Life lately, kwentuhan tayo~
Kamusta ka? Ako, masaya ako. Masaya ako sa kung anong meron ako ngayon.
Been independent/living alone for almost 3yrs na. Yung first 2yrs ko, grabe adjustment. Tapos ewan ko ba, para akong na-stuck na ewan. Gusto ko lang magkulong sa loob ng bahay at maglinis. Tapos lumalabas lang ako para mag grocery at pumasok sa office once a week. Tamad din ako makipag usap at makipag connect sa iba. Grabe.
Alam ko na nun that time na parang di ako okay at pinipilit ko lang maging okay. Alam ko nang dapat may baguhin ako sa routine ko. Kaya naman pagpasok ng 2024, nagdecide ako na i-prioritize yung health ko - physical and mental.
Una, inayos ko yung oras ng tulog ko. Maaga ako natutulog dahil maaga din ako magigising para makapag exercise.
Pangalawa, in-encourage ko yung sarili ko na lumabas para magpa-araw at mag jogging.
Pangatlo, humanap ako ng spot kung saan ako mag mumuni muni, magbabasa ng libro at magme-meditate.
Pang-apat, inayos ko din yung mga kinakain ko. Less junk foods / processed foods. More gulay at fruits. Sa inumin naman, eh matagal na kong di nainom ng alak so very good ako jan hahaha. More water, ayun.
Nung mga unang buwan, syempre mahirap gawin yang mga yan kasi di ako sanay eh. Pero paunti unti, ayan.. nasasanay na ko. At higit sa lahat, natutunan kong maging mabait sa sarili ko. Natutunan kong mas pahalagahan at alagaan yung sarili ko. Yung tipong di ko kailangan parusahan ung sarili ko - not literally - pag minsan pumapalpak ako. Dahil jan, mas nakilala ko yung sarili ko.


















