Lezz eat dinner :) Porkchop binalot + ripe mango :))

titsay
No title available
Monterey Bay Aquarium
untitled
Cosmic Funnies
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
almost home

Kiana Khansmith

PR's Tumblrdome
taylor price
★
Noah Kahan

if i look back, i am lost
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
I'd rather be in outer space 🛸
$LAYYYTER

@theartofmadeline
The Stonewall Inn

Game Changer & Make Some Noise
macklin celebrini has autism

seen from Malaysia
seen from Seychelles
seen from China
seen from Serbia
seen from United Kingdom

seen from Australia
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Brazil

seen from Brazil

seen from Türkiye

seen from Türkiye
seen from Russia
seen from Bulgaria

seen from Indonesia

seen from United Kingdom

seen from Malaysia

seen from China
seen from Ecuador
@caramels29-blog
Lezz eat dinner :) Porkchop binalot + ripe mango :))
Even at night, flowers are still beautiful. Gaya ni idol. :) #potd #Baguio #melvinJones #noFilters
"Baguio in a hole." Louisians, guess niyo kung san ko kinunan to. :)) Only those who stays at Silang Bldg. will have an idea :)) :D #POTD
This is what I feel when you're not around, EMPTINESS.. LONELINESS.. AND THE FEELING OF FEAR OF LOSING YOU...
BAGYO NG BUHAY
PS: sorry for the wrong grammars and wrong spelling. I did this when I was just in 4th yr HS. :)
Kasalukuyang nagkakape si Miguel sa labas ng kanyang opisina, katabi niya si Mac na matagal na niyang kaibigan simula noong napunta siya sa Canada. Sa palagi niyang pagkamuni-muni tuwing wala siyang ginagawa ay palagi niyang naiisip ang mapait na nakaraan na nangyari sa kanyang pamilya sa Pangasinan.
Labinlimang taon siya noon noong namulat siya sa katotohanan. “Miguel anak, kunin mo nga ‘yong timba sa labas ipag-igib mo ako ng tubig panghugas ko dito sa mga pinggan” sigaw ng nanay ni Miguel na si Aling Nita. Andiyan na po ‘nay, tapusin ko lang ‘tong kantang ‘to.”
Pagkatapos iligpit ni Miguel lahat ng kanyang gamit ay kinuha na niya ang timba sa labas at nag-igib ng tubig sa balon malapit sa likod ng kanilang kusina. “Salamat ‘nak. O, pakinggan ko nga ‘yang ginawa mong kanta, inspirado ka ata ah?” Pangiting sinabi ni Aling Nita sa kanyang anak.
“Hindi naman po ‘nay. Naisipan ko lang po gumawa ng kanta ngayon. ‘Isa lang akong inocente, na ipinagbuntis mo’t itinakwil. Pero ‘di malaman ang dahilan, itinapon mo ako kung kahit saan. Binuhay ako ng ibang tao, sa awa ng Diyos, naging maganda ang buhay ko…’ Iyan ‘nay. Okey ba?” Malinis ang boses ni Miguel, may talento siyang gumawa ng kanta at pati na rin sa pagkanta kaya siya parati nanalo sa kanilang eskwelahan tuwing may patimpalak.
“Bakit mo naman naisipan ‘yan anak? Eh puwede namang gumawa ka ng kanta sa pag-ibig ah. Sabi mo may nililigawan ka, wala ka bang kanta para sa kanya?” tanong ni Aling Nita na may tamlay sa kanyang boses. “Eh naisip ko po kasi ‘yong mga sanggol na namamatay, iyong mga pinapatay ng kanilang sariling magulang. Salamat sa Diyos at pinalaki niyo akong may magandang loob. Pero may ginawa rin po akong kanta para sa kanya. Gusto niyo pong pakinggan?” Sagot ni Miguel sa kanyang nanay.
“Bakit hindi anak? Sige kunin mo na ‘yong kandila at doon na tayo sa kwarto total tapos na ako rito.” Maliit lang ang kanilang bahay, kaya kasya lang silang tatlo sa isang kwarto, si Miguel, si Aling Nita at si Mang Pedro. Pero minsan lang natutulog si Mang Pedro sa kanilang bahay dahil naninilbihan siya sa bahay nila G. Martinez ng bainte kwatro oras.
