praying it will find its way to you

❣ Chile in a Photography ❣
Claire Keane

blake kathryn
trying on a metaphor

izzy's playlists!
Cosmic Funnies
EXPECTATIONS
"I'm Dorothy Gale from Kansas"

tannertan36

Origami Around
d e v o n

No title available
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
NASA
official daine visual archive
untitled
he wasn't even looking at me and he found me
Mike Driver

Janaina Medeiros
cherry valley forever
seen from Moldova
seen from United Kingdom

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from Senegal
seen from United States

seen from Germany
@concealedcastleintheclouds
praying it will find its way to you
whether we like it or not, we knew it was coming or we never knew at all, for the better or worse
To escape or to just let it?
Iiwas? Pipigilan? Lalayo? Hahayaan? Aaminin? Bahala na? Ewan ko? Ano ba ang dapat?
Monday throwback sent!
Naalala ko lang dahil nag Pahiyas Run 2014 ako kahapon, it’s exactly 1 year ago noong una ko ata medyo major magkatampo/magkainis sa’yo dahil sa napakababaw na bagay kung tanda mo pa May 12, Sunday pumatak ang Mother’s Day na at the same time tumakbo ako sa 1st Pahiyas Run na sa hindi ko naman talaga inaasahan nagkamedal pa ako kahit sa 5K lang ako kc nga na-7th placer pa pala ako at dahil sa saya ko nun syempre nagpost ako ng picture while wearing my medal then biglang may katext kasi ako noon at alam mo na siguro ang kasunod na nangyare. Tapos di ba nga umabot pa sa pagdedelete ko nung post sa fb lang kc wala ka pa naman noong insta pero ito lang talaga ang ginawa ko noon...
HAHAHAHA. Sorry na, wala lang, dapat mo lang "sigurong" malaman. >:DD<
Unlocked Pre-birthday Thoughts.
PRE-BIRTHDAY THOUGHTS.
Ano petsa na? May 2 na pala at bukas alam na, birthday ko na pala at tatanda na naman ako. Ito lang masasabi ko, “Ayokong tumanda (4x) Kung hindi ka kasama.." makakanta pala. Haha. Oo, pagnaiisip ko kung ilang taon na ako bukas, langya! Ganun ba talaga kabilis ang panahon? Parang kailan lang excited ako mag-highschool tapos ayaw ko naman grumaduate ng hs pero di kalaunan excited naman magcollege tapos atat na atat magdebut at ngayon, like pwede patigil muna ng pagdagdag ng eded? Tapos na pala ang 7 teen years ko na sabi nila the best stage na masasabi ko naman kahit papano naenjoy ko kahit may kulang at pinagsisisihan. Akala mo naman ganun nako katanda sa pag-iisip nito pero ganun nga yata, parang ang laki na nang magbabago, mas lumalapit ka na dun sa sinasabi nilang tunay na buhay, more responsibilities to handle, decisions to make & risks to take. Wala tayo magagawa kundi accept the reality & thatwe can’t escape it. Sabagay, wala naman kasi yun sa eded, age is just a number di ba nga?Hindi naman sa eded nasusukat kung sino ka at kung paano ka magiging, nasa sa kung paano mo haharapin ang bawat araw na dadaan. Sa pagsapit ng bukas, wala naman akong inaasahan at hinihiling, pero oo, meron, madami akong gusto pero siguro sa ngayon ang mahanap ko na lang muna ang “HAPPY” sa Happy Birthday.
And I will always live with this quote, "Fuck age, live dreams and have fun."
UNLOCKED PRE-BIRTHDAY THOUGHTS.
TOO MUCH <///3
ASDFGHJKL
TANGNA! DI KO NAKINAKAYA! KAILANGAN KO NA MAGLABAS! ANG TAGAL KO NA TO GUSTO GAWINPERO DI KO MAGAWA. LANGYA NAMANKASI TAMAD KA PA DIN! PROMISE SA MGA SUSUNOD NA ARAW ILALABAs KO NA! SA NGAYON ITO NA LANG MUNA.
