PUTANGINA!!!
PUTANGINA!!!
“Ang sama mo.”
“Grabe yung bunganga mo.”
“Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?”
“Inggit ka lang.”
“Ang bastos mo.”
“Putangina mo rin.”
Ang dami niyo namang nasabi? Yung iba, kulang pa yung 140 characters para sabihin na napakawalangya ko.
Ano bang ginawa ko, guys? Tanong ko yan. Hindi ko kase talaga alam.
Hahahahahahahahaha. Siyempre, alam ko talaga. Tanga ba ako? Hahahahahaha.
Tanga nga siguro ako. Kase ano? Minura ko yung batang babae na sinasabi kong mahal ko at inalagaan ko. Ang tanga-tanga ko.
Putangina!
Expression namin yan ng Pangulong Duterte.
Pasensya ka na kung nasaktan ka ha? Sobra kase yung emotions ko dun sa tweet na ‘yon. Hindi ko talaga ma-contain.
Hindi naman ako masama eh. Never ko kayong pinakitaan ng masama. Lalo ka na! Ginastusan pa nga kita eh. Hindi yan sumbat, stating a fact lang. Bakit naman kita susumbatan ng mga ginastos ko sayo kung totoo namang napasaya mo ako? Hindi. Deserve mo lahat ng pera ko. Derserve na deserve mo lahat ng effort ko. Kase ano eh. Hehe. Mahal kita eh.
Pero, bakit nagbago ka?
Ah. Kase, malaki ka na. You have to grow. Okay sige. Fine.
Hindi pa rin ako magso-sorry ha? Sabi ko nga, if given the chance uulitin ko yun. Gagamitin ko pa din yung salitang putangina kasunod ng pangalan mo. Ganun kase ako na-eexcite sayo. Iba yung dating mo eh.
Alam mo ba? Sanay na ako sa mga twitter accounts na hindi ako familiar na nasa notifications ko na mumurahin at lalaitin ako.
Oo. Ano ka ba? Gusto mong paalala ko sayo?
Ayun yung nag-start akong maging fan mo. Gulat ka no?
Well, syempre nga naman, magugulat ka. Hindi mo nga alam lahat ng ginawa ko since day 1 eh.
Inaway ko dati yung ibang KathNiel fan na umaaway sainyo ni Elmo. Kase, matindi yung labanan niyo nun. Neck to neck, kumbaga. Syempre, hindi sila papayag na malalamangan sila. Kaya ayun, binabash ka. Ang haba daw ng baba mo. Ang pangit mo raw. Ayun ako, nakipag-away.
In all fairness, natuwa sakin yung mga dati mo ng perfect fans. Kase, pinagtanggol kita. Love kita eh. Of course naman.
Naalala mo pa ba nung mga panahon na may DenLies? Nakipag-away na naman ako non. Palaaway ako no? Basagulera sa salitang kanto. Sasabihin ninyo: bagay talaga sakanya yung salitang putangina.
Nagpakababa ako nun. Wag lang ikaw ang awayin nila. Mahal na mahal kase kita. Mahal na mahal ko kayo ni Elmo nung time na yun. Baby Girl pa nga tawag ko sayo.
Dati na akong pranka. Kaya, siguro ganito. Kase, hindi ka naman perfect eh. Tao ka lang. Tulad ng pagiging tao nina Jolina, Liezel at Alessandra. Tulad ko.
Sa sampung tweet ko, may isa o dalawa dun medyo pupunahin kita. Minsan, tungkol sa suot mo. O di kaya, sa way ng pagkanta mo.
Alam ko naman eh. Bawal kang sabihan ng ganon. Ayaw ng perfect fans mo.
Eh, kaso, ganon talaga ako. Putangina ko no?
Alam mo bang binabash ako ngayon?
Baboy daw ako. Balyena. Hindi ko daw kayang mag-swimsuit. Bobo pa nga daw ako. Ang kapal daw ng mukha ko. Yung iba gusto pa ako saktan ng pisikal.
Alam ko na naman yun. Matagal na. Kaya balewala lang eh. Di ako nasaktan.
Okay pala yung alam mo yung mga kapintasan mo no? At tanggap mo yung sarili mo. Kase, lahit anong sabihin ng ibang tao, strong ka pa din. Kasing strong mo ako nung nadulas ka sa stage ng Party Pilipinas.
Alam mo ba? Nagka-bashers ka ulit non. Aba of course, akong si basagulera, lumaban na naman mapagtanggol ka lang.
Teka, teka.
Hindi ako katulad ng fans mo ngayon kung makipagsagutan sa bashers mo.
Alam mo ba yung way ko? Pagsasabihan ko sila then, i-eexplain ko. Ipapaintindinko sakanila lahat.
Yung iba, matigas. Galit pa rin sayo. Yung iba, agun, nagso-sorry naman sila. Hindi naman daw nila mean yon.
Ay. Ako pala mean ko yun.
Hindi kase talaga ako sanay sa too much skin ang pinapakita.
Bakit kapag masama kinakalabasan ng anak sa mga magulang yung sisi?
Wag ganon. Hindi alam ng magulang ko 'to. Seryoso. Yung ganito ako kafaney? Di alam ni Mama 'to.
Guys, choice ko 'to. Yung magmura sa sarili ko natutuhan yun. Hindi sakanila. Dito pa nga sa fandom na 'to naging malawak yung vocabulary ko ng mura eh. Ayos ba? Hahahaha.
Haay.
Guys, ako yung dating laging nasa concerts/shows niya. Isang beses sa fangirl life niyo, nakinabang kayo sakin.
Sa tweets ko - about her shows or kung anong ginagawa niya. Sa mga uploaded videos ko. Sa pictures.
Wala akong masamang hinangad sa kahit na sino sainyo. Wala. Lalong-lalo na sa babaeng sinasamba niyo. Sobrang wala.
To my haters,
I’m not much of affected sa tweets niyo. Kaya nga keep them coming eh. Okay lang. Go lang. Tirada lang ng tirada.
To the people who personally knew me but judged me anyway,
Friendship Over na lang beshie. Ayos lang yan. Better luck next time na lang sa nasira nating pagkakaibigan.
Sa mga nagtatanggol sakin,
Salamat ha? Hindi ko yun inexpect. Salamat, galing sa puso yan. Pero, hayaan niyo na yun. Akona lang kesa kayo.
To Julie,
I didn’t know this is where it’ll end. Nagulat din ako. Pero, nasaktan din ako. Hindi mo ako minura. Pero, dahil sayo, pinagmumura nila ako. At, ng dahil sayo, sobrang daming taong ang bumastos sakin. Okay na ba? Nakaganti ka na ba? Aba sana masaya ka. Sana mas maramdaman mo yung kasiyahan diyan sa puso mo.
Ito na 'to. Ito na yung huling beses na ma-a-associate ako sa idol niyo. Naging plano ko na rin naman 'to after nung 7th Anniversary ng JuliElmo. Hindi ko lang din alam na agad-agad pala. They day after eh. Hahahahahahahaha.
Pero, JuliElmo pa rin forever. Maghihintay pa rin ako sakanilang dalawa.
Now, it’s time to say goodbye.
Putangina Mo, Meng











