PANDEMYA
Balik tanaw, noong noong ika-31 ng Disyembre taong 2019 ikinumpirma ang unang kaso ng coronavirus sa Wuhan, China, ito’y nag bigay takot and alerto sa buong mundo. Nag simula itong lumaganap at madaming naapektuhan lalo sa nasabing bansa, at ng ika-11 ng Marso nag simula idineklara ang lumalaganap na virus tinatawag ngayong COVID-19. Sa panahon natin ngayon, tayo ay nasa ilalim ng isa sa pinakamalaking pandemya na naganap sa kasaysayan ng buong daigdig at ito ay ang impeksiyon ng Coronavirus 2019.
Ang coronavirus ay isang tipo ng mga viruses na nagdudulot ng malubhang lagnat at posibleng malalang pagatake sa ating baga o sa respiratoryo. Bago maisagawa ang mga bakuna, ang pagsuot ng “face mask” at distansya ay nagsisilbing “new normal” para sa paglalaganap ng kooperasyon laban sa pandemya na naging karanasan natin sa kasalukuyan. Ang bawat bakuna ay naglalaman ng tinatawag na Antigen, ito'y isang maliit na sangkap na nagbibigay ng tugon sa ating imunidad. Ito'y maari maging isang buong mahinang mikroorganismo o tinatawag ding “disease-causing organism” upang matutunan ng ating pangangatawan ang daan sa paglaban ng virus na ito. Maari din ito maging isang maliit na porsiyento ng isang mikroorganismo upang sa gayon ang pokus ng buong mikroorganismo ay nakalaan para sa ibang sangkap ng nilalaman nito. Sa tulong ng mga eksperto at magagaling na siyentista ng iba’t-ibang bansa, kasama na rin dito ang ating bansa sa pagsusuri ng sanhi ng virus na ito, ang mga bakuna kontra sa coronavirus ay nailantad at naikalat sa iba’t ibang parte ng bansa at kontinente sa buong mundo.
Simula sa unang araw ng lockdown ‘di ko na alam ang gagawin, maraming bagay sa gusto kong gawin na akin lang magagawa kung ako’y lumalabas o pumapasok sa aking eskwelahan. Napapaisip din ako sa mga posibleng mangyare sa mga susunod na araw at mga lungkot na dadalhin nito sa atin. Hindi nag tagal at bumalik na ang klase, nagkaroon ng bagong oportunidad upang matuto ang mag aral, ngunit ito’y kulang. Sa pag dating ng bagong Sistema at ibang klasing pag tuturo.
Maliwanag ang pahayag na inihatid ng manunulat at ailahad niya nang maayos ang mga impormasyon tungkol sa paksa. Magaling ang pagkakagawa sa blog na ito.