Nagpapamiss ka na naman. </3
Wala lang, ayan na nga ba.. nasanay na ako kaya pag wala kang paramdam I'm turning into my psycho part? Halalala! OA na ba? Tsk. Basta, miss na nga kita eh lalo pa tuloy kitang namimiss. Paramdam na puhlease! Pero wag ka't almost a day pa lang naman the last time nakachat sya. Huehue. Hay buhay..
Ano ang pakiramdam nang inlove?
Ano pakiramdam nang... Pagtingin mo sa cellphone paggising mo sa umaga, may nagtext sayo nang “Goodmorning babe! I love you.”? May magpapaalala sayong kumain ng almusal, tanghalian, o hapunan tapos sasabihing.. “Oy. Kumain ka na. Ayokong namamayat ka.”? May magagalit kapag di ka kumain? May bigla magtetext sa’yo ng “Miss na kita babe.” kahit kakakita niyo palang kahapon? May trying hard na lalaki na pipiliting kantahan ka kahit na di naman kagandahan ang boses? May maghahug at magkikiss sa’yo pag nagkita kayo at sasabihin na mahal na mahal ka niya? May mag papaalala sa’yo araw araw kung gano kang kaganda para sakanya at hinding hindi ka ipagpapalit? May aasarin ka kapag nagseselos siya? Lagi kang nagpapaload para makatext sya at matawagan? May isang araw sa isang buwan na pinakahihintay niyong dalawa? May susundo sayo? May magpapakilala sa’yo sa ibang tao bilang “girlfriend” at hindi “syota” lang? May pipilit sayong uminom ng gamot kapag may sakit ka? May laging mang-aasar sa’yo? May mahuhuli kang nakatingin sa’yo? May mag-aayos ng buhok mo. May lalaking ipapanalo ang isang laro ng basketball at sasabihing para sa’yo yun? May magpupuyat makausap ka lang? May makakakuwentuhan ka at hindi kayo mauubusan ng mapag-uusapan? May masasabihan ka ng problema bukod sa mga kaibigan mo? Hindi ka makakalimutang sabihan ng iloveyou bago matulog kahit isang simpleng “ge. i love you.” man yan, sweet parin. (: May tatawagin kang Boss, Beb, Bah, Babe, Love, Mahal o kung ano mang tawagan niyo? Magkasabay kayong mag-iimagine ng future niyo…together. Bigla bigla ka na lang mapapangiti kapag may naaalala ka tungkol sa sweetness niyo, lokohan niyo o yung mga usapan niyo? May magpapacute sa’yo at sasabihing “kiss ko??”? May makikipagholding hands sayo kapag nasa public kayo? May taong kakantahan ka para lang makatulog ka? …at higit sa lahat… Alam mong may isang tao na matutulog at gigising na mahal na mahal ka at mahal mo rin. :”“> Ang saya siguro noh? Sila yung mga taong laging nakangiti at inspirado. Kahit na mag-away man sila, alam mong masyado nilang mahal ang isa’t isa para maghiwalay. They just love each other too much. Sweeet bro! Wahahahaha. (: Sila yung couple na masaya tignan, tapos yung mga single naman maiinggit. Pero siyempre hindi bitter, nag-iimagine sila na kasama nila yung magiging boyfriend nila tapos ganun din sila kasweet. At di mo mamamalayan na nakangiti ka na pala. Ano nga ba talaga pakiramdam?
Disclaimer: Copy-Paste from facebook. =))
Paano kaya kung..?
This day is not mine.
Yes, will just let it.. ❤
The perect song?
Hidden thoughts of the other post.
Yun feeling na biglang ganito yun tumugtog.. "We're getting to know each other a little too well.." ♪♪♪
Wala na, napangiti na lang ako. ^_^ Ha? Bakit? Ewan? Hahaha. At hindi na natanggal yun ngiting yun the whole song. Teka! At paulit-ulit nako na ito ang pinapatugtog at nakangiti pa din ako. Ay bakit nga ba? Hmm..