“Eh ‘nay, ‘di ko naman na po siya kailangang haranain eh. ‘Di niya kasi tinanggap panliligaw ko. Sayang nga po eh, mayaman na, mabait pa, matalino pa. Lahat nasa kanya na.”sabi ni Miguel. “Okey lang iyan anak, marami pang babae diyan. Ganyan talaga ang buhay, minsan kasawian ang bumabagyo sa ating buhay. Eh sino ba siya anak?”
“Si Julia po inay, ‘yong anak nila G. Dominic at ni Ma’am Myrna.” Pahiyang sagot ni Miguel sa kanyang nanay. “Anak, siya?? Hindi mo siya pwedeng ibigin anak!” gulat na sinabi ni Aling Nita na medyo naluluha. “Pero bakit ‘nay? Kahit na mayaman sila eh magiging mayaman din naman tayo. Pagkatapos kong mag-aral, pupunta ako ng Maynila, sisikat ako, tapos ihahaon ko kayo ni ‘tay sa kahirapan. Bibili ako ng Jeep para ipasada ni ‘tay tapos magpapatayo tayo ng bahay at doon na tayo titira. Mapapantayan natin ang kanilang pamilya.” Pilit na ipinagtatanggol ni Miguel ang kanyang nararamdaman.
“Hangad ko rin ang ganoong buhay anak. Pero hindi pa rin pwedeng magkatuluyan kayo ni Julia. Kung malalaman ‘yon ng tatay niya, tiyak na kukunin ka niya sa Canada at gagawin kang alipin doon. Anak, marami ka pang hindi nalalaman..” ‘Di na mapigilan ang pag-agos ng luha ni Aling Nita.
Sa pagtaka ni Miguel kung ano ang kanyang ‘di nalalaman, pilit niyang tinanong ang kanyang nanay. Ipinagpipilit pa rin niya na pwede silang magkatuluyan ni Julia kahit ano man ang mangyari. Hindi niya malaman ang tunay na dahilan kung bakit hanggang ngayon ay ‘di pa rin niya nalalaman ang katotohanan.
Biglang tumahimik ang dalawa. Ang tanging naririnig lamang ay ang paghikbi ni Aling Nita. Tatlong minuto na nanatili ang katahimikan. Dumungaw si Aling Nita sa bintana, tinitingnan niya ang malaking bahay nila Julia na puno ng ilaw sa paligid.
“Hindi lang ikaw ang anak namin ni Pedro.” Nagulat si Miguel sa kanyang narinig. “Tatlo kayong magkakapatid. Ikaw ang panganay. Noong ipinanganak kita, ipinunta ka ng iyong tatay sa bahay ng kanyang magulang doon sa Tarlac dahil natatakot kaming kunin ka nila G. Dominic sa’min. Sa totoo lang limang taon ng nagsasama sila G. Dominic at si ma’am Myrna pero ni isa eh ‘di sila nabiyayahan ng anak. Nang ipinanganak ko si Michaela, inagaw nila siya sa amin. Wala kaming magawa ng tatay mo kasi kung ‘di namin siya ibigay eh mawawalan kami ng trabaho.”
“Akala ko mabait sila, dahil mabait si Julia. “yon pala parang kalabaw ang pagtrato nila sa ating pamilya. Eh si Julia po?”
“Nang lumaki si Michaela sa piling nila, naging iyakin at sakitin siya. Hindi pa siya umabot ng isang taon ay ibinalik na siya sa’min. Tinanggal kami sa trabaho. Ang tanging pambuhay lang namin sa kanya ay ang pagtitinda ng saging. Kung sinuswerte ay ipinagbibili namin siya ng gamot. May sakit siya sa puso. At noong isang gabi ay talagang walang-wala na kami ni Pedro at nagkataong nagkalagnat si Michaela, napaka-init niya. Tumakbo si Pedro kanila G. Dominic pero para siyang asong itinakwil ng kanyang amo. Wala kaming nagawa kundi maghintay na lang sa kanyang pagpanaw. Kinaumagahan, sa akala naming mahimbing ang tulog niya ay nalagutan na pala siya ng hininga. Pagkatapos ng isang lingo, inilibing na namin siya.” Iniabotan ni Miguel ng panyo ang kanyang nanay dahil patuloy ang kanyang pagluha.
“Eh si Julia po? “Yong pangatlo ko pong kapatid, sino?” pilit na tanong ni Miguel sa kanyang nanay.
“Nagulat kami lahat noon, nabuntis ulit ako ng pangatlong beses. Nakasabay kong mabuntis si Ma’am Myrna noon pero nauna siyang nanganak. Sa masamang palad, namatay ang sanggol noong ipinanganak ni Myrna.”
