sya yung una kong nakasundo na lalaki sa major namin and at the same time sa first time ever klong pagka-college.
sya yung tipo ng lalaki na kahit anong kaasiman man ng ugali ko ay di ako iniwan or di ako inalipusta. Instead, he accepted me for who I am :">
Lagi syang nanjan everytime kelangan ko ng kausap about life, problem sa school, problem sa pagmo-move on at maski na small problme lang ee lagi syang nanjan. Kumbaga sabi nya "I'm a one text away". And ya, he is just one text away, and booom! Anjan na sha :">
Kahit lalaki sya, malinis sya sa mga gamit at maski na sa paligid ng tinatambayan nya. Mas malinis pa nga yung bag nya kesa sa bag ko kaya naman, inaayos nya yung bag ko everyday :D
Sya yung pangalawang lalaking sinuklayan ang buhok ko. Kasi una si papa dun, tapos sya agad. Trip nyang suklayin yung buhok ko lalo na't pag magulo ito. Hindi kasi ako ganun ka sobrang arte na for every 5mins. susuklayin ko yung buhok ko. Censyaa na haa :( Pero sya lang tlaga yung tanggap ako kahit walang make-up, magulo ang buhok, mabaho ang hininga. HAHAHA! Lahat na ng panget, nakita na nya sakin. But he never leaves :">
Sya yung lalaking kahit nung bestfriends palang kami ay gagawin nya ang lahat sumaya lang ako. Kahit na nagkanda ugaga na sya sa pagpapasaya sakin, keribells lang daw. Kasi nga "bahala na dawng sya yung mahirapan kesa naman daw ako." chosero lang no? :">
Sya yung lalaking alam kung kelan ako pinagpapawisan. hahaha! Kahit na magkasama kami o hindi. Gaya nung Thursday, midterm exams namin at sya walang schedule na nakataya sa Thursday kaya di sya pumasok, nagtetext2' lang nga kami, alam na nya agad na pinagpapawisan na ako ng mga oras na yun.. mga 3pm na ata yun. Nakadepende daw kasi yung pawis ko sa oras at klima. Alam nya oh :">
Iniintindi nya ako, mas naiintindihan pa nga nya ako kesa sa parents ko.
Lagi nya akong pinagsasabihang huwag magtanim ng galit sa parents ko at lagi ko dawng mahalin yung kapatid ko. Okay boss :))
Sya rin yung kauna-unahang lalaking nakilala kong naniniwala sa "DESTINY". Weird ano? Pero oo. Gaya nalan nung DESTINY daw kami kasi pangalan ng ate nya ay "JANETH" samantalang yung sakin daw ee "JENETH". At yung "AJ" yung initials ng ate nya at "AJ" din yung initials ng little sister ko. ankyooot lang nyang kiligin, labas lahat ng ngipin XD ♥
Sya ang Superman II ko, kasi si papa yung Superman ko tlaga. Pero grabee sya, kaya nyang gawin lahat. Bilib na ako sa kanya :">
Yes guise, sya yung lalaki behind me, na naka sideview. Shwangot ata, takot sa camera XD ♥ He's the guy who changed my view about LOVE. I thought I'd never see love on my path, but yea he came. We maybe not yet official.. But TIME WILL COME, WE'RE NOT IN A HURRY NAMAN EE ♥