Siguro, marahil wala lang, nafeel ko lang yun kanta. Hihi. Kasi naman "para" ganito yun status namin ngayon? Hindi ko alam kung ganun din sa kanya pero para sakin somewhat like this na. The lyrics of the song almost says it all, for me. Sa title (We're Getting To Know Each Other) pa lang, ayun na e! Sapul na kumbaga. Kaya tanong ko, ganito na nga ba talaga? Ewan ko? Basta ang alam ko ngayon okay naman ako, kami sa ganito. Dapat nga lang siguro talaga walang minamadali at walang dapat pilitin, kung ano talaga ay di yun. Will just take it step by step and will just go with the flow. Kung ano man ang kahinatnan ay di yun. Basta masaya ako ngayon! Hahahaha :D
Here's the whole lyrics of the song: We're Getting to Know Each Other
Weird feelings. @@
Bakit ang bigat sa pakiramdam? Ano to? Ang sakit bigla na ewan? <///3
Why so unsure?
Ang dami ko talagang pag-aalangan ay samantalang sakin nanggagaling na kung magugustuhan/mamahalin mo ang kahit sino walang pero pero, kaya lang, paano kung, at kung anu-ano pang dahilan basta kung siya yun na yun - period! Ay bakit ngayon ako ang ganito? Actually lagi naman ata akong ganito, ang daming tanong - paano kung ganito? paano kung ganyan?, dahilan - kaya lang ganito/ganyan, lagi na lang walang kapupuntahan kasi andyan nga ang sandamukal na pag-aalinlangan. Ewan? Ano ba? Di ba hindi naman kailangan ng assurance kasi kung ano man ang kahinatnan, kung saan man dalhin, kung ano man ang dumating ay di yun. Kumbaga what's meant to be is meant to be, if not then it's not. Tama bang push lang ng push & go lang ng go? Wag nang isipin kung ano pa ang mangyayare bukas o sa mga darating pang araw basta ang mahalaga yun meron kayo ngayon? Kung mawala man, just be thankful na naranasan mo/nyo. Kaso nga lang paano kung hindi? Paano din kung oo? Paano ba? Paano???
Should I feel this way? Is this right?
I knew it then, this is one of the reason why I am afraid to.... for...
Yun feeling na kapag inaasar nyo sya sa iba, sa harap nila tuwang-tuwa & pabor na pabor ka pero sa loob-loob mo.. tangene - ako dapat yun inaasar nyo sa kanya! Fckngsht tagos! <///3 Pero paano yun mangyayare? Alam ba niya-nila? Ay yun hindi ko nga maamin kahit sa sarili ko tapos nagkakaganito ako ngayon? Medyo magulo ako! Magulo talaga! Asdfghjkl >.<
Ayaw ko ng may ibang babaeng na"lilink" sa kanya pero ako naman itong nananahimik at patuloy na tinatago at itinatanggi ang tunay kong gustong iparating. Haaay buhay..
Hoy! Paalala ko lang po, iba na ang panahon ngayon at kahit pala noon pa. Hindi magsasalita ang bato para malaman niya ang gusto mo ipaalam sakanya. Kung wala ka gagawin wala kang karapatang maramdaman ang mga ganito, ang magreklamo kung bakit nangyayare ang mga nangyayare & ang mga pwede pa mangyare, at lalo nang hindi mo pwedeng sisihin ang kung sino pa kung bakit ka nasasaktan & masasaktan pa kung magkakataon.
Kkkkk. Itutulog ko na lang 'to. Pero hindi pa pala, kasi kachat ko pa sya. Ayan na! Hahaha. Whatever! ;3
I hate weekends this time. xx
Hidden thoughts of: http://gelprzyao.blogspot.com/2013/03/why-am-i-starting-to-hate-weekends.html
Dati gustong-gusto Friday na agad para weekends na. Ngayon? Sana araw-araw na lang may pasok pero sana wala klase. Hehe. At bakit? Ito talaga yun e, the other side or let me say the real reason..
Eh kasi naman, pag Friday na, Saturday na bukas so wala na pasok at kung wala na pasok hindi ko na siya makikita. <///3