have you ever been into a state na tinanggap mo nang magiging single ka na for the rest of your life? ung after mong masaktan nang sobra, feeling mo hindi ka na ulit magkaka-love life?
2014. eto ung pinaka-heartbreaking year ko for my love life. i was 21--naive and young. i fell in love with someone na akala ko genuine ung feelings for me. na-obsess ako sa kanya...
totoo pala ung pag binigay mo ung lahat para sa isang tao, mauubos ka. and that was what happened to me.
natandaan ko pa ung prayer ko one night nong sobrang depressed ako. sabi ko kay Lord, ayokong maging broken forever. and i know that there was still someone out there for me. naging consistent ung prayer ko na un. i prayed for that someone's life... as in naging specific ako kay Lord na kung sakaling bibigyan pa Niya ulit ako ng chance na ma-in love, gusto ko ung taong kabaligtaran ng ex ko.
May 2015 came. i'm still trying to move on from my ex. in fairness, kaya ko naman pala maging strong noon kahit ang hirap. i tried to bring back my old self. ung cheerful and bubbly me. kahit ang hirap, i pretended that i was fine.
so... one afternoon, pauwi na kami non ng officemates ko, may nakasalubong akong isang matangkad na lalaki. nagkatinginan kami and dahil feeling ko new employee siya, so out of courtesy, i smiled. but deep inside, he looked familiar. di ko lang matandaan saan ko siya unang nakita.
days passed. nakikita ko na palagi si guy sa office. confirmed. new employee nga siya. i became curious sa kanya kasi he looked mysterious.
matangkad. intimidating. tahimik... very manly. haha
so i made a plan para malaman ko ung name niya. ayoko din kasing magtanong sa mga friends ko kasi baka isipin pa nila crush ko si new guy.
since bagong gawa ulit fb ko non, i added all my officemates. and what shocked me the most is the day after, nakita kong may new friend request ako! it was the new guy!
un pala ung name niya. pero ang mas shocking, nagchat siya saken. "hi. thanks sa pag-accept."
natawa ako kasi may nagte-thank you pa ba sa ganon? hahaha
days passed. nagkakausap kami ni alvin. in short, naging friends kami... we shared songs through bluetooth pa non. nasa baba lang kasi ng department namin ung room ng department nila. we talked every night through phone calls. we hang out every day... basta nagkaron ako ng friend through those hard times.
until one day, alvin surprised me with 3 blue roses. wow. favorite flower ko pa. kinilig ako, aaminin ko. he confessed. gabi noon sa office. sa may couch sa labas ng department namin. pero ang problema, di pa ko totally healed at nakaka-move on noon. so sabi ko sa kanya, hanggang friends lang kami.
naging consistent naman si alvin bilang friend ko. kaso ang problema, parang ang unfair. gusto ko ng space. and then boom. one time, di ko na lang siya pinansin.
may communication pa din kasi kami ng ex ko noon. oh di ba ang tanga? ang rupok?
pero there something inside me na alam kong di na worth it si ex. and naiisip ko din si alvin. sobrang nanghinayang ako sa friendship namin. sa kanya mismo.
he's nice. sobrang gentleman. matalino. genuine na tao.
so i prayed. natuto na kasi ako. i didn't want to rush things anymore. kasi baka mawala na naman bigla. sabi ko kay Lord, give me a sign please.
si Lord kung magbigay ng sign, kung hindi shocking... sa mas nakakatawang paraan.
busy ang buong office sa darating na book fair. fyi. sa publishing ako nagwo-work non. we published Filipino romance novels... anyways, break time non. after more than a month na di ko kinausap si alvin, nakasalubong ko siya sa labas ng office.
at ang bango niya! amoy-pogi! swear.
ang babaw man, pero doon ako nagkaron ng realization. i miss him. and don ko lang na-realize na he's not just a friend anymore. pero alam mo ung feeling na ayaw mo siyang i-take for granted?
nalungkot ako bigla. hindi ko alam kung nagpapakipot lang ako o sadyang traumatic lang talaga ung naexperience ko kay ex kaya iniwasan ko si alvin.
pero wala nang atrasan to. chinat ko si alvin. simpleng hi lang pero parang mas naging meaningful ung days na hindi kami nagpansinan.
we became close as ever. naging vocal na din siya sa feelings niya for me. syempre, pakipot pa din ako. go with the flow na lang kumbaga.
magbi-birthday si alvin. wala akong gift. #broke ang peg ko non. i tried to write him a letter na lang sana... kaso nahuli niya ko. pero itinuloy ko pa rin... wala nga kasi akong pambiling gift!
tapos ayun, and the rest is history na.
we're almost 7 years together na. may bahay na din kaming naipundar. we're building our future little by little. slowly but surely...
sobrang specific din ni Lord sa pag-answer niya sa prayer ko. alvin is indeed the opposite of my ex-boyfriend. he is waaaay better pa nga, eh. šāŗļø