang Kita ng Paraokya Ni Edgar with Inang Reyna. Inang Reyna talaga ang tawag ko kay Happee Sy, at kung K-Pop Fan ka, malamang ikaw din, pero bumalik tayo sa topic ng “Pangarap Lang Kita.”
Hindi lang isa, o dalawang beses ko naramadaman ang magka-crush sa mga Mr. Unreachable, the guys that are so out of my league. Pero kahit na ilang beses na nangyari sa ‘kin yon, okay lang, walang masyadong naging significant na nangyari, kasi nga crush lang.
Kaya lang lately, hindi na gano’n.
Naranasan mo na bang ma-in love sa taong hindi ka kayang mahalin? Sa taong hindi ka papansinin? O sa taong bakit magse-settle sayo kung madaming mas hihigit pa sayo? Isang malaking sampal, suntok, at sampiga nyan sa self-esteem mo. Kawawa ka naman.
There’s this guy na hindi ko na sasabihin kung sino at kung ano siya sa buhay ko kasi baka mabasa pa nya ‘to, wala pa ko sa tamang pag-iisip para umamin. Anyway, like I said, madaming beses na ko nakaranas ng magka-crush sa mga Mr. Unreachable at nung nakilala ko sya sinabi ko na sa sarili ko na kahit na anong mangyare, hinding hindi ako magkakagusto sa kanya kasi sya yung tipong unreachable kahit sa mga Miss Unreachable, at hindi ako willing na saktan yung sarili ko. Basta, ganon na yon. At hindi ko na sya masyadong inisip, nandyan man sya, hindi ko na din sya masyadong tinitignan. I thought it was a smart thing to do. But love’s a bitch. Isang araw, isang ngiti, lintik.
Ngayong ko ipapasok yung linya sa kantang “Pangarap Lang Kita,” sa T.V. lang naman kasi may mangyayari.
Totoo naman kasi. Sa T.V. lang nangyayari ung kaibigan na mahal mo, mahal ka din pala, sa palabas lang yung childhood sweethearts na magkakalayo pero sa huli slia padin, sa fairy tale lang magiging swan si ugly duckling. Kaya minsan nakakastress din manood ng happy ending movies. It gives us false hopes.
Tapos eto pa, ang hirap maging babae, pag torpe yong lalake, kahit may gusto ka ‘di mo masabi.
Minsan naiisip ko, paano kaya kung naging lalake ako, magkakaroon ba ko ng lakas ng loob na umamin sa kanya? Excuse lang ba yung pagiging babae ko kaya hindi ako umaamin? O sadyang pinanganak akong duwag kaya hanggang tingin lang ako?
Kaya para sa’yo na araw araw ginagawang roller coaster ang buhay ko, kahit mahal kita, wala akong magagawa, tanggap ko, aking sinta, pangarap lang kita…
Newton’s Law of Motion
When I was in high school, favorite kong topic sa Physics ang Law of Motion not because naiintidihan ko ang computation ng acceleration, velocity at kung ano ano pang itinuro sa amin ng teacher namin noon sa Physics. Favorite ko lang ‘tong topic na ‘to kasi dito maglalabasan ang kung ano anong mga ka-bitteran ng mga kaklase ko, pati na din ako. At dahil don, I could never blame my teacher kung bakit dinadaan nya lagi sa kadramahan ang pagdi-discuss sa topic na to.
Ganto kasi yon…
The first law of motion, o ang Law of Inertia, means an object at rest will remain at rest unless acted on by an unbalanced force.
Parang ako nung ma-in love. Nananahimik ang maayos kong mundo tapos wiwindangin nya. Ano ba naman!
O kaya kayong magkaibigan na routine na ang mag-insultuhan biglang magkaka-inlovean, isang araw paggising mo, mapapawish ka na lang sana kayo na. Tapos ano? You’ll take the risk of throwing your friendship out of proportion para lang dyan sa love na yan. E paano kung one-sided? Leche pa man din yang love na yan, mahilig sa one-sided.