“Si Julia…….” ‘di na nakayanan ang matinding paghihinagpis ni Aling Nita, patuloy ang kanyang pag-iyak hanggang sa nakakuha na siya ng sapat na lakas na loob para sabihin ang lahat sa anak. “Si Julia ay ang bunsong kapatid mo Miguel.”
“Ano???? Paano po nangyari ‘yon??” Takang tanong ni Miguel.
“Sa wakas, naipanganak ko na si Julia. Pero binalaan kami nila ma’am Myrna na kapag ‘di namin ibigay si Julia sa kanila ay susunugin nila ang ating bahay.” “Pero bakit po nila susunugin eh bahay naman natin ‘to ‘nay.”
“Dahil lupa nila ito anak.” Patuloy na isinagot ni Aling Nita sa kanyang anak. ‘Di na rin napigilan ni Miguel ang kanyang nararamdaman at ibinuhos na ang kanyang luha.
Kinaumagahan, dumating si Pedro sa kanilang bahay. “Oh ano nangyari sa inyo? Parang kinagat ng ipis ang mga mata niyo ah.” Pabirong sinabi Mang Pedro sa mag-ina. “Eh kayo ‘tay, parang nanalo kayo sa lotto ah.”
“Bakit parang matamlay ka ata anak?” tanong ni Pedro kay Miguel. “Eh paano kasi, binata na, gusto raw niyang ligawan si Julia. Eh mapilit eh, kaya nasabi ko na magkapatid sila.” Sinabi ni Aling Nita kay Mang Pedro. “Okey lang ‘yan anak. Buti ngayon alam mo na ang totoo. Marami pa namang babae diyan. Hala, kunin mo na ‘yong malaking bag sa kwarto at mag-empake ka na.”
“Bakit ‘tay? Saan ako pupunta? Mag-isa lang ba ako?”
“Oo anak, Pupunta ka raw sa Canada. Sasamahan mo raw saglit sila G. Dominic at si Julia.”
“Talaga po ‘tay?” Masiglang tanong ni Miguel kay Pedro. “Pero paano na po kayo ni ‘nay? At paano po kung baka anong gawin nila sa’kin?” biglang tumamlay ang boses ni Miguel. “Kasama mo parati ang Diyos anak. Binata ka na rin kaya kung alam mong mali ang ginagawa nila sa’yo, ipagtanggol mo ang iyong sarili. Saka malay mo madiskubre ka ‘dun.” Nakangiting sagot ni Pedro sa anak. Napakanta si Miguel, “Que Sera Sera. Whatever, will be, will be. The future’s for me to see. Que Sera Sera.. Kahit ano mangyari ‘tay.”
“Mag-ingat ka anak, mapag-balat kayo sila. Kung akala mong mabait sila dahil sa tono ng boses, mali ka sa inaakla mo. Malamig daw doon kaya kailangan mo ng makapal na kumot at sambra para ‘di ka manlamig. Huwag mong kalimutan magsulat sa’min ha?” nakangiting sinabihan ni Pedro ang anak.
Pagsapit ng alas siyete ng gabi, natapos ng magbihis si Miguel. Nagpa-alam na siya sa kanyang nanay at sinabihang mag-ingat. Nagsimula ng maglakad si Mang Pedro at si Miguel papunta sa bahay nila G. Martinez. Sa bawat paggalaw ng oras, ‘di na mapigilang manlamig ni Miguel. Dala na siguro ng kanyang kaba at takot o kagustuhang makarating na sa Canada. “Anak, nanlalamig ka na ata, nasa Pilipinas ka pa lang. haha”
Sa kanilang paglakad, napansin ni Mang Pedro ang matamlay na buwan at walang ningning na mga bituin. Mahangin ang paligid at madilim. “Anak.” ” Bakit ‘tay?” “Ilang oras na lang makakarating ka na sa abroad ah. Ngumiti ka nga diyan.” Pabirong hinamon ni Pedro ang anak na ngumiti. Ngumiti lang ng bahagya si Miguel, halata ang kanyang kaba sa dibdib. Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa bahay ng mga Martinez.
“Kuya Miguel!” Ito na ang nakasanayang pagtawag ni Julia sa kanya. Hinila niya ito at ipinakita ang loob ng kanilang bahay. Naiwan na lamang sa labas si mang Pedro. Paglingon ni Miguel ay nakita niyang kausap ni G. Dominic at isa pa niyang kasama. Nang pinapanuod ni Miguel ang mga letrato ay bigla siyang nakarinig ng putok ng baril.
“Julia, narinig mo ‘yon?” tanong ni Miguel na may takot. “Ah siguro may nakita na namang pusa ‘yong gwardiya kaya binaril na naman ito. Hindi na nga nakakagulat eh. Pero nakaka-awa rin.” Sagot ni Julia. “Ahm, may sinabi na ba sa’yo ang mga magulang mo?”
