Ang dami ko talagang pag-aalangan ay samantalang sakin nanggagaling na kung magugustuhan/mamahalin mo ang kahit sino walang pero pero, kaya lang, paano kung, at kung anu-ano pang dahilan basta kung siya yun na yun - period! Ay bakit ngayon ako ang ganito? Actually lagi naman ata akong ganito, ang daming tanong - paano kung ganito? paano kung ganyan?, dahilan - kaya lang ganito/ganyan, lagi na lang walang kapupuntahan kasi andyan nga ang sandamukal na pag-aalinlangan. Ewan? Ano ba? Di ba hindi naman kailangan ng assurance kasi kung ano man ang kahinatnan, kung saan man dalhin, kung ano man ang dumating ay di yun. Kumbaga what's meant to be is meant to be, if not then it's not. Tama bang push lang ng push & go lang ng go? Wag nang isipin kung ano pa ang mangyayare bukas o sa mga darating pang araw basta ang mahalaga yun meron kayo ngayon? Kung mawala man, just be thankful na naranasan mo/nyo. Kaso nga lang paano kung hindi? Paano din kung oo? Paano ba? Paano???