O kaya yung simpleng naglalakad ka sa hallway sa school paakyat sa classroom mo tapos may nakasalubong ka, biglang badabum badabam ng puso mo. Dati ang inaalam mo lang yung mga lesson sa school, ngayon ano? Nganga sa profile nya sa Facebook kung saan naka-post ang mga pictures nila ng boyfriend o girlfriend nya. Masakit yun, fre!
Kaya minsan napapabulong na lang ako, ikaw, o kung sino man ng “love, love, love, ‘wag ako.”
First Law pa lang yan!
The second law of motion states that acceleration is produced when a force acts on a mass. The greater the mass of the object being accelerated the greater the amount of force needed to accelerate the object.
Sa madaling sabi, mas madami kang force na ginagamit kapag binuhat mo ang gitara kumpara kapag binuhat mo yung isang piraso ng papel.
Parang yung effort ng boyfriend mo (oo, yung boyfriend mo kasi wala ako non) sa relationship nyo. Nung bago pa lang kayo, parang fiesta araw-araw ang mga bubuyog sa inyo kasi laging may flowers na dala pag sinusundo ka, magkaka-diabetes ka hindi lang dahil sa chocolate, dahil na din sa ka-sweetan ng mga sinasabi nya. Ngayon? Hindi macontact kasi nagdodota.
O kaya pansinin mo kaya yang kaibigan mong may secret feelings para sayo. Kapag sinabi ng iba nyong kaibigan na gutom na sila, sasabihan pa nya na “eh ‘di kumain ka,” pero kapag ikaw ang nagsabi ng gutom ka na tatakbo pa yan sa canteen maibili ka lang ng pagkain.
Iba talaga pag mas matimbang ang isang tao para sa’yo, sobra mo syang papahalagahan.
And lastly, ang third law of motion, at ang pinaka-favorite ko. For every action there is an equal and opposite reaction. When you push an object, it pushes back.
Sige pa, ipagsiksikan mo pa yang sarili mo dyan sa crush mo, lalayo talaga yan sa’yo. Iwasan mo muna yang nililigawan mo, biglang hahabol-habol sa’yo. Parang yung mahal mo na may mahal ng iba. Sakit di ba?
Bakit nga ganon ‘no? Kung ano pa yung laging nandyan hindi natin ma-appreciate, tapos kung sino pang mahal mo, sya pang lumalayo sayo. Kaya dapat talaga minamahal ang pimples para mawala na din sila.
Yan ang Newton’s Law of Motion. Ewan ko ba naman dyan kay Newton, baka sadyang heartbroken nung ginawa nya yang laws na yan kaya pati kami nung inaaral namin yon ang bibitter namin.
Ikaw? Bitter ka din ba pag yan ang topic sa klase? Ayos lang yan, kasi may Law of Gravity naman. Everything that goes up must go down. Kung malungkot ka, bitter, mag-isa, hindi mahal ng mahal nya, dadating ang oras na sasaya ka.
MAHAL KITA PERO 'DI MO LANG ALAM - Rocksteddy
Bakit kasi hindi mo sabihing mahal mo? Dahil natatakot ka? Na baka masaktan ka? Na baka hindi ikaw ang gusto niya? Ayaw mong aminin kasi natatakot kang masira kung ano man yung meron kayo ngayon. Ayaw mong makipagsapalaran dahil sa madaming negatibong posibleng mangyare kapag sinubukan mong aminin ang tunay mong nararamdan. Posibleng ayaw niya sayo. Posibleng may iba siyang gusto. Posibleng iwasan ka nya. O mas malala posibleng masira yung pagkakaibigan na meron kayo.
Sa kabilang banda ng mga negatibong posibilidad na maaring mangyare hindi mawawala ang ubod ng daming positibong posibilidad. Maaaring gusto ka rin niya, o kaya ay inaantay ka lang niya, o kaya naman ay nahihiya lang din siyang umamin sayo. Posible din namang natatakot lang din syang umamin dahil ayaw niyang masira ang friendship nyo.