“Sabihing alin kuya?”
“Na “
“Julia, Miguel, tinatawag na kayo sa labas!” sigaw ng isang katulong.
Pagsakay nila sa van, lumingon si Miguel para hanapin ang kanyang tatay pero wala siyang nakita ni anino man lang niya.
Tatlong oras ang byinahe nila hanggang makarating sila sa Manila. “Ganito pala rito, sobra ang dami ng sasakyan kaya palaging trapik. Malalaking gusale.” Ibinulong ni Miguel sa kanyang sarili. Pagdating nila sa airport ay namangha siya sa laki ng mga eroplano.
Pagsakay nila sa eroplano ay mas namangha na naman si Miguel sa ganda ng loob nito. Magkatabi si G. Martinez at iyong kasama niyang lalaki, sa likod nila ay si Julia at Miguel. Dahil sa unang beses pa lang niyang sumakay sa eroplano ay natural lang na sumuka siya pero gumanda ang pakiramdam niya noong pina-inom siya ni Julia ng bonamin.
Nang nakarating na sila sa Canada ay parang nagbago na ang kanyang buhay. Totoo ang hinala niya na gagawin lang siyang alipin. Kung ‘di man niya nagawa ang ipinag-uutos sa kanya ay sinasaktan siya.
Isang araw noong pinaglinis siya ng sasakyan ay nakita niya ang isang brown envelope. Binuksan niya ito at tumambad ang mga letrato ng kanyang mga magulang na nakahandusay. Tumakbo siya sa harapan ni G. Martinez at ipinakita niya ang mga letrato. ‘Oh, nakita mo na? Wala na ang mga magulang mo. Bago man tayo umalis ng Pangasinan, pinatay na sila. Kaya ngayon, wala ka ng magulang. Ako na ang iyong tatay at lahat ng sasabihin ko susundin mo, kung hindi bubugbugin kita.”
“Bakit hindi mo sinabi sa’kin? Kung alam ko lang sana, eh ‘di na ako sumama sa inyo.”
Tumakbong luhaan at may napakasakit na damdamin si Miguel. Hindi niya inaasahang mangyayari iyon sa kanya. Isang araw ay kinausap niya si Julia at sinabi ang katotohanan sa kanya at doon bumuhos ang luha ng dalawa dahil alam nila na ulila na sila sa magulang. Sa tulong ni Mac, kaibigan ni Miguel sa Canada, isa ring Pilipino, ay naka-uwi silang tatlo sa Pilipinas at doon isinumbong nila ang mga kasakimang ginawa ni G. Martinez. Makalipas ang isang lingo ay pinapauwi na si G. Dominic Martinez sa Pilipinas at ikinulong siya. Hinatulan siya ng pagkakulong habang buhay.
Si Mac at si Miguel ay nagtrabaho sa isang bar. At dahil minsan ay kumakanta si Miguel sa bar, nadiskubre siya hanggang sa nakuha siyang singer sa ABS-CBN. Si Julia naman ay kinuha ni Miguel bilang taga-drama. At sa huli ay nakapagpatayo sila ng kanilang sariling bahay. At nabuhay sila ng payapa sa likod ng mga pangyayari sa buhay nila.
-ANG PAGTATAPOS-
Nail cleaning and nail art done :)
Kasi mamayang gabi pa raw byahe. Kaya ayon, nag-bike muna
Ang napatayo ni Kim na ten peso coin! Clap clap! @Marosan's Restaurant
Yey I'm really home! May cable. May TV. May wifi. So may internet. Higit sa lahat may totoong pagkain! :D Sulitin ang 2 weeks!
Nakigtot nak! Inlibre nak ni mamang jay red ribbon :D
Lucero x Parker Woods
Dagdagan niyo nga collection ko ng signature perfume at cologne. :) please? :)
Nasira ung eyeglasses ko habang naga-ayos ako ng gamit. Nasira ung frame :((
Kasi nga uwian na bukas! Kaya empake mode na kami dito sa kwarto. Naka black pa kami :))
Reviewing while eating. Waiting for 10:30 for our exam. #finals #college #friends #review #together #pass #together
Nalulungkot ako, last day of classes na. Kaya di na ako nag review for the exam. :) Last day syndrome. :((
Puo? Pou? Patty? PATTY!! May ganitong game ba sa app store? O android lang. #level 45 #game