Hinuhubog ko ang hangin sa korte ng iyong katawan
At saka ko ito yayakapin.
Sa pagpikit ng aking mga mata,
Naririnig ko ang iyong paghinga
Sa aking kanang tainga.
Niyayapos ko ang iyong buhok
Sinasalat ng aking mga labi ang hangin
Na para bang nakalapat sa iyong mga labi.
Ganito ako sa araw kung managinip.
Hindi ang paghangad sa anomang pantasya
Kundi ang muling madama ang alaala
Sa kung paano mo ako noon niyakap, hinalikan, at inibig...
Muli,
Kahit sa hangin lang.
Mayo 5, 2019


