Lahat ng bagay may consequences, maaaring ganito, maaaring ganyan pero hindi mo malalaman ang kasagutan kung hindi mo susubukan. Huwag kang matakot mag try, wala namang bayad diba? wala din namang masama. Basta parati ka lang maging handa sa maaring maging resulta. Kapag hindi umubra edi try ka lang ulit, kaya nga naimbento ang second chance, third chance at madami pang chance. 'Wag kang matakot madapa dahil sa bawat pag bagsak mo, alamin mo lang kung san ka nagkamali at nagkulang para sa susunod alam mo na yung dapat itama at gawin.
Tandaan mo lang na hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa isang iglap lang. Sabi nga nila, ang mga bagay na iyong pinaghirapan ay mas masarap sa pakiramdam kesa dun sa bagay na nakuha mo ng mabilisan at madali mo ding pagsasawaan.
Basta pag sinimulan mo, siguraduhin mong tatapusin mo at ipaglalaban mo. Tulad sa taong mahal mo. 'Wag kang matakot na sabihin sa kanya yung totoo mong nararamdaman, wag kang matakot na iparamdam sa kanya ang tunay na laman ng iyong pusong nagmamahal. Eh ano naman ngayon kung alam na niya, hindi ba't mas magaan sa pakiramdam yung wala kang tinatago, hindi ba't mas masarap sa pakiramdam na nailabas mo na yung kinikimkim mo. Nasa sa kanya na kung tatanggapin ba niya yun o hindi. Pero kung pursigido ka, sige lang, suyuin mo at wag mong susukuan dahil darating din ang panahon na ikaw na ang itinitibok ng puso niya.
How Can I Move On If I'm Still In Love With You - The Man Who Can't Be Moved
Sinong nagsabing gano'n kadali ang mag move on? Sinong nagsabing gano'n kadali maghilom ang isang pusong nasugatan? Oo, madali magpatawad pero hindi ganon kadali ang makalimot. Katulad na lamang sa pagkakaroon ng crush, sinusubaybayan mo siya, napapangiti ka pag nakikita mo siya, palagi mong tinitingnan ang kanyang status kung siya ba ay single pa at lagi mo siyang kinakamusta sa mga kabarkada mong nakakakilala sa kanya. Pero sobrang sakit kapag dumating sa puntong taken na siya, nakakapanlumo yung pakiramdam na wala na kayong pag-asa, at masakit isiping nagseselos ka pero wala ka sa lugar at higit sa lahat wala kang karapatan.
Isa pang dahilan kung bakit mahirap mag move on ay yung tuwing iisipin mo ang nakaraan. Ang nakaraan na puno ng matatamis na alaala, mga nagdaang panahon na kayo ay punong puno pa ng pagmamahal sa isa't-isa. Pero mare-realize mong walang forever, mapapagod ka kauunawa sa kanya at mapupuno ka sa mga nakakainis na pinag-gagagawa nya at syempre maghihiwalay kayo. Tapos dadating ka sa puntong mahal mo pa siya, 'di mo pala kayang mawala siya, gusto mong bumalik sa kanya pero ang tanong, mahal ka pa ba niya? buti sana kung ang sagot niya ay "Paano mo mamahalin ulit yung taong hindi mo naman tinigilang mahalin?" at kailangan mong tanggapin ang katotohanan na hindi siya si Baste ng Dream Dad at malaki ang pag-asa na may iba na siya.
At higit sa lahat nasaktan ka kasi umasa ka o pinaasa ka. Akala mo may something, akala mo more than friends na, akala mo may destiny, at kayo ay meant to be, pero ang totoo neto, umasa ka lang pala at nadala ka lang sa mga kilos niyang nagpaparamdam sayo na espesyal ka at nag-akalang may posibilidad na maging kayo.
So, ano? Makaka-move on ka ba? Makakapag- move on ka pa ba? Handa ka na bang muling magtiwala, magmahal at muling masaktan? Kaya mo na ba?