Sa kagustuhan mong umangat, hihilahin ka nila pababa.
Huwag ka kasi masyadong pabibo sa mundong ginagalawan mo. Magpasalamat ka at nandyan ka at dyan ka nilagay. Huwag mong kakalimutan nantingalain ang mga taong nagbigay sayo ng opurtunidad. Huwag kang pabibo, na akala mo kung sino ka na at malayo na ang narating mo para i-angat ang sarili mo. Wala naman masama sa ginagawa mo, madalas. Pero sa mga sablay mo, sa mga banat mo, tandaan mo, hihilahin ka pababa ng mga kagustuhan mo.
You desire, you suffer.
Kaya huwag kang kampante na kontrolado mo ang lahat, kahit ako nga na nasa mataas na lugar, hindi kampante sa sitwasyon, ikaw pa kaya na tinutungo ko lang.
Huwag ka din masyadong pabibo, dahil kung inaakala mo na ako ay iyong mahahadlangan, nagkakamali ka. Dahil sa totoo lang, madami kang natatapakan na tao aa kagagawan mo.
Sa kagustuhan mong umangat, hihilahin ka nila pababa. Tandaan mo yan.
Paa sa lupa, mata sa langit